Sheila’s Point of View
Maga-alas diyes na ng gabi nang makarating ako sa bahay. I was exhausted when I entered the house. Nadatnan ko naman si Papa na mag-isang nanunuod ng TV sa sala. Hawak-hawak nito ang remote upang manipulahin ang mga palabas na gusto niyang panuorin sa Netflix.
Lumapit ako sa kanya upang magmano. Bitbit ko pa ang sports bag ko sa kaliwang balikat ko ng ginawa ko iyon.
“Mano po, ’Pa.”
“Ginabi ka yata,” iyon ang bungad na tanong niya sa akin.
“Medyo matagal natapos ang training namin sa Taekwondo, ’Pa,” pagdadahilan ko. Hindi naman siya nangulit pa sa akin kung bakit late akong umuwi. Alam niya kasi na may late training ako sa Taekwondo class ko every weekdays.
“Kumain ka na ba?”
Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. “Yes po.”
“Mabuti naman. Pero kapag nagugutom ka, initin mo na lang ’yong Adobong Manok na niluto ko kanina.”
“Sige po. Akyat na po ako sa taas.”
Tumango lang siya sa akin upang sumang-ayon. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako umakyat sa hagdanan.
Si Papa Manuel nga pala, daddy ko. Isa siyang Economic Professor sa St. Joseph University na kung saan doon din ako nag-aaral bilang isang 2nd year college sa kursong BS Secondary Education major in Biological Science.
I was living with my Dad for almost twenty years since birth. Siya na lang ang kasama ko sa buhay dahil namatay si Mama sa panganganak niya sa akin.
Minsan ay sinisisi ko ang sarili ko kung bakit namatay ng maaga si Mama. Noon iyon, pero na-realize ko na ngayon na wala naman talaga akong kasalanan sa pagkamatay ni Mama kasi ipinanganak lang naman niya ako at ginusto niya akong mabuhay kaysa sa kanya.
With that, nagpapasalamat na lang ako sa kanya. Kahit hindi ko siya nakita in person, masaya pa rin ako na siya ang Mama ko, at nandito naman si Papa upang suportahan ako sa lahat ng bagay na gusto ko.
Nang makapasok ako sa kuwarto, mabilis kong inilagay ang sports bag na dala ko sa kama. Nilagay ko ’yong susi ng sasakyan doon sa study table ko pagkatapos.
Hindi ko naman sinasadya na mapatingin sa isang picture frame na naroon. Litrato naming dalawa ni Kent ang nakapaskil sa picture frame na iyon. We were just a kid when we took that photo of us.
Kinuha ko ito at pinagmasdang mabuti. ’Di ko tuloy napansin na unti-unti na pala akong napapangiti nang dahil sa litratong iyon.
Bigla kasing sumulpot sa isip ko ang isang ala-ala noong araw na kinunan namin ang litratong ito. Magkasama kaming dalawa niyon sa isang field trip. Elementary days. Kaming lang yata ang walang kasamang magulang sa bus.
At dahil kami lang dalawa ang magkasama, hindi talaga kami naghiwalay sa mga lugar na pinupuntahan namin kasi takot kaming maiwanan ng bus. Kaya ang ginawa namin ay may bracelet kaming binili noon na parehong isinuot namin sa magkabilang-pulso naming dalawa.
Para tuloy kaming nakaposas, para lang hindi kami magkahiwalay. At sa totoo lang, para kaming tanga noong mga araw na iyon. Kahit na pinagtatawanan na kami ng mga kaklase ko, hindi pa rin namin tinanggal ’yong bracelet para hindi kami magkahiwalay kung saan kami magpunta.
Nang manumbalik ako sa pag-iisip ng mga ala-ala, kaagad kong inilagap ang hawak kong picture frame sa study table. Nabalingan ko naman doon ang isa pang picture frame na kinunan noong high school kaming dalawa ni Kent.
Foundation Day iyon ng school at maraming events ang nangyari. Sa photo booth kami nagpapicture ng nasa picture frame na ito. Nakasuot kami ng iba’t ibang uri ng Animal Hats at sobrang saya naming dalawa ng mga araw na iyon.
Noong high school days din kami nagsimulang sumali sa Taekwondo class kasi gusto namin makasama sa mga Taekwondo competition kung sakali man na mangyari.
Masaya naman ang naging high school days namin ni Kent. Pero nagbago lang iyon ng magkakilala sila ni Bianca.
Naibaba ko ’yong hawak kong picture frame sa study table at napadako sa katabi nitong picture frame. Ito ’yong araw na magkasama kaming tatlo nina Bianca, Kent at Ako sa iisang litrato.
Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot nang maalala ko bigla ang panahon na iyon.
