Kent’s Point of View “WHERE are you going?” iyon kaagad ang bungad sa akin ni Shan nang makababa ako ng hagdanan galing sa taas ng mansyon. Nakasuot ako ng maroon na long sleeve t-shirt, nakatupi ang sleeves nito hanggang sa magkabilang siko ko, at tinernuhan ko lang iyon ng jeans at sneakers na sapatos. “School. It’s SJU’s Foundation Day tonight. Kailangan kong pumunta dahil may attendance.” Naitigil muna ng ama ko ang pagbabasa ng diyaryo roon sa malaking sala ng mansyon. Pagkatapos ay napatingin siya sa kanyang relo. “It’s already seven in the evening. Kailangan mo ba talagang pumunta roon? Or are you sneaking out again?” Napairap na lang ako sa pagdududa niya sa akin. “Why would I do that? I’m just making myself to become a better person. ’Di ba iyon naman ang gusto mo. Kailangan

