Chapter 11

1699 Words
Kent’s Point of View ISA SA pinakaaayaw ko sa lahat ay ang diktahan ako ng mga bagay na hindi ko naman gusto. Gustuhin ko man tumutol ngunit hindi ko naman magawa, dahil ang buhay ko ngayon ay hindi malaya. It’s been a week since I got home. At katulad ng inaasahan ko, hindi pa rin talaga nagbabago ang lahat noong iwanan ko ang mansyon na tinitirhan ko. Sinalubong ako ni Shan—ang ama ko na may lahing Chinese. He is one of the richest man in the country. Malls, restaurants, hotels, E-Commerce sites, na lahat ng mga ’yan ay may mga nakabase sa Pilipinas, China, Singapore at Hongkong ay pagmamay-ari niya. He even had a real state agency at sobrang yaman niyang tao. At ako—ako lang naman ang nag-iisang niyang anak. The only son who doesn’t feel that I’m his son. Magmula nang mamatay ang ina ko na si Jennifer, parang nag-iba na rin ang takbo ng buhay ko bilang anak ng isang pinakamayamang tao sa bansa. After my mom died, he was betrothed again with Olivia, na sa pagkakaalam ko ay kabit niya noong nabubuhay pa ang aking ina. They have one child. His name is Kenji. Eight years old na ito at kahit masakit isipin na may stepbrother ako sa kabit ng ama ko, wala na rin akong nagawa kundi tanggapin siya bilang kapatid ko. He’s talented. Magaling siyang magdrawing. Matalino rin siya, na sobrang layo sa akin noong bata pa ako. He is also sweet, just like his mother Olivia. Pero kahit na ano’ng magandang katangian ang meron ang mga ito, still, I admit to myself na sobrang lubos na kinasusuklaman ko pa rin silang dalawa. I don’t like them. Iyon ang totoong nararamdaman ko. Kasi sobrang malaking balakid talaga sila sa buhay ko, lalo na sa buhay ng ama ko. I was in my room doing some barbell stuff when a maid knocked on the door. Sumigaw naman ako na pumasok siya at baka may kailangan. “Sir Kent, pinapatawag na po kayo ni Ma’am Olivia sa baba dahil kakain na po kayo ng dinner,” sabi sa akin no’ng matandang kasambahay. “Later. May ginagawa pa ako,” sagot ko naman sa kasambahay na iyon habang patuloy na ginagamit ko ang barbell sa kanang bahagi ng kamay ko. “Pero, Sir, nandiyan po si Sir Shan. Kailangan po na nandoon ang presensya ninyo ngayon dahil may importanteng sasabihin din po siya sa inyo.” Bigla kong naitigil ang pagba-barbell ko nang marinig ko ang pangalan ng aking ama. Gusto ko man umurong pero hindi puwede. Kapag nababanggit na ang pangalan ni Daddy, hindi ko na kayang tanggihan iyon. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya. Pero dumating na rin kasi ako sa point na hindi ko talaga kailangan tanggihan si Daddy ngayon lalo na’t ang laki ng kasalanan na ginawa ko sa kanya last year. “Sige. Tell them that I will be around in a minute. Magbibihis lang ako,” iyon na lamang ang nasabi ko sa matandang kasambahay namin bago siya tuluyang umalis at isinara ang pinto ng kuwarto. Kaagad ko ng inilapag sa sahig ang hawak-hawak kong barbell at saka tumayo sa pagkakaupo ko sa dulo ng kama. Hinubad ko ang suot kong itim na sando habang nakaharap ako sa human size na salamin. I was gazed into my built of my body. Ang dami ng nagbago magmula nang simulan ko ang pagwo-work out ko sa Amerika. Paggi-gym at pagpapaganda ng katawan ang tanging ginagawa ko lang sa Amerika para lang mapatay ko ang pagkabagot. I tried to go to school but I dropped out my subjects dahil hindi ko ramdam ang pag-aaral ko roon. Kahit ikinagalit iyon ng ama ko, hindi talaga ako nagpadala sa kanya dahil ayoko talagang mag-aral sa Amerika. Hindi lang ’yan, I was caught by my conscience about what happened to Bianca. Namatay siya ng dahil sa akin, at inaako ko naman ang kasalanan na iyon without a doubt dahil pabaya akong tao. But, to be honest, sobrang nami-miss ko na siya. Nami-miss ko ang tawa at ngiti niya. The way she loved me is the purest thing that I will never forget. I loved her so much and there’s no any women who can beat her who she is. For me, she’s the right person to be loved by me. Pero paano na nga ba mangyayari iyan kung namatay ito nang dahil lang din sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong-hininga habang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ang dami kong pagkukulang kay Bianca at hindi ko alam kung kailan matatapos ang paghihirap ko sa mga kasalanan na ginawa ko sa kanya. Napailing na lang ako’t pinagpatuloy ang kailangang gawin. Nagbihis lang ako ng simpleng damit at saka bumaba upang kaharapin ang dalawang tao na balakid sa buhay ko.   