Nandito kami sa garden ng bahay. Dito kasi dumiretso sina Remy at Yssa pagkatapos ng 'scene' na 'yon. Du'n na rin namin inantay si Key habang nagmumuni-muni naman silang dalawa. Nakayuko na lang ako habang iniisip kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. "Yeowang. What are you doing here?" Lahat kami ay napatingin sa kan'ya nung nagsalita siya. Tinuro ko naman ang dalawa kong kasama. "Gusto ka daw nilang makilala," sabi ko. Nagkatinginan ang tatlo at hinayaan ko na lang silang titigan ang isa't isa hanggang sa matunaw. "Ikaw? Di hamak na mas pogi ako sa'yo. Bakit ikaw?" panimula ni Remy. Pero dahil sa sinabi niya ay nakatanggap siya ng isang palo mula kay Yssa. "May sinasabi ka?" nanlalaki ang mata ni Yssa kay Remy. Agad naman napailing si Remy at napasinghap. "Grabe.. 'di pa n

