Kakatapos lang ng klase ko at naglulunch kami ngayon ni Remy at Yssa. Nandito kami sa may garden para magpahangin. Stressed out ako lately. Laging sumasakit ang ulo ko. Siguro ay dahil sa kakaisip ko sa mga problemang wala naman katuturan. Napatingin sa akin si Remy at kinurot niya ang pisngi ko. "Aray! Ano ba Rems?!" sigaw ko habang hinihimas ang namumula kong pisngi. Nakakainis! Kitang nagmo-moment ako dito eh! "Eh kasi, tulala ka na naman. Medyo tulala ka na lately ah? Anong nangyari?" tanong niya at kumagat sa sandwich niya. Napasandal na lang ako sa puno at napabuntong-hininga. "Uy, lalim ah," pang-aasar niya. "'Di ko na alam gagawin ko. Pinipilit akong ipakasal ni tita kay Andriel, pero engaged na kami ni Key," sabi ko at tinignan ang singsing na nasa daliri ko. Fiancee ko na si

