"Sino naman 'yan, Kaz?" tanong ng isang babae habang mangha akong nakatingin sa mga nagmomotor racing. Di ko talaga maiwasan ang mapahanga. Ang gagaling nila! Sino naman si Kaz? Yun ba ang codename ni Andriel? Saglit akong napatingin sa kan'ya at napansing pinapanood niya 'ko at hindi pinansin 'yung babaeng lumapit sa kan'ya. "Hoy Kaz. 'Yan ka na naman sa drama mo eh. Wala ka bang dila?" iritadong sabi ng babae at umalis na. Naasar siguro dahil 'di siya pinapansin ni Andy. Napangiti na lang ako ng lihim. Humarap ako sa kanilang apat. "Gusto kong makipag-race, guys. Please?" pagmamakaawa ko. Halatang pinagtitinginan kami dito dahil sikat siguro 'tong limang 'to. Nagkatinginan naman silang lima. "Sigurado ka ba diyan, Cash?" nag-aalalang tanong ni Andy. Tumango naman ako ng maraming be

