John’s Point of View “J-JOHN… I-I love you. May gusto ako sa iyo.” Parang bombang sumabog sa tenga ko ang sinabi ni Jackie sa akin. Bigla akong napaatras ng bahagya sa kanya. “T-Teka? A-ano’ng sabi mo?” tanong ko pa sa kanya kahit na narinig ko na ang sinabi niya. “May gusto ako sa iyo. Sorry. Hindi ko napigilan ang damdamin ko na mahulog sa iyo.” Napauwang na ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Sa buong buhay ko ay ni minsan wala akong na-encounter na isang tao na magtatapat ng nararamdaman niya para sa akin. Si Jackie pa lang. At hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang pag-uusap na ito. Paano ko sasabihin kay Jackie na wala akong nararamdamang pagmamahal sa kanya? “B-Bakit ako?” iyon na lamang ang tanong na lumabas sa bibig ko. Nakasalubong ang dalawang kilay

