Monica’s Point of View Hindi ko na nga naiwasan pa ang mga sumunod na nangyari. Matapos akong bigyan ni Kent ng brand new phone nang araw na iyon ay siya na nga rin itong nagsundo sa akin upang pumunta sa mansyon para gawin ang pagcho-tutor ko kay Kenji. Siya na rin itong naghatid sa akin pauwi. Akala ko nga ihahatid niya lang ako sa main gate ng mansyon nila, pero hindi ko inaasahan na ihahatid niya pala talaga ako sa boarding house na tinutuluyan ko. Naulit pa ng ilang gabi ang paghatid-sundo ni Kent sa akin kasama ang driver niya na si Robe. Medyo naiilang na rin ako kasi kadalasan napapansin ko na maraming nakatinging mata sa akin sa SJU sa tuwing sumasakay ako sa sasakyan niya. Ewan ko. Kahit hindi nila pinapahalata sa akin ay alam kong pinag-uusapan nila ako. Binabale-wala ko n

