Jackie’s Point of View “KUYA, ihinto mo lang ang sasakyan dito,” utos ko sa driver ko nang makarating ako sa isang bar. Pumunta ako rito dahil may gusto akong makita at makausap na tao. “Sigurado po ba kayo, Miss Jackie? Hindi na po kayo magpapasundo sa akin mamaya? Napaka-delikado po yata sa lugar na ito,” tanong pa sa akin ng driver ko nang makababa ako ng sasakyan. “Baka pagalitan na naman po ulit kayo ni Sir—” “Kuya Tony, hindi ako papagalitan ni Daddy kung hindi ka magsusumbong. ’Wag ka na lang magsumbong, okay. May kakausapin lang ako rito.” Dahil sa sinabi kong iyon ay naitikom na lang ni Kuya Tony ang bibig niya at wala na siyang ibinatong salita sa akin. “Ano ang idadahilan ko kapag tinanong ako ni Sir?” tanong pa sa akin ni Mang Tony bago siya umalis. “Ganun pa rin. Sabihin

