John’s Point of View “BITAWAN mo si Monica,” matigas kong utos kay Kent habang nakahawak pa rin ako sa kamay ng kababata ko. “No,” sagot naman sa akin ni Kent habang nananatiling nakahawak naman siya sa kabilang kamay ni Monica. Tuluyan na ngang napaigting ang panga ko dahil sa inis ko sa chinoy na ito. Talaga bang sinusubukan niya ako? Hindi pa rin namin inaalis ang masamang pagtititigan naming dalawa ni Kent. Naikuyom ko tuloy ang isa ko pang kamay dahil sa yamot ko sa kanya. Gusto ko siyang suntukin pero pinipigilan ko ang sarili ko na huwag gawin iyon. “Sinabi ko na sa iyo, iwasan mo na siya. Pero hindi ka pa rin nakinig sa akin,” sagot ko naman sa kanya pagkatapos. “You don’t have the right to dictate me like that. Hindi mo hawak ang buhay ko.” Malakas akong napasagitsit sa sin

