John’s Point of View LUNCH BREAK nang magkasama kami ni Gian sa canteen upang kumain ng tanghalian. Dahil hindi pa rin ako pinapansin ni Monica ay itong kaibigan ko muna ang kasama ko ngayon. Ipinatong niya sa lamesa ang dala-dala niyang tray. Nakabusangot ang mukha nang tingnan ko siya’t papaupo na sa upuan na kaharap ko. “Ba’t ganyan ang mukha mo?” tanong ko kay Gian habang patuloy pa rin ako sa pagnguya ng kinakain ko. “Eh, paano ba naman, namumublema na naman ako sa kapatid ko,” hindi pa rin maipinta ang mukha ni Gian habang sinasabi niya iyon sa akin. “Bakit ba? Ano bang problema mo?” “Si Kuya Ian, matagal ng hindi nagpapadala sa amin ni Xian. Hindi na siya dumadalaw minsan sa bahay. Ang ending, ako tuloy ’yong may responsibilidad sa kapatid ko. Lalo na’t malaki ang babayaran ni