Kent confessed to me that he liked Bianca so much. At dahil classmate kami ni Bianca, plus magkaibigan kaming dalawa, at buwag ang section namin ni Kent noon, nagpatulong siya sa akin na ipakilala siya kay Bianca. At iyon na nga ang nangyari sa picture frame na hawak ko ngayon. Nagkakilala nga sila nang dahil sa akin.
That day, kitang-kita ko sa mata ni Kent kung gaano siya nahulog kay Bianca. Ibang-iba ang tingin niya rito. At hindi ko alam na iyon na pala ang time na masasaktan ako.
Napaamin na ako sa sarili ko. Mahal ko si Kent. Noon ko pa siya minamahal pero hindi ko naman masabi sa kanya ang katotohanan.
Natatakot kasi ako na baka layuan niya ako. Like yeah, kaibigan lang ang turing niya sa akin. Napaka-cliché ng love story ko, ’di ba. Pero ’yon ang totoo.
Dahil mahal ko siya at gusto ko siyang maging masaya, ginawa ko ang lahat upang maging sila ni Bianca.
Oo na. Ang tanga ko. Napaka-martir kong tao. Ako pa tuloy ang nasaktan sa huli dahil sa ginawa ko.
Pero mas pinili ko na magparaya na lang upang maging masaya siya. Okay lang na masaktan basta’t masaya lang siya kay Bianca.
Nang araw ring iyon, hindi ko inaasahan na iiyakan ko ang lalaking unang bumihag ng puso ko—si Kent. Siya lang at wala ng iba pa.
Gumawa na lang ako ng paraan upang mailabas ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Iyon ay ang paggawa ko ng secret slum book para sa nararamdaman ko para kay Kent.
Nakapaskil doon ang lahat ng mga magagandang memories namin ni Kent. Pictures and messages na gusto kong sabihin sa kanya ngunit hindi ko magawa.
Kahit doon ko na lang isigaw ang gusto kong sabihin sa kanya, mas mabuti na rin iyon kaysa kipkipin ko ito sa puso ko. Habang tumatagal kasi ay parang bumibigat lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Nasasaktan lang ako kapag naaalala ko na hindi para sa akin si Kent.
Unti-unti ko namang tinatanggap iyon sa sarili ko, pero bakit ganoon? Bakit mas lalo lang lumala? Mas lalong hindi ko pa siya makalimutan? Bakit mas lalo ko pa siyang minahal?
Naging miserable lang ang buhay ni Kent noong namatay nga si Bianca dahil naaksidente sila ng motor. Sobrang lungkot ko niyon dahil namatay ang kaibigan ko. Pero mas lalong nadudurog ang puso ko kapag nakikita ko si Kent na nagdadalamhati sa nangyari. Hindi ko alam kung kailan siya makaka-move on.
Napailing na lang ako at itinigil na itong page-emote ko. Binalik ko na lang ’yong picture frame roon sa study table at naisipang mag-hot bath bago matulog. Maaga pa ako bukas dahil may kailangan pa akong aasikasuhin sa school para sa darating na pasukan.
Mayamaya, hawak-hawak ko na ang cell phone ko at papahiga na sana ako nang biglang nakarinig ako ng pagtama ng maliit na bato mula doon sa bintana ng kuwarto.
Napakunot-noo tuloy ako nang mapansin ko na paulit-ulit na nangyayari ang pamamatong iyon kaya kaagad akong tumayo upang tingnan kung sino ’yong namamato sa labas.
Nang sumilip ako sa bintana, nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko si Kent na akmang mamamato ulit ng maliit na bato sa bintana ng kuwarto ko.
Natigil lang siya nang makita niya akong sumilip. Mabilis siyang napatayo ng tuwid at kinuha ang cell phone niya na nakalagay sa bulsa ng suot niyang hoodie jacket na kulay itim.
Tumawag siya sa akin mayamaya at sinagot ko naman.
“Matutulog ka na?” sabi niya sa kabilang linya. Pero malayong nagtitinginan kaming dalawa habang nakadikit sa tenga ang hawak naming cell phone. Wala pa rin akong idea kung ano ang ginagawa niya rito sa gantong oras ng gabi.
“Oo, eh. Bakit ba?”
“Wala lang. Hindi ako makatulog, eh. Naisip kita kaya ako pumunta rito. Gusto ko lang ng makakausap.”
Napabuntong-hininga na lang ako. Aside from that, parang nakaramdaman ng kiliti ang puso ko dahil doon sa sinabi niya. Sa tono pa lang ng boses ni Kent, parang may problema siya. Kahit hindi man niya sabihin sa akin ay nalalaman ko na, na may hindi magandang nangyari sa kanya ngayon.
“But you’ll going to sleep already. Sorry to disturb you. Uwi na lang ako at baka nakakaistorbo ako—”
“No! Wait! Hindi ka nakakaistorbo,” nataranta kong pagsigaw sa kanya doon sa kabilang linya. “May problema ba?” Hininaan ko ang boses ko dahil mukhang napalakas yata kanina.
Matagal bago siya nakasagot sa tanong ko. “Y-Yes. I need someone to talk. K-Kung puwede ka sana.”
“Oo naman. Puwede ako. Basta ikaw,” sagot ko bilang isang marupok na tao.
Mukhang balik sa pagiging concerned friend na naman ako kay Kent nito ngayon. Wala, eh. Ginusto ng puso ko ito, eh.
“Wait. Bababa ako,” nasabi ko na lang at kaagad na akong umalis sa kinatatayuan ko upang puntahan siya.
Hindi ko naman maiwasan na maging masaya ngayon dahil nandiyan si Kent kasi kailangan niya ako.
And to be honest, sobrang sarap pakinggan iyon sa tenga ko. Parang lumulundag ang puso ko sa tuwa at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na kiligin habang papunta sa kinaroroonan ng taong matagal ko ng minamahal sa buong buhay ko.
MAS PINILI na lamang ni Kent na manatili sa labas matapos ko siyang ipaalam kay Papa na bumibisita siya ngayong gabi. Kasalukuyang nasa sala pa rin si Papa at nanunuod ng TV.
Samakatuwid, nakaupo si Kent sa isang single na upuan na gawa sa bakal. Nang tingnan ko siya ay napapansin ko na parang ang lalim ng iniisip niya. Ano naman kaya ang iniisip nito ngayon?
Binale-wala ko na lang iyon at lumabas na ng bahay, dala-dala ang isang platito na may lamang cookies at isang mug na naglalaman naman ng mainit na gatas.
This is one of his favorite food noong bata pa siya. Mahilig talaga siya sa gatas at cookies, mahilig siya sa mga sweets, magpahanggang-ngayon.
“Kain ka muna,” paga-anyaya ko sa kanya ng pagkain. Natigil naman ang pag-iisip niya roon at napabaling sa akin. Pinakitaan niya ako ng ngiti kahit na pilit lang iyon.
Kinuha naman ni Kent ang mug na hawak ko. Inilapag ko ang platito sa katapat naming lamesa na gawa rin sa bakal. Umupo naman ako sa tabi niya pagkatapos.
Tahimik lang siya roon na patingi-tinging iniinom ang gatas, at saka naman ako nagsalita upang putulin ang katahimikan na nagsisimula ng bumalot sa aming dalawa kanina.
“Gabi na, ah. Ba’t napadalaw ka yata ngayon?” tanong ko.
“I told you I need someone to talk to,” sagot naman niya sa akin. Mariing tumingin siya sa akin.
Napangiwi naman ako. “May nangyari ba sa bahay niyo?” I asked. But he remain to be silent on his seat while staring at me. Wala siyang sagot na ibinato sa akin.
Hindi ko kinaya ang pagtitig niyang iyon. Ramdam ko man ang pagtibok ng puso ko dahil sa kanya, hindi ko iyon ipinakita at napabaling na lang ako sa ibang direksyon. But to be honest, masaya ang puso ko dahil kasama ko na naman siya.
“Sorry nga pala no’ng nakaraang linggo. Hindi ako nakapunta sa pa-welcome party ni Tita Olivia para sa iyo. Nagkaroon kasi ako ng urgent practice sa Taekwondo. Alam mo naman kung gaano ka-importante ng Taekwondo sa akin, ’di ba?”
Tumango siya at ngumiti. Dito na siya nagsalita. “Wala ’yon. Hindi rin naman natuloy ’yong pa-welcome party sa akin ni Olivia dahil may pinuntahan siya,” he answered. “Actually, ngayong gabi lang niya naisipang magpa-dinner party para sa akin. Pero ayoko ang nangyaring conversation namin kanina ng daddy ko.”
“Bakit naman? Ano’ng meron?” curious kong tanong. Hindi sa nagiging nosy ako pero okay lang naman kay Kent na magtanong ako tungkol sa mga bagay na ibinabagi niya sa akin. Matalik ko siyang kaibigan, kababata kung tutuusin.
Muli na naman siyang tumingin sa akin. Napansin ko ang pagbuo ng luha sa gilid ng kanyang mata. Naiiyak siya sa sasabihin niya.
“I’m getting married. Fixed marriage ang mangyayari.” Matapos sabihin ni Kent iyon, mabilis na bumagsak ang luha niya sa kanyang pisngi.
“What!?” Hindi ko mapigilan ang magulat sa sinabi niya. With all of the sudden, ang saya at kilig na kanina ko pa nararamdaman ay biglang naglaho na parang bula. And it was changed into pain that I cannot linger on.
Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Who’s the lucky girl?