Kent’s Point of View
“KENT, MEET your fiancé and soon to be wife—Cindy Ong.”
Iyon lamang ang mga katagang naririnig ko ng gabing iyon ng magkaroon ako ng dinner meeting kasama ang daddy ko na si Shan at ang kinaayawan kong stepmother na si Olivia isang gabi sa business partner niyang si Mr. Ong—ang isa sa mga kilala at pinakamayamang business man ng bansa.
Siya lang naman ang may-ari ng pinakasikat na mall sa Pilipinas—ang Country Mall o ang tinatawag ng mga tao na CM. Marami na itong branch sa Pilipinas at meron na rin ito sa Europe at USA. Kung ikukumpara ko ang yaman nito sa yaman ng daddy ko, masasabi kong mas mayaman si Mr. Ong kaysa kay Shan.
Naging business partner ito ng daddy ko dahil na rin sa negosyo niyang mga branded na damit at accessories. Isa ang Country Mall sa pinakamain target ni Daddy na lagyan ng branch ng kanyang branded business. Matapos ang pag-uusap nila noon, naging mag-business partner nga sila at mas lalong tumaas pa ang sales ng ama ko buwan-buwan, lalo na kung December dahil shopping season ito.
Isang pure Chinese si Mr. Ong. Katulad ng karamihan ay galing sa mahirap na pamumuhay ang business tycoon na ito. Nag-migrate ang pamilya ni Mr. Ong sa Pilipinas galing China noong bata pa ito. Musmos pa lang ay mautak na ito pagdating sa negosyo.
Nagbebenta ng sapatos at damit si Mr. Ong noon sa isang tiyangge pagtuntong niya ng disi-sais anyos. Nang tumagal at nang lumago ang kanilang negosyo, nagpatayo siya ng sariling mall pagtungtong naman niya ng trenta anyos. Mas lalo pang lumago ang business niya kaya nagpatayo pa siya ng maraming branches dito sa Pilipinas.
Nag-asawa siya sa edad na thirty five at nagkaroon ng isang anak na babae—si Cindy, nineteen years old. Isang 4th year high school student na nag-aaral din sa SJU High School.
Hindi ganoon kasaya ang dating ko ng makilala ko si Cindy. Kasi nga tutol pa rin ako sa arrange marriage na ito. And as what I’ve said before, I really don’t know how to stop this stupid arrange marriage. Ilang beses na akong nag-iisip ng mga paraan para hindi ito matuloy pero wala akong maisip. Wala na siguro akong takas dito.
On behalf of Cindy, mukhang masaya naman siyang ma-meet ako. She was really glad when we met. Wala akong nakikitang pagtutol sa mukha niya at parang gustong-gusto na nga niyang makasal kami sa lalo’t madaling panahon.
Cindy was thin yet sexy. Sa edad pa lang nitong disinuwebe ay nakaukit na sa katawan nito ang pigura ng pagiging babae, which is the ideal girl that men are looking for.
Mahaba ang itim at straight nitong buhok. Matangkad din siya, kasing-tangkad ko lang siya lalo na’t nakasuot siya ng high heels na sapatos. Maputi siya at hindi gaano kapula ang labi. At higit sa lahat, chinita ito dahil nga Chinese ang lahi ni Cindy. Masasabi ko rin na nagmana ito sa ina niya na si Mrs. Ong na isang pure Filipina. Mabait ang ginang at hindi ganoong matapobre.
“Oh, paano ba ’yan? Mukhang maganda naman ang naging pagkikita nila, Shan,” sabi ni Mr. Ong sa ama ko habang nagkukuwentuhan silang dalawa.
“Yes, indeed. And I’m pretty sure that they will give us both a beautiful and handsome granddaughters and grandson soon. So, when will be scheduled their marriage?” tanong naman ni Shan kay Mr. Ong. Medyo nainis ako sa binitawan niyang tanong kasi parang atat na atat na talaga siyang matali ako rito kay Cindy.
“As soon as possible, Shan. Lalo na’t singkuwenta’y kuwatro na ang edad ko. Malapit na akong maging isang senior citizen. Kailangan ko ng makita ang mga apo ko bago ako mamatay,” pagbibirong saad naman ni Mr. Ong.
“David, don’t be like that,” saway naman ni Mrs. Ong sa asawa niya sa binanggit nito.
“I’m just joking, sweetheart. Medyo na-excite lang ako kasi, tingnan mo itong anak ni Shan, guwapo, matangkad, napaka-disente kung manamit, at anak pa ng isa sa mga business partners natin. I know that our daughter will be safe from him. Hindi tulad doon sa hampas-lupang lalaking—”
“Dad!”
“David!”
Sabay pa sina Cindy at Mrs. Ong na sinaway ang padre de pamilya upang mahinto lang ito sa pagsasalita. Napatingin naman kaming tatlo nina Shan at Olivia sa mga ito dahil wala kaming ideya kung ano ang ibig sabihin ng sasabihin sana ni Mr. Ong sa amin tungkol sa hampas-lupang lalaking tinutukoy nito.
“Sorry, Shan. May mga past issues lang kaming dapat ng kalimutan. Hindi sana ito pinag-uusapan. Humihingi ako ng sorry sa kadaldalan ng asawa ko,” pagbibiro na lamang Mrs. Ong sa aming tatlo na ikinangiti na lang naming lahat.
Tipid din akong ngumiti sa kanila, but my eyes was staring to Cindy and feel like she was hiding something. Naisip ko iyon dahil na rin pag-transition ng labi niya. Nawala kasi ang ngiti niya matapos nilang magtawanan sa sinabi ni Mr. Ong. Mukhang tungkol yata ito sa past issues nila noon na hindi ko naman alam kung ano iyon.
And all of a sudden, bigla na lang siyang naduwal, at ora-mismong nagpaalam sa amin na pupunta muna siya sa CR. Alam kong may tinatagong lihim si Cindy sa pamilya niya at gusto ko itong malaman.
Matapos na umalis si Cindy papuntang CR ay sumunod naman akong nagpaalam sa kanilang lahat. Kinuha ko ang oras na ito upang puntahan si CR at kausapin ito. May gusto sana akong malaman.
Naghintay lang ako ng ilang minuto sa labas ng CR. Nang makalabas siya, nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako. Para siyang nakakita ng multo pagkalabas niya ng CR.
“Kent, why are you here?” iyon kaagad ang tanong na binungad niya sa akin. Napapansin kong nauutal siya and she feel sick dahil na rin sa pamumutla niya.
“I just want to talk to you,” deretso kong sabi kay Cindy.
Pinilit niyang ngumiti sa akin. “Doon na lang sa lamesa natin. Magkuwentuhan tayo roon.”
“No. Let’s make it private. May gusto sana akong malaman tungkol sa iyo.”
Napansin kong mas namutla pa siya sa sinabi ko. Para siyang estatwa na nakatayo sa kanyang kinatatayuan nang iyuko niya ang kanyang ulo. Doon naman niya mabilis na inalis ang tingin niya sa akin nang makaramdam siya ng pagkailang.
“A-Ano’ng gusto mong malaman?” she said in a c***k voice.
Matagal bago ako nakapagsalita. Iniisip ko pa kung ano ang unang itatanong ko sa kanya. “Are you really into this arrange marriage?” iyon ang una kong tanong kay Cindy.
“Yes,” walang pagdadalawang-isip na sagot niya.
“Why?”
“Kasi kailangan. Kailangan kong magpakasal dahil ito ang utos ng pamilya ko.”
“Is that the reason why you need to tie on me? Eh, sino ’yong tinutukoy ng ama mo na hampas-lupang lalaki?”
Mas lalo pang iniwas ni Cindy ang tingin niya sa akin nang maitanong ko iyon. Parang hindi na yata siya nagiging kumportable sa usapan naming dalawa. Tama nga ako, kahit hindi niya aminin sa akin ang lahat, alam ko na may tinatago siya sa pamilya niya.
“Wala iyon,” tipid na sagot niya sa akin. “Come on. Let’s go back to the table. Baka hinahanap na tayo nila,” tugon pa niya habang pinipilit ang sarili na huwag maiyak.
Hahakbang na sana siya upang makaalis sa harapan ko pero kaagad ko siyang hinawakan sa braso niya at marahas na hinila siya pabalik sa kanyang puwesto.
Mahinang napasigaw siya dahil sa ginawa ko. But who cares! Hindi pa kami tapos mag-usap. May kailangan pa akong malaman tungkol sa kanya, tungkol doon sa past issues niya. Kailangan ko iyon malaman.
“Kent, nasasaktan ako,” mangiyak-ngiyak niyang tugon sa akin nang hilahin ko siya.
“Sh*t! I don’t care. Just answer me while I’m talking to you!” naiinis kong bulyaw sa kanya.
“Ano ba kasi ang gusto mong malaman, ah? Sabihin mo sa akin.” Medyo napapalakas na rin ang boses ni Cindy sa akin.
“Why do you want to tie on me?”
Hindi na naman siya nakasagot. Napaurong siya sa harapan ko at nagdadalawang-isip kung sasagutin ba niya ang katanungan ko. Alam kong naiiyak na siya sa pressure na binibigay ko sa kanya. Pero wala siyang magagawa. Kailangan niyang sagutin ang tanong ko dahil hindi ko talaga siya pakakawalan kung hindi siya sasagot.
But I receive no answer on her. Paulit-ulit lang siya umiiling at doon na nga nagsimulang tumulo ang luha niya.
Medyo napagtanto ko na parang hindi yata tama na i-pressure ko siya ngayon. Ayoko kasing may nakikita akong babaeng umiiyak. It reminds me of Bianca on how she was crying on me kapag minsan ay hindi kami nagkakaintindihan sa isa’t isa. God, I missed her so much!
Napalunok na lang ako at binitawan ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. “Sorry for scolding you. I didn’t mean it.”
Hindi na lang siya nagsalita at mabilis na umalis siya sa puwesto niya. Napapailing na lang akong sumunod kay Cindy at nakita ko na parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina nang bumalik ako sa lamesa. Ganoon siya kabilis kung magbalat-kayo para lang maitago ang lahat para sa mga magulang niya.
Alam ko talaga na may mas mabigat na itinatago pa siya sa buhay niya. Iyon ang gusto kong malaman sa ngayon, and I really wanted to know that on my own.