Nandito na naman siya sa harapan ko. Ang lalakeng nakita ko noon sa may restau nung nag-dinner kami ni daddy at mama. Ang sabi niya, oppa daw ang itawag ko sa kanya. Wala na akong pake kung may ibig sabihin ba ang salitang yun o pangalan niya talaga. Pagkagising ko, balak ko kasing umuwi na. Gusto kong mapag-isa. Gusto ko munang layuan sila upang hindi bias ang pagpili ko kung sakali. Nalilito na kasi ako. 'Di ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko. 'Di ko ata matanggap na magagawa 'yon ni daddy. Alam kong hindi siya gumagawa ng masama kung walang magandang dahilan. Kahit papaano naman kasi ay may pinagsamahan kami. Tinuring niya pa rin akong sarili niyang anak kahit na ninakaw niya lang ako sa kanila. Sa kanila. Sa kanila kung saan ako nararapat. Kung saan dapat ako manatili. Kwi

