Nandito ako sa harapan ng altar, sa loob ng isang magarang simbahan. Napapikit na lang ako habang pinipilit makinig sa paring nagsasalita sa harapan ko, ngunit sa lakas ng t***k ng puso ko ay hindi ko siya magawag marinig. Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ang pagtulo ng pawis ko mula noo. Titig na titig ang mga tao sa akin na mas lalong nagpalala sa kabang nararamdaman ko. Naramdaman ko ang pangangati dahil sa suot na wedding gown ngunit pinigilan ko ang sarili sa pagkamot. Ayoko namang mawala ‘yung ambiance na nararamdaman namin ngayon. “Ikaw lalake, tinatanggap mo ba si Janine Park, na iyong magiging asawa at kabya sa panghabang-buhay?” tanong ng pari sa lalakeng katabi ko. Napatingin ako sa kan’ya at binigyan niya naman ako ng isang matamis na ngiti. Narinig ko ang mga pagtutol

