Chapter 9

1353 Words
John’s Point Of View “EH, IKAW ba, John? Kung mangyayari na magkakagusto ka sa akin, hindi ka ba magpapakatorpe katulad no’ng babae na nasa pelikula?” Kaagad na naramdaman ko ang paninigas ng katawan ko dahil sa tanong ni Monica sa akin. Nagsunud-sunod pa ang paglunok ko dahil wala akong maisip na sagot sa kanya. “M-Matutulog na ako. Maaga pa ako sa construction bukas,” nasabi ko na lang sa kanya dahil ayokong sagutin ang tanong niyang iyon sa akin. Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo ko sa bubong at saka dali-daling pumasok sa loob ng bahay, doon sa bintana. Hindi ko na pinakinggan pa ang huling sigaw niya sa akin dahil gusto kong makatakas sa tensyon na nararamdaman ko. At nang gabing iyon, halos hindi ako makatulog. Nananatiling mulat ang mata kong nakatutok sa kisame ng bahay nina Nanay Rosa dahil iniisip ko pa rin ang tanong ni Monica sa akin. Kung magkakagusto raw ako sa kanya, hindi ba raw ako magpapakatorpe katulad no’ng nasa pelikula na pinanuod namin kanina? Sa totoo lang, matagal na akong nagpapakatorpe sa nararamdaman ko sa kanya. Simula noong nag-high school kaming dalawa ni Monica, at matapos naming malamang dalawa na ampon lang ako sa kinalakihan kong magulang, doon ko nakita kung gaano siya sobrang importante sa buhay ko. Nandiyan siya upang damayan ako sa lahat ng hinanakit ko sa buhay. Nandiyan siya upang tulungan ako kapag walang-wala ako. Nandiyan siya para pasayahin ako—na dumating sa puntong nahulog na nga ang puso ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Monica, buong pusong inaamin ko iyon sa sarili ko. Pero ako ’yong natatakot para rin sa sarili ko dahil hindi ko man lang masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko. Kung mangyayari man na sasabihin ko sa kanya ang totoo, baka makaapekto pa ito sa pagkakaibigan naming dalawa. At ayokong mangyari iyon. Kaya nga ayokong sagutin ’yong tanong niya kanina dahil wala rin naman kasi akong maisasagot sa kanya. Bukod doon ay torpe na talaga ako noon pa man kaya hindi ko na kailangang sagutin iyon. Hindi ko tuloy maiwasan na magbuntong-hininga habang nakatingin pa rin ako sa kisame. Sinubukan kong tumagilid upang hanapin ang kumportableng puwesto. Pero walang epek pa rin iyon dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko ang cell phone ko na nakalapag lang sa lamesita na nasa gitna ng sala. Maga-ala una na ng madaling araw. Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang dalawa kong kamay dahil sa pagkasiphayo matapos kong ibalik muli sa lamesita ang cell phone ko. Kelan ba ako makakatulog nito! sigaw ko na lang sa aking isipan. Muli akong gumalaw sa pagkakahiga. Pero natigilan ako nang makita ko si Monica mula roon sa hagdanan. Nakatayo ito roon habang nakatingin at nakangiti siya sa akin. Mukhang kakababa lang niya roon sa hagdanan galing sa itaas. Napabangon tuloy ako at napatingin na rin sa kanya. “Hindi ka makatulog?” iyon ang unang tanong niya sa akin at saka siya dahan-dahan na lumapit sa kinalalagyan ko. Tumango naman ako habang nananatiling nakamasid ang paningin ko sa maamo niyang mukha. Madilim ang kabuuan ng loob ng bahay. Tila ang ilaw lang sa labas ang nakakapasok sa loob na nagsisilbing liwanag din sa kadiliman. Dumadaplis sa mukha ni Monica ang ilaw na iyon kaya nakikita ko ang nakakaakit niyang mukha sa dilim. Nakasuot din ito ng isang maluwang at malaking T-Shirt. Wala siyang suot na pang-ibaba dahil nasasakop ng malaking T-Shirt na iyon ang patpatin niyang katawan. Sobra akong naaakit sa ganda niya. Bakit ang ganda-ganda ng kababata ko!? Bakit nanginginit ang buong katawan ko sa tuwing pinagmamasdan ko ang katawan niya? Umiling ako upang alisin iyon sa isipan ko. Ayokong mag-isip ng ganyan sa kababata ko dahil malaki ang respeto ko sa kanya, lalo na’t babae siya. “Bakit hindi ka makatulog?” tanong pa niya sa akin. “M-May iniisip lang ako.” “Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?” saad niya. “Hindi na kailangan. Eh, ikaw? Ba’t gising ka pa?” tanong ko naman kay Monica. Lumapit muna siya sa akin bago siya nagsalita. Medyo dumistansya ako sa kanya kasi hindi ako kumportable na nasa tabi ko siya habang naka-half naked ako. Nakasanayan ko na kasi na maghubad ng pang-itaas na damit kapag matutulog ako tuwing gabi. “Iniisip ko pa rin kasi ang sagot mo doon sa tanong ko sa iyo kanina. ’Di mo pa sinasagot. Binibitin mo ako.” Muli akong napakamot sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Nadagdagan pa yata ang inis ko. Bakit ba lagi niyang pinagpipilitan sa akin na sagutin ko ang tanong niya kanina? Naiirita na ako! “Bahala ka diyan,” nasabi ko na lang saka ako tumayo upang kunin ’yong damit ko na nakasampay sa gilid ng upuan na gawa sa rattan. Nang isusuot ko na ’yong damit ko, hindi ko namalayan na nakatayo na pala si Monica sa harapan ko at pinipilit niyang hubarin ang damit na isinusuot ko. Hanggang sa tuluyan na nga niyang nakuha iyon. Nagtataka pa akong napatingin sa kanya. “Ano’ng—” “Ssshhhhhsss,” saway niya sa akin habang ang hintuturo niya ay nakadikit sa kanyang labi. Wala akong naibukang-bibig sa inaakto ni Monica ngayon dahil sa sobrang kakaiba niyang pagmasdan. Natahimik na lang ako at hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin ko. Mayamaya ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang hindi niya inaalis ang paningin niya sa mata ko. “Umamin ka nga sa akin, John. May gusto ka ba sa akin?” iyon na lamang ang narinig kong tanong niya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Malumanay ang boses niya. Nakapagtataka. Heto na naman ang puso ko. Bigla na lang bumilis dahil sa kaba at takot. Sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo? “Ahm . . . eh . . . a-ano kasi . . . ahm—” Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Namilog ang dalawa ko dahil sa gulat nang hubarin ni Monica ang suot-suot niyang damit. Mas lalo pang naging estatwa ako sa kinatatayuan ko nang tumambad sa akin ang hubo’t hubad niyang katawan. Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa tensyon. “A-Ano’ng g-ginagawa mo?” kinakabahan kong tanong sa kanya habang mulat na mulat ang aking mga mata. “Shhsss,” sabi na lang sa akin ni Monica. Mas lalo pa niyang inilapit sa akin ang katawan niya dahilan upang magdikit ang hubad naming katawan sa isa’t isa. Mas lalo pang nagbibigay iyon ng tensyon sa aking kabuuang katawan. “’Wag kang maingay,” dagdag pa niya. Naramdaman ko na lang na dumadapo na ang dalawa niyang kamay roon sa balikat ko. Gumagala na ito mula sa balikat papunta sa magkabilang braso ko hanggang sa dumapo na nga ito sa dibdib ko. Alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari. Nagdadalawang-isip din ako kung pipigilan ko ba siya o hindi. Pero nandoon na rin ako sa point na gusto ko ang ginagawa niyang paghimas sa aking katawan. “Alam kong may gusto ka sa akin, John. At kung totoo man ito, dapat patunayan mo ito sa akin ngayon.” “Ha?” naguguluhan kong sagot sa kanya. Pero hindi na ako nakapagsalita pa dahil naramdaman ko na lang ang isa niyang kamay na nakapasok na sa loob ng aking suot na short, nakakapit mismo ang kamay niya sa pinakagitnang parte ng aking katawan. Napapikit ako dahil sa init. Napapaungol na lang ako dahil sa sarap ng nararamdaman ko. At pagkatapos niyon, bigla na lang inilagay ni Monica ang isa pa niyang kamay sa likuran ng aking ulo. Inilapit niya ang mukha ko sa mukha niya at binigyan niya ako ng banayad na halik sa labi. Gustuhin ko man na itigil itong kahibangan na ginagawa naming dalawa, subalit hindi ko naman magawa. Nadala ako sa init ng katawan ko, lalo na sa tukso niya. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na hagkan din siya ng pabalik, hanggang sa tuluyan ko na siyang inihiga sa sala upang damhin ang init ng aming katawan sa isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD