Monica’s Point of View
MAAYOS naman ang naging second day of school ko rito sa SJU. Medyo nahihiya pa ako sa mga kaklase ko kasi hindi naman ako ganoon ka-friendly noong nag-aaral pa ako sa high school. Saka naninibaguhan pa ako, lalo na sa pagsusulat kasi nga matagal din akong huminto sa pag-aaral.
Lumipas ang isang linggo ay walang pinagbago sa daily routine ko bilang isang estudyante sa SJU. Tuwing umaga ay kasama ko si John dahil lagi kaming magkasabay umalis papuntang SJU at papauwi rin kapag wala na kaming klase.
May pagkakataon na natatapos ang klase ko ng alas singko ng hapon, habang siya naman ay natatapos ang klase niya ng alas kwatro sa hapon. Kahit na sabihin ko sa kababata ko na ’wag na lang niya akong hintayin, mapilit pa rin niyang sinasabi sa akin na maghihintay raw siya.
Hinayaan ko na lang siya kasi ayoko ng makipagtalo pa kay John. Kung ano ang gusto niyang gawin, iyon ang gagawin niya. May isang salita lang si John. Kapag sinabi niya iyon, susundin o tutuparin niya ang sinasabi niya.
Kinamusta ko rin siya sa pag-aaral niya. Sabi niya ay okay lang daw siya. Marami na raw siyang kaibigan sa deparment nila. Kahit ako ay marami na rin akong mga kakilala pero hindi ako ganoon masyadong palasalita kasi nahihiya pa ako.
Bukod doon ay dinidistansya ko rin ang sarili ko sa kanila kasi mga anak mayaman ang mga ka-blockmates ko. Hindi na iyon nakakagulat kasi isang private university ang SJU. Halos lahat ng mga estudyante rito ay mayayaman. Kakaunti lang yata kami na galing sa isang kahig isang tuka rito, eh. Na-swertehan lang makapasok sa SJU dahil sa scholarship.
’Di bale na iyan, basta ang importante ay nakakapag-aral ako ng libre.
Noong nakaraang araw ay napag-usapan namin ni John na maga-apply kami ng trabaho bilang isang service crew sa bagong itinatayong juice bar malapit sa SJU.
Kaya no’ng nakaraang Sabado ay nag-apply nga kaming dalawa. Nagpasa lang kami ng biodata at sinabihan kami no’ng HR na tatawagan na lang daw niya kami for interview. Hinihintay na lang namin iyon ni John at hindi namin alam kung kailan tatawag ang HR sa amin. Maghihintay na lang siguro kami.
Pagpatak ng alas singko ng hapon, nahuli akong lumabas ng room dahil nililigpit ko pa ang mga gamit ko. Saktong paglabas ko ay nakita ko na kaagad si John sa labas. Nakatayo siya roon sa receiving area ng department habang naghihintay sa akin. Busy siya kakatingin sa bulletin board at staff directory roon.
Natatawa ako sa ginagawa niya kasi sobrang tutok na tutok ang atensyon niya roon sa tinitingnan niya. Hindi ko pa kasi siya nakikitaan ng ganyan ka-seryoso. Kaya parang bago sa akin ang nakikita ko sa kanya. Wala na akong ibang ginawa kundi lapitan siya at sabay kalabit sa likod nito. Lumingon naman siya sa akin pagkatapos.
“Kanina ka pa?” bungad na tanong ni John sa akin nang lingunin niya ako. Hindi pa rin naaalis sa labi ko ang ngiti nang umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
“Kakarating ko lang. Ikaw? Kanina ka pa rito?”
“Hindi naman,” sagot niya kahit na alam kong nagsisinungaling siya.
“Maniwala sa ’yo. ’Di ba sinabi ko naman sa iyo na huwag mo na akong hintayin pa kapag alas singko matatapos ang klase ko. Mauna ka na lang umuwi at magpahinga ka. Hindi mo na ako puwedeng sabayan pa sa pag-uwi.”
Akmang kukuhain ni John ang dala-dala kong tote bag. Ayoko sanang ibigay sa kanya iyon pero kinuha na niya at hindi na ako nagpapigil pa.
“Bakit ko naman gagawin iyon? Ayokong mag-isa kang umuuwi sa boarding house mo. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo. Kunsensya ko pa ang hahabol sa akin kapag balita na lang ang matatanggap ko.”
“OA mo naman. Wala naman na akong ibang pupuntahan pagkatapos ng klase ko kundi ang boarding house lang. Saka ’wag ka ng mag-alala sa akin kasi minsan kasabay ko naman si Chepai umuwi, eh.”
Speaking of Chepai, saktong narinig ko ang malakas niyang tawa hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ni John. Napalingon naman kaming dalawa at tama nga ang hinala namin na siya nga iyong humahalakhak ng malakas. Rinig na rinig ang tawa niya sa kabuuan ng department, tapos sabayan pa ng mga kasama niya na sobrang lakas din ng mga tawa.