WE WERE in a long dining table. Maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa kahit na kaming apat lang naman ang kakain sa mga ito. “Nagluto ako ng marami dahil nakalimutan namin ni Shan na mag-celebrate noong dumating ka last week,” sabi pa ni Olivia sa akin. Kaharap ko siya ngayon habang katabi naman niya sa kaliwa si Kenji na abala sa pagnguya nito ng pagkain. She looked so elegant on her casual dress while my father was sitting at the end center of the table, wearing his formal long sleeve attire na sky blue ang kulay, at kitang-kita naman na kagagaling lang nito sa trabaho. “You don’t have to,” tipid na sagot ko na lang sa kanya. “Ang dami mong niluto. Hindi natin ito mauubos. Sayang lang.” “Puwede naman natin itabi ito para bukas. Ipapainit na lang natin kay Manang Hilda.” Hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko. Bumalot ang katahimikan sa aming lahat. Ang naririnig lamang sa loob ng dining area ay ang kalampag ng kubyertos sa hapag-kainan. Mayamaya ay tumikhim si Daddy. Inilapag niya muna ang goblet na naglalaman ng alak na hawak niya bago siya nagsalita. “I will not be taking this too long. Since nandito ka na rin naman sa Pilipinas, at napauwi ka ni Olivia, kailangan mong mag-aral sa kolehiyo sa ayaw at sa gusto mo,” paunang salita ni Shan sa akin. Hindi na ako magugulat pa sa balitang iyon. I was expecting that from him dahil laging bukang-bibig niya noon pa man ay ang edukasyon ko. Tumango na lang ako sa kanya para hindi na humaba ang usapan pa. Matapos niyang magsalita, si Olivia naman ang sumunod. “I am also having a project regarding sa pagpapaaral ng mga gustong bumalik sa kolehiyo. Pumunta ako sa probinsya dalawang araw ang lumipas kung saan ako lumaki. Doon ko sisimulan ang unang scholarship project. Dahil diyan, hindi ko yata maima-manage ng maayos ang juice bar na pinatayo ko. Maybe you can do it for me?” Patuloy lang ako sa pagnguya ng pagkain habang nagsasalita siya. I really don’t mind about what she’s saying. Hindi ko pinapakinggan ang sinasabi ni Olivia but I understand what she’s pointing out. “Stop eating and talk to Olivia,” narinig ko na lang na sabi ni Shan sa akin kaya napatingin ako kay Olivia matapos kong ibaling ang tingin kanina sa aking ama. Para akong tupa. Huminto ako sa pagnguya at tumango na lang bilang sagot. “Salamat, Kent,” Olivia said. She’s satisfied now. Again, hindi na naman ulit ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagkain. “Alam mo naman siguro na bawal ka ng gumamit ng motor, ’di ba?” Shan interrupted afterward. Medyo bumagal ang pagnguya ko ng pagkain nang dahil sa sinabi niya. Nalungkot ako sa bagay na iyon. “This is to make sure that you’ll never be in an accident last year, at para na rin wala ng tao ang madadamay pa sa kapabayaan mo. I’ll let you Robe to be with you. Siya ang magiging personal driver mo kung saan ka man pupunta. He will also make a report sa mga ginagawa mo. Remember, you are grounded. Ayokong madungisan mo ulit ang pangalan ko. Do you understand?” Kahit tutol ako sa kagustuhan niya, wala na lang din akong nagawa kundi tumango upang sundin ang kagustuhan ng ama ko. Sobrang labag iyon sa kalooban ko kasi parang wala akong kalayaan sa sarili ko. “Good,” tipid na lamang niyang tugon pagkatapos. Muling na naman kaming binalot ng katahimikan sa dining area. After that, my Dad broke the silent. “I am also taking an advantage to clear the issue last year. At may naisip akong paraan upang makalimutan ng mga taong nakakakilala sa atin ang nangyari noon.” Something fear begun to rushed out in my chest. Parang hindi ko yata magugustuhan ang naisip na paraan ng ama ko dahil na rin sa tono ng boses niya. Bago siya ulit makapagsalita, sinapawan na ito ni Olivia. Hinawakan pa nito ang kalapit na kamay ni Shan bago nagsalita. “Shan, siguro hindi ito ang oras para sabihin kay Kent tungkol sa bagay na iyan.” “He has to. He—” “Just tell me. I need to know what you’re talking about,” hindi ko mapigilan na manginig ang labi dahil sa kaba. Nagkatinginan muna silang dalawa sa isa’t isa bago sinabi ni Daddy sa akin ang ibig na tinutukoy niya. “I will be fixing you into an arrange marriage soon. And you’ll never object of it.” Parang bombang sumabog iyon sa tenga ko. Matapos kong marinig iyon, hindi na maalis-alis ang tingin ko sa ama ko. I was shaking, my hands are shaking that I can’t stop. Nang-iinit ang ulo ko dahil sa galit sa kanya. And later on, I bursted into tears. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. “Excuse me.” Naririnig ko ang pagtawag ni Shan sa akin ngunit hindi ko siya pinakinggan. Mabigat ang puso ko na pumanhik sa itaas papunta sa aking kwarto. At doon ko ibinuhos ang lahat ng galit ko sa aking ama na walang pakiramdam sa nararamdaman ko. Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD