John’s Point of View MATAPOS nga ang tagpong nangyari kanina ay napagdesisyunan namin na tumambay muna sa rooftop, dito sa building ng Department of Business. Si Monica na rin ang nagpasya na dito raw kami muna ngayon upang magka-usap ng masinsinan. At para na rin malayo sa mga mata ng mga tao rito sa SJU. Kasalukuyang nakaupo kaming dalawa sa dalawang bakanteng upuan na naroon na hindi na ginagamit dahil sira na. Ipinuwesto namin ito sa lugar na malilim upang hindi kami mainitan ng araw. Habang nandoon kami ay hinayaan ko na lang muna siya na tumahimik sandali. Dito na ako nagsalita sa kanya nang mapansin ko na kalma na siya sa kanyang puwesto. “Kumusta ka na?” tanong ko kay Monica. Tumingin naman siya sa akin at nakita ko kaagad ang namumula at namumugto niyang mata. Tumango siya bi

