Tulala lang ako sa harapan niya. A-ano daw..? "Hoy pre! Anong ginawa mo kay Janine?" nakangising tanong ni Matthew at inakbayan si Andriel. Ngunit ako ay ganun pa rin ang pwesto. Hindi mag-sink in sa akin ang sinabi nya. "Babes! Anong nangyari?" gulat na sabi ni Felix at lumapit sa akin. "Anong ginawa mo, Master?" inosenteng tanong naman ni Ezekiel kay Matthew at lumapit rin. Sa ngayon ay nasa harapan ko silang apat at tulala pa rin ako. Napairap na lang sa kawalan si Andriel. "Grabe naman yang reaksyon mo, Cashew. Bakit? Ngayon mo lang ba nalaman na gusto kita? Sa tingin mo ba hahalikan kita kung hindi kita gusto?" sarkastikong sabi nya. Pero halatang namumula siya habang sinasabi yun sa akin. Napaubo na lang ako at nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa kat

