Chapter 10

2117 Words
John’s Point of View BIGLA na lang akong nagising kinaumagahan. Ramdam ko ang lagkit ng pawis sa aking katawan. Habol-hininga nakatitig ako sa kisame upang alalahanin ulit ang panaginip na iyon. T*ngna! Ba’t ganun ang panaginip ko!? ’Di ko rin maintindihan kung bakit nga ganoon. Bakit ang laswa? Bakit kakaiba? Hindi ko tuloy mapigilan na mapahilamos ng mukha gamit ang dalawang kamay ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa panaginip ko. Mayamaya ay napansin ko na lang na maliwanag na pala sa labas. Umaga na. Bukas na rin ang pinto ng bahay nina Nanay Rosa, at naririnig ko na rin ang tilaok ng mga manok sa labas. Pero ang mas nakakagulat pa rito ay no’ng mapansin ko ang gitnang parte ng aking short na suot na sobrang basa. Nakaumbok din doon ang… ang… “Sh*t!” malakas na mura ko na lang sa sarili at mabilis kong tinakpan ng dalawang kamay ko ’yong gitnang parte ng short ko. “T*ngna! Nilabasan ako!” dagdag ko pa. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at kinuha ang damit na nakasampay roon sa gilid ng sofa. Iyon ang ginamit kong pantakip doon sa gitnang bahagi ng short kong suot at saka dali-daling tumayo upang makapunta ako roon sa CR. Mabuti na lang at walang tao. Papasok na sana ako ng CR nang biglang bumukas ang pinto na gawa sa yero. Iniluwa roon si Monica na sabog ang buhok dahil mukha kakagising lang nito kanina’t dumaretso lang sa CR. Para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko kasi hindi na ako nakakilos pa nang makita ko siya. At ang mas nakakaloko pa ay no’ng napagtuunan ko ng pansin ang maluwang na damit niyang suot. Kaparehong-kapareho ito sa suot niyang damit sa panaginig ko kagabi. ’Wag niyong sabihin na totoo ’yong panaginip kong iyon? ’Di puwede! “Oh, John. Kanina ka pa diyan? Umihi lang ako saglit. Ikaw na,” narinig ko na lang na sabi ni Monica sa akin no’ng makita rin niya akong nakatayo pagkalabas n’ya ng CR. Hindi tuloy ako nakapagsalita kasi wala akong maisip na maisasagot sa kanya. Mas namumutawi pa rin sa isipan ko ang panaginip na nangyari sa akin kagabi. Mayamaya ay nilagpasan na rin ako ni Monica. Dumaretso ito sa kusina at kinuha ang termos upang tingnan kung may laman ba ito o wala. Pinapanuod ko lang siya habang busy siya roon. Tinitingnan ko siya mula ulo hanggang paa at parang nadadagdagan pa yata ang init na nararamdaman ko sa tuwing napapadpad ang mata ko sa hita niya na natatabunan lang ng maluwang na damit na suot niya. Mabilis akong napailing upang alisin ang maduming isipan na nasa utak ko. Ayoko! Ayoko ng ganito! Hindi puwede ’to! Wala na akong nagawa. Pinagsasampal ko na ang mukha ko habang nakapikit ang mga mata ko. Gusto kong alisin itong iniisip kong kalaswaan sa utak. Sa lahat ba naman ng mapapanaginipan ko ay ’yong matalik ko pang kaibigan ang masasapid sa utak ko. Ano’ng katangahan ’yon!? “Hoy! Okay ka lang? Akala ko ba iihi ka?” narinig ko na lang na sabi ni Monica. Pagmulat ko ng mata, nagtataka siyang nakatingin sa akin. Dala-dala na niya sa kaliwang kamay niya ang takore upang makapag-init na ng tubig. “Ha?” ani ko. “Nananaginip ka ba? Kanina ka pa diyan nakatayo,” sabi pa ni Monica. Magsasalita na sana ako no’ng napansin ko na hindi niya sinasadyang napatingin sa baba, doon mismo sa gitna ng short ko. Kasunod niyon ang sabay na pagbilog ng dalawang mata niya, lalo na ang bibig niya dahil sa gulat. “Oh my—” narinig kong singhap niya. Dahil do’n, bigla tuloy nabitawan ni Monica ang dala-dala niyang takore kasi mabilis niyang tinakpan ang mata niya ng kamay niya. Matapos niyon ay narinig ko na lang din na nagtitili siya sa kinatatayuan niya. Mabilis rin siyang tumalikod sa akin. “John!! Magbihis ka! Shuta ka!!” sigaw pa niya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa sitwasyon ko ngayon. Hanggang ngayon kasi ay nananatiling nakatayo pa rin itong baton ko. Galit na galit, gustong manakit! ’Tapos basa pa ang gitnang parte ng short ko ng ano ko… basta… alam niyo na ’yon!  “Sorry. Oo na. Magbibihis na!” Nataranta na ako dahil sa pagtitili niya kaya mabilis na akong kumilos at pumasok sa CR. “Nakakahiya ka, animal ka!” Mangiyak-ngiyak pa niyang sabi roon sa labas. Sinaway ko na lang ang sarili ko nang makapasok ako sa loob ng CR.  “Nakakahiya ka talaga, John!” Nanginginit pa ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. Pagkatapos ay mahina kong pinupukpok ang ulo ko ng isa kong kamay upang matauhan na ako.   Monica’s Point of View KAAGAD akong bumaba sa hagdanan matapos kong kumuha ng extrang damit at short doon sa kuwarto. Ibibigay ko ’to doon sa kumag kong kaibigan na hanggang ngayon ay nasa loob pa ng CR. Ilang minuto na siyang naroon at hindi pa rin siya lumalabas. Nakakaloka talaga siya! Kahit gustuhin ko man na alisin sa isipan ko ’yong nakita ko kanina doon sa gitna ng short niya, hindi ko pa rin magawa na tanggalin iyon sa isip ko. My God! My virgin eyes! Hindi ito maaari! Nang makababa ako sa hagdanan, kaagad akong kumatok sa pinto ng CR pagkalapit ko roon. “John, damit mo!” sigaw ko pa. Mariing bumukas ang pinto ng CR pero hindi ito ganoon kalaki. Sumilip si John doon at nakita ko na basang-basa na siya ng tubig. Mukhang iniligo na lang nito ang sarili dahil sa kahihiyan na nangyari kanina. Hindi naman siguro obvious ’yong gulat ko no’ng makita ko na sobrang… na sobrang... ayyy ’wag na nga natin pag-usapan ’yon! Ang laswa para sa akin, eh. “Dinalhan na lang kita ng extrang damit, short at brief dito. Kukunin ko lang saglit ’yong tuwalya.” Iniabot ko na muna sa kanya ’yong damit na susuotin niya bago ko kinuha sa sala ang tuwalya na kulay pula. Ibinigay ko naman ito sa kanya pagkatapos. “Bilisan mo na diyan at kakain na tayo.” “Salamat,” tipid niyang sagot sa akin at saka niya isinara ang pinto. Napailing na lang ako kasi gusto kong kalimutan ’yong nangyari kanina. Hindi na dapat mauulit ’yon! Mga ilang minuto ang nakalilipas, lumabas na si John doon sa CR. Kasama ko na si Nicole sa mesa at nagsisimula na kaming kumain ng umagahan. Magulo ang mabasang buhok nito na natatabunan ng tuwalya dahil patuloy pa rin niyang pinupunasan ito upang matuyo. Lumapit siya sa mesa at napatingin naman si Nicole sa kanya. “Bango mo ngayon Kuya, ah. Saan lakad mo?” saad ni Nicole sa kanya. Tumabi si John sa kapatid ko at nagsimula ng magsandok ng kanin doon sa plato niya. “Kape?” pago-offer ko sa kanya. Nakapatong ang isa kong paa roon sa karatig na upuan na katabi ko habang kumakain ako na nakakamay. Tumango naman siya para sa offer kong kape at ibinigay ko sa kanya ’yong akin. Tumayo ako nagtimpla ulit ng para sa akin. “Sa construction. May trabaho ako ngayon, eh,” narinig kong sagot ni John sa tanong ng kapatid ko. Nakatalikod ako ngayon sa dalawa dahil abala ako sa pagtitimpla ng kape. “Ganun po ba? Pero dito ka po ulit matutulog mamaya?” “Oo naman.” Matapos kong magtimpla ng kape, kaagad na akong bumalik sa puwesto ko. Bigla kong napansin na parang hindi makatingin ng maayos sa akin si John at sobrang tahimik niya roon sa kinauupuan niya. Hindi siya kumikibo, hindi siya nagsasalita. Napansin tuloy iyon ni Nicole kaya iba na ang iniisip ng batang ito sa aming dalawa. “Ayy! LQ kayo?” pagbibiro pa ni Nicole sa aming dalawa ni John. “LQ ka diyan! Saan mo natutunan ’yang salita na iyan? Ang bata-bata mo pa, alam mo na ang mga ganyang salita.” “Ate naman! Grade Six na ako. Magha-high school na ako next year. Alam ko na ang ibig sabihin ng LQ. Huwag mo na akong pagsabihan pa!” sagot naman ni Nicole sa akin. “Pero bakit nga parang hindi kayo nagkikibuan? Nag-away ba kayo?” “Hindi!” “Hindi!” Sabay naming sabi ni John. Dahil diyan, iba na ang tingin ni Nicole sa aming dalawa, lalo na no’ng mapansin niya na iniiwasan ni John ’yong tingin ko sa kanya. Baka siguro nagkakaganito ang kumag dahil nga sa nangyari kanina. Naroon pa rin yata ang hiya niya no’ng nakita kong nakatayo ’yong baton niya. Kaloka! “Sigurado ba kayo na hindi kayo magjo—” “Tumigil ka na Nicole, ah. Tumigil ka na!” saway ko na lang sa kapatid ko kasi mukhang manunukso na naman ito sa aming dalawa ni John. Matapos kong sabihin iyon ay saktong tumunog ang cell phone ni John mula roon sa sala. Kaagad siyang tumayo at pumunta roon upang sagutin ang tumatawag sa kanya. “Hello Boss!” narinig ko na lang sabi ni John hanggang sa makalabas siya ng bahay. Doon na ako naglakas loob na kausapin si Nicole na tigilan na niya ang panunukso niya sa akin na boyfriend ko si John dahil unang-una ay wala akong gusto sa kumag na iyon. At pangalawa, never akong magkakagusto sa kababata ko dahil parang kapatid na ang turing ko kay John. Umismid lang si Nicole sa akin at parang ayaw niya akong pakinggan. Naroon pa rin ’yong panunukso niya. Ang kulit niyang bata! Pinagtutulakan niya talaga na may gusto ako kay John kahit wala naman! Napairap tuloy ako at hindi ko na alam ang gagawin ko sa kapatid kong ’to. At matapos namin mag-usap ni Nicole, sakto naman na pumasok na si John dala ang cell phone nito. Nakabusangot ang mukha niya habang papalapit siya sa amin. “Ano’ng nangyari sa ’yo? May problema ba?” bungad na tanong ko sa kanya. “Natanggal ako sa trabaho, eh,” malungkot na daretsahang sagot ni John sa akin. Sabay kaming nagulat ni Nicole sa malungkot na balitang narinig namin kay John. “Sa construction ba yan?” dagdag na tanong ko pa sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot. “Oo. Ititigil daw muna nila ang pagko-construct ng building dahil nakulangan sila sa budget. ’Yon din ang rason nila kung bakit sila nagbabawas ng tauhan.” Kitang-kita ko kung gaanong nalulungkot si John habang kinukuwento niya sa akin ang lahat kung bakit siya nawalan ng trabaho. “Paano na iyan ngayon?” “Magkakargador na lang muna ako sa palengke. Dating gawi,” sabi niya. Pilit na ngumiti siya sa akin kahit na alam kong nasasaktan siya dahil nga sa nawalan siya ng regular na trabaho. Hindi rin naman kasi ganoon ka-regular ang trabaho sa palengke bilang kargador, eh. Hindi rin ganoon kalaki ang kitaan katulad sa construction. Kaya naaawa talaga ako sa kaibigan kong ’to. Gusto ko maging masaya lang siya. Ayokong nakikita siyang malungkot kaya ngumiti na lang ako para mapagaan ang loob niya. “Sige lang. May scholarship din naman na darating sa iyo, eh. Makakapag-aral ka ulit kasama ako.” Malakas ang pagbuga ng ilong niya nang sabihin ko iyon sa kanya. Ibig sabihin ay iniinsultong ikinatawa niya ang sinabi ko, na sa totoo lang ay parang na-offend ako sa pag-akto niyang iyon. “Hindi pa nga tayo sigurado kung makakapasa tayo sa exam na ’yon,” sagot na lamang niya. Iyon ba ang rason niya kung bakit ganoon ang inakto niya? “Wala ka ba talagang tiwala sa sarili mo?” Nararamdaman ko tuloy ang pag-init ng dugo ko sa sinabi niya. “Eh, ikaw lang naman ang may tiwala sa sarili mo kasi matalino ka. Hindi ako katulad mo, Monica.” Hindi ko na tuloy napigilan pa ang ka-negahan niya. Hindi ko na kayang magtimpi pa kaya inilabas ko na ang inis ko sa kanya. “Ewan ko sa ’yo! Bahala ka diyan! Kung makakapasa ako sa exam na iyon, at ikaw hindi, hindi na kita pipilitin pa. Basta aabutin ko ’yong pangarap ko na hindi ka kasama.” Tumayo na ako at umalis doon. Umakyat ako sa taas dahil gusto kong magpalamig ng ulo. Ayan na naman siya! Nagiging negative na naman ang isip niya. Kahit ilang ulit ko ng sinasabi sa kanya na huwag siyang magpapaapekto sa isip niya, hindi pa rin niya magawa. Iyon ang kinaiisan ko talaga sa lalaking ito. “Ayan, mukhang LQ na nga kayong dalawa, Kuya John,” narinig ko pang sabi ni Nicole no’ng papaakyat na ako sa hagdanan. Napairap na lang ako’t dumaretso sa kuwarto. Isa pa ’yong animal na ’yon! Ewan ko diyan sa mga ’yan! Magsama kayo, nakakainis kayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD