Cindy’s Point of View NANG makita kong umalis si Kent kasama ang babaeng waitress na iyon---na siyang nalaman ko na may gusto pala siya roon---ay kaagad na rin akong umalis sa booth na iyon. Sa totoo lang, walang issue sa akin kung may gusto si Kent sa babaeng tinutukoy niya. In the first place pa lang ay tanggap ko na talaga na may nilalaman ng iba ang puso niya. Saka hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos? Wala akong karapatan na magselos dahil karapatan ni Kent na magmahal ng iba kasi hindi naman talaga ako ang nauna. Alam naman natin na guwapo at may pinag-iingatang reputasyon ang pamilyang pinanggalingan niya. Katulad lang din niya ako, may reputasyon din akong pinangangalagaan at sinusunod. Ang pagpapakasal ko kay Kent ay naging isang balakid sa buhay ko. Iyon talaga a

