Monica’s Point of View KAAGAD kong ibinigay kay John ang order nina Kent at no’ng babaeng kasama niya. Nang maibigay ko iyon ay siya namang pagsalita niya. “Okay ka lang?” Nang tingnan ko siya ay napansin ko kaagad ang seryoso niyang mukha. Pakiramdam ko ay baka galit na naman siya dahil pinansin ko si Kent. “Galit ka?” Umiling si John bilang sagot sa tanong ko. “Ba’t naman ako magagalit? Na-tiyempuhan lang na ikaw ang nakita nila kaya wala ng ibang pupunta sa kanila kundi ikaw,” tugon niya na ang tinutukoy niya ay si Kent kasama ang babae nito. Mabuti naman at hindi siya nagalit. Alam ko na maiintindihan din niya ang sitwasyon ko kung bakit ko hinayaan ang sarili ko na pansinin sa Kent ngayon. “Ahm, akala ko galit ka. Okay lang naman ako. ’Yong order nga pala no’ng dalawa, pakibilis

