Nakatulala lang sila Andy sa'kin habang kumakain. Nandito pa rin kami sa underground. Aalis na dapat kami pero pigilan ako ni Riza. Sabi niya, tatawagin niya lang daw 'yung iba dahil sugradong matutuwa sila kapag nalaman nilang nanalo ako sa motor race. Gangster Queen. Tinawag niya 'kong Gangster Queen. Kilala niya 'ko. Ibig sabihin, totoo nga ang sinasabi nila Ellaine. Isa akong gangster. At isa ako sa pinakamalakas. Hindi ko alam kung bakit nag-uumapaw ang tuwa ko nang marinig ko 'yan mula sa lalakeng 'yun. Tinitingala niya ako. At siya pa mismo nagsabi na sa akin lang siya nararapat matalo. Kahit pa parehas kaming maduming maglaro. Pero, kung sikat nga si 'First' dito sa underground, hindi kaya siya nahihirapan? Marami siyang magiging kalaban, magiging kaaway. Maraming mamba-blackmai

