[39]

2400 Words

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng inis. Inis sa kanilang dalawa. Inis sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko pero niloloko lang pala ako. Ni hindi nga nila masabi na mga gangsters sila eh! Pero.. pinapaalala ko sa sarili ko hindi ko dapat sila pangunahan. Baka naman may rason ang mga ito kaya kailangang itago nila sa akin. Pero hindi lang ‘yun. Magkakilala sila ni Andriel. Parehas rin silang miyembro ng iisang grupo. Pero bakit sila nagkunwari na hindi kilala ‘yung limang lalake? Kung gano’n, ibig bang sabihin ay naga-acting lang sila na hindi sila magkakilala? ‘Yung pagtatampo nila t’wing kausap ko ‘yung limang lalake, peke ba ‘yun? Parang ang sakit naman sa side ko nu’n. Okay lang naman sa’kin kung magkakilala silang pito eh.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD