Nanlalaki ang mga mata ni Andriel habang nakatingin sa kamay ni Gabriel na nakahawak sa wrist ko. Nagtataka ang ekspresyon sa mukha ko. Don't tell me na.. "WHAT THE HELL GAB?! NILILIGAWAN KO YANG HAWAK MO! PAKIBITAWAN PLEASE?!" malakas na sigaw niya. Yup. He is. Masyado siyang over-protective. Akala naman niya pag-aari niya ako. But, I can't help but feel loved. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Na may taong nagseselos o nagagalit kapag may kasama akong iba. Mabilis na binitawan ni Gabriel ang kamay ko. Halatang takot na takot siya sa bestfriend niyang nanggagalaiti sa inis. "S-sorry Driel. Nagpapaturo kasi si--" Naputol ang sasabihin ni Gab nang bigla akong hinila ni Andriel palabas ng kwartong yun. Humalukipkip ako sa harapan niya habang nakataas ang kilay. "Cashew! Listen to