Nang makita niya kaming dalawa ni John, dali-dali siyang nagpaalam sa mga kasama niya at saka siya lumapit sa amin.
“Uuwi na kayo? Wala na ba kayong klase? O baka magde-date pa kayo?” sunod-sunod na tanong ni Chepai sa aming dalawa. Napakunot-noo pa ako dahil sa huling tanong niya sa amin. Nagbibiro lang siya.
“Uuwi na kami,” daretsahang sagot ko.
“Ganun ba. Pasabay ako. Pero bago tayo umuwi, mag-meryenda muna tayo sa labasan. G ba kayo?” sabi ni Chepai sabay pumagitna siya sa aming dalawa ni John at inakbayan niya kaming dalawa.
Hindi kami sumagot ng kababata ko kasi mukhang nagdadalawang-isip pa kami. Lalo na’t nagtitipid nga kami ng pera.
Mabuti na lang at malakas ang instinct ni Chepai dahil napansin niya iyon. “’Wag na kayong mamublema sa kakainin niyo. Libre ko ulit.” Sa makalipas na linggo na magkasama kami ni Chepai sa boarding house ay naikuwento ko na yata sa kanya ang istorya ng buhay ko at buhay namin ni John. Kaya alam na niya na tatanggi talaga kaming dalawa ng kababata ko sa alok niyang iyon.
“Game!” masayang sigaw ni John kasi iyon lang naman ang hinihintay niyang sasabihin ni Chepai, eh. Noon nakaraang Linggo ay kumain din kaming tatlo sa labas. Pa-welcome party daw ni Chepai sa aming dalawa ni John. Nanglibre siya no’ng araw na iyon kaya mukhang nawili naman itong si John sa libre ni Chepai.
Hindi na rin ako tumutol pa kasi kahit na umayaw ako ay pipilitin pa rin ako ni Chepai na sumama kasi magiging KJ daw ako kapag hindi ako sumali sa kanilang dalawa. Hindi pa kami nag-iisang buwan na magkakilala ni Chepai ay ramdam ko talaga na magkaibigan kaming dalawa. Kaibigan din niya si John kasi lagi ko siyang kasama.
Napailing na lang ako habang tinitingnan ko silang dalawa na masayang nag-aasaran. At sumunod na lang din papunta sa main gate ng SJU.
Sa makalipas na araw na naging estudyante ulit ako, ngayon ko lang naramdaman kung paano maging masaya sa tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko. At sana manatiling ganito lagi kasaya ang takbo ng buhay ko, para naman may inspirasyon din akong pumasok sa eskwela, ’di ba?
Kent’s Point of View
KAKATAPOS lang ng huling klase ko this afternoon. Nang mag-dismiss na ng klase ang prof namin ay kaagad na akong lumabas ng classroom. Saktong nakapuwesto lang ako malapit sa pinto kaya hindi naging mahirap ang paglabas ko.
And this time, mag-isa na naman akong naglalakad sa hallway hanggang sa makalabas ako ng department. Hindi ko kasama sina Larry at Dave ngayon kasi nga magkaiba na kami ng kursong kinukuha. Bukod doon, gusto ko rin mapag-isa kasi doon lang ako nakakaisip ng malaya kapag mag-isa ako.
As usual, hindi naging mailap sa akin na pagtitinginan ako ng mga tao. I don’t know what they’re staring at me. Kadalasan sa mga nakatingin sa akin ay mga pamilyar pa na mga mukha noon. I guess they are looking at me kasi alam nila ’yong nangyaring issue sa akin sa pagkamatay ni Bianca.
Ayokong pag-usapan iyon dahil nawawala lang ako sa mood. Kaya hinahayaan ko na lang sila na tingnan ako. I don’t care what they are going to say to me. Hindi ko na lang sila papansinin.
Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone ko. Napahinto pa ako sa paglalakad upang kunin iyon at sagutin.
Si Sheila ang tumatawag. Tinatanong niya kung magpa-practice ba raw ako ng Taekwondo ngayon kasi siya lang daw mag-isa. Inayawan ko siya kasi naalala ko na may gagawin pa pala ako sa juice bar ngayon. Bukod doon ay dadalawin ko rin si Bianca sa puntod niya. Dalawang beses sa isang linggo ako dumadalaw sa kanya. Kung malaya lang ako sa mga taong nakaantabay sa akin, gusto ko sana araw-arawin ang pagdalaw ko sa puntod niya. Pero hindi puwede. Wala akong magagawa kundi sundin sila.
Iyon na lang ang ginawa kong rason kay Sheila para hindi na siya magpumilit sa akin. Saka ko naman ibinaba ang cell phone ko matapos ang tawag.
