Kent’s Point of View MATAPOS ang dinner meeting ng pamilya ko sa pamilya ng babaeng magiging asawa ko raw ay bumalik muli sa dati ang daily habit ko. Gigising ako sa umaga, kakain ng breakfast kasama ang pamilya ko, at papasok sa SJU upang mag-aral ng mabuti, iyon ang utos ng mabutihin kong ama. Maayos ko rin minamanage ang juice bar ngayon na sa susunod na linggo ay magbubukas na. Nakakuha na rin kami ng mga empleyado. Iyon nga lang, hindi naging madali ang naging desisyon ko na huwag tanggapin ang gustong mag-part time lang. Dahil bago pa lang ang juice bar, mas minabuti namin na kumuha ng mga regular staff muna at napagplanuhan namin ni Stephanie na kumuha na lang ng magpa-part time kapag maayos naming na-manage ang business. Iyon din ang suggestion sa akin ni Larry nang magkita kam

