Monica’s Point of View “BUKSAN mo kaya ’yang cell phone mo!” singhal sa akin ni Chepai habang nasa gazebo kami nakatambay ngayong umaga. “Wait lang. Sandali!” Nagmamadali naman akong binuksan ang cell phone ko at pagbukas niyon ay dali-dali akong nag-login sa social media account ko. Pagbungad ko ay marami ang nakatambak na mga notifications at message sa account ko. Tumabi na rin si Chepai sa akin upang tingnan ang ginagawa ko. “Hala! Grabe naman ’yan!” reaksyon niya no’ng makita niya na sabog ang notifications ko. “Paano ba ’to!? Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao kanina.” Binuksan ko ’yong isang post na in-upload ko na magfo-four weeks ago na. Ito ’yong litrato naming dalawa ni Kent. Naalala niyo ba? “Bakla ka! Bakit mo kasi in-upload iyan, eh, alam mo naman na pagchi-chis