Nasa school ground na ako at papasakay na ng sasakyan nang makarinig ako ng ingay hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. A loud laugh of a girl caught my attention. Kaagad ko iyon hinanap at hindi naging mahirap sa akin na makita iyon kasi pagtingin ko sa kaliwa, nakita ko na kung sino ’yong babaeng tumatawa ng malakas.
Nakikipagbiruan ’yong babaeng iyon doon sa lalaki kasama niya habang patuloy ang mga ito sa paglalakad. Pero hindi ang dalawang iyon ang mas lalong nakakuha ng atensyon. Kundi sa isa pa nilang kasamang babae na sumasabay lang din sa kanilang mga biro at tawa.
Yes, it’s her, ’yong babaeng nakilala ko sa palengke noong nakaraang araw at noong nakalipas na orientation for freshmen students. Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. Siya ’yong babaeng laging nakatingin sa akin doon sa orientation. I always noticed her. Hindi lang ako nagpapahalata. Nakalimutan ko lang ang pangalan niya.
I don’t know what’s the reason kung bakit lagi niya akong tinitingnan. Kung ang iisipin kong rason ay dahil sa alam niya rin ang issue na nangyari sa akin noong nakaraang taon, hindi ako maniniwala dahil ngayon ko pa lang siya nakita rito sa SJU.
Kahit na noong mga oras na tino-tour kami ng coordinator namin sa iba’t ibang parte ng SJU, ramdam ko pa rin na pinagmamasdan niya ako. Is she attracted to me or what? Kasi iba na ang tingin niya sa akin, eh. Ano ba? May gusto ba siya sa akin?
Sa huli, hinahayaan ko na lang siya at hindi na pinansin.
“Sir Kent, tara na po?” narinig ko na lang na tanong ni Robe sa akin. Hindi ko man lang siya sinagot at hinarap kasi nakatuon pa rin ang tingin ko roon sa babae.
Not until she make her eye contact to me again. Muling nagtama ang mga mata namin sa isa’t isa kaya siya napahinto sa paglalakad.
And I just felt my body froze at this moment. I don’t know how it happened. Basta na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko out of a sudden after she make an eye contact to me.
After that, nakapagdesisyon ako na alisin ang pagkakatingin ko sa kanya nang makita kong tipid na ngumiti siya sa akin at mahinang kumaway pa.
Umiling na lang ako at inalis ang tingin. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kotse habang iniisip kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko no’ng tingnan ko ang babaeng iyon. Is she has something dark magic that can make me freeze on my ground? Napasagitsit ako sa palaisipang iyon. Imposibleng mangyari iyon.
Pagkatapos niyon ay sinabihan ko na lang si Robe na dumaretso muna kami sa juice bar bago kami dumaan sa flower shop para bumili ng bulaklak para kay Bianca.
Kailangan kong pumunta sa ipinapatayong juice bar ng ina-inahan ko na si Olivia dahil kung hindi ko gagawin iyon ay baka magsumbong itong magaling kong driver sa ama ko na si Shan. Wala rin naman akong interest sa business ng magaling kong step mother, eh. Ginagawa ko lang ito out of nowhere.
Pagkarating ko roon sa juice bar, nadatnan ko ang na-hire na assistant manager ni Olivia na si Stephanie. Bukod sa pagiging assistant manager, HR din siya ng juice bar at may experience siya sa pagpapatakbo ng ganitong business compare sa akin.
Stephanie was in her mid-20. May asawa na ito at anak. I don’t know her actually but Olivia does. Siya lang ’yong inuutusan ko to make a job posting para maghire ng mga tauhan sa juice bar. Humihingi lang ako ng updates sa kanya kung ano ang bago at kung ano ang kulang para sa magiging opening ng juice bar soon.
Binigyan na nga niya ako ng update regarding para sa mga applicants na gustong mag-apply bilang service crew ng juice bar. Humingi ako ng mga biodata para tingnan kung sino ang mga may potential for interviews.
Hanggang sa mapatigil ako sa pinakahuling biodata. Nakita ko roon ang 2x2 picture ng isang pamilyar na babae.
Binasa ko ang pangalan niya at parang nagkaroon ako ng interest na makita siya ng personal ulit.
Monica Bautista
That’s her name. I remember it.
Mabilis kong ibinigay kay Stephanie ang bio data na iyon na may nakasaad na pangalang Monica Bautista. Sabay sabing, “Interview her as soon as possible and accept her whatever qualifications she has. Don’t reject her on the interview no matter what.”
Gulat at pagtataka ang napansin ko sa mukha ni Stephanie pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. Wala na rin siyang ibang salitang ibinukang-bibig sa akin kaya nagpaalam na ako kay Stephanie upang umalis na roon.
Lulan ng sasakyan, iniisip ko pa rin ’yong pangalan ng babae. Gusto ko siyang makita at makausap sa personal. May gusto lang akong itanong sa kanya.