Olivia Mae Perez
"Nag enjoy ka ba?"Tanong ko kay maldita ng ihatid ko siya dito sa kanila matapos namin gumala sa EK.
Ngiting-ngiti naman siyang yumakap sa akin matapos mahubad ang helmet ko at agad ibinigay sa akin.Ang clingy ng babaeng to sa totoo lang.
"Yeah i'm super having fun nerd, thank you sa pagdala sa akin dun."Sincere niyang sabi at makikitaan mo ang mata niya na may halo-halung emosyon.Ngumiti lang naman ako sa kanya bago siya hagkan sa noo.
Diko alam kung ba't ko ginawa yun, basta feeling ko lang tsaka isa pa sabi nila nakaka gaan daw yun ng loob.
"You're welcome."Nakangiti kung tipid na sabi sa kanya matapos siyang hagkan sa noo.Hinawakan niya naman ang kamay ko at bahagyang nilaro-laru ang daliri ko habang may nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi.
"Sige na pumasok ka na at baka lamigin ka."Naka jeans kasi siya ng black ngayon at t-shirt na manipis tsaka ang ganda lang pag siya ang nagsuot, lalo tuloy siyang gumanda sa paningin ko.
Ngumuso naman siya sa sinabi ko at malambing akong niyakap, sa madaling salita ay dikit na dikit na tuloy ang katawan namin since naka opo ako sa motor habang siya ay nakatayo sa harap ko.
"Hmm payakap muna huh?"Mahina niyang sabi at agad sumiksik sa leeg ko.Agad rin naman akong gumanti sa kanya ng yakap at hinaplos-haplos ang baby hair niyang napaka bango.
"Sige na para makapag pahinga ka na at may klase pa tayo bukas."Pagtatapos ko sa yakapan naming dalawa.Napasimangot naman siya sa sinabi ko at nag pout na parang bata.
Ang cute niya sa totoo lang pero di niya ako madadala sa mga ganyan niya ngayon dahil bukod kasi sa malamig at napaka lalim na nang gabi ay kanina ko pa naramdaman na parang may nakamasid sa amin.
Sa EK ko pa napapansin talaga at sana naman diba ay ginalingan naman nilang magtago?Tch!
"Sige na nga hmp-pasalamat ka ayshsssjsgk."May binulong naman siyang salita na diko maintindihan at isinawalang bahala ko lang.
"Good night na nga hmp, ingat ka sa pagdadrive okay?"Mahahalata mo sa boses niyang ayaw niya pa talagang pumasok pero at the same time ay may kasama ng pag-alala."Hmm i will, good night baby."Mahinahon kung sabi at napansin ko naman na pumula ang pisngi niya o imahinasyon ko lang yun?Weird, pero sabagay malamig rin kasi.
"Good night din baby, byeee."Saad niya matapos akong halikan ng mabilis sa pisngi at tumakbo papasok sa kanilang gate.Napailing nalang ako sa mga pinaggagawa ng babaeng yun and at the same time ay diko maiwasang ngumiti sa bonding namin kaninang dalawa.
Bago ko pa paandarin ang motor ko ay huminga muna ako ng malalim bago ko tinawag yung mga walang hiya na kanina pa nagbubulongan sa may madilim na bahagi malapit sa pwesto ko.
"Lumabas na kayo diyan kung ayaw niyong ako pa mismo ang hihila sa inyo."Malamig kung saad sa mga chipmunks na nagtutulakan pa papunta sa gawi ko.
Pinanood ko naman ang limang kwago na kung mag tulakan at magkatinginan ay parang magpapatayan na.
"Bakit kayo nakamasid sa amin kanina?"Mahinahon at diretso kung sabi sa kanila habang naka cross arms silang pinagmasdan gamit ang blangko kung tingin.
Kamot-kamot naman sila sa kanilang mga ulo bago nagsikuhan at bumubulong-bulong na parang bubuyog.
"Sige na guys sabihin niyo na."
"Ayaw ko kayo nalang."
"Huy mas lalo na ako noh tsaka isa pa ay idea niyo naman to."
"Bahala kayo diyan basta ako sumama lang."
"Now what?"Saad ko at pilit pinapakalma ang boses dahilan para matigil sila sa pagbubulongan.Napakamot naman ng ulo yung may pula na buhok at agad nagsalita.
"Ehh cold ano kasi bored lang kami tsaka wala kasi kaming magawa kaya ayon gumala nalang kami-at ano ahm sakto na nakita kita at yung chicks mo kaya ayon sinundan ka namin hehe."Ngumiwi naman ako sa mga sinabi niya at napa buntong hininga nalang sa kanilang apat-oo since wala namang pakialam ang isa sa kanila na ikinailing ko nalang.
"Kailan lang kayo dumating?"Pag-iiba ko sa usapan.Siya nga pala sila rin yung kasamahan ko sa SA na galing ibang bansa dahil doon sila nagka mission na ibinigay sa kanila ni sir john.
Steven, Mack, Lee, Alexa and Bridget.Kaedad ko naman sa kanila ay si Mack at Bridget habang si Steven at Lee naman ay kaedaran ni Paula at si Alexa na Ka age ni Edward na parang kaugali ko narin sa pagka tahimik niya at minsan ay malamig kung makikitungo sa tao.
Actually siyam talaga kaming magkakasundo at parang barkada narin ang turingan namin sa isa't-isa o magkapatid.Well except lang kay Bridget na girlfriend ni Steff at isa pa she's proud of being bisexual at alam naming lahat yun pati narin si sir john at wala naman daw kaso sa kanya since open minded siya.At si Alexa naman ay alam rin naming may gusto siya kay Paula at ewan ko nalang kung ano ang status nilang dalawa ngayon.
"Actually kanina lang kami dumating at agad kaming dumiretso dito tsaka isa pa mahigit dalawang taon din kaya tayong di nagkita COLD."Aware din sila na usually cold talaga ang palaway ko at bukod sa ugali kung parang kalahi din ng yelo.
"So?Wala man lang ba kayong pasalubong sa akin?"Taas kilay kung tanong na muntik na nilang ikinatawa.Natutuwa rin naman ako at sa wakas ay nagkita-kita na kami ulit at magkakasama sa trabaho, namiss ko rin naman ang mga to kahit mukhang mga baliw.
Imbes na sumagot sila ay nakita ko naman na lumapit sa akin si Bridget at agaran akong hinawakan sa braso habang nakanguso na parang batang paslit."Cold may i ask kung kamusta ang bebe ko dito habang wala ako?"She childishly ask pertaining to her girl na matakaw."She's okay and i think she's already taken now."Maasar nga to at ng malaman natin kung ano ang irereact niya.
"Anoooo?!!!!Bakit ngayon mo lang sinabi?Huhuhu may bebe huhu nakakainis akala ko pa naman ako lang ang love niya yun pala wahhhh!!"Nagulat naman kami ng umopo siya sa kalsada na may kasamang pagpadyak-padyak habang umiiyak na parang bata.
"Guys itayo niyo yan at sumunod kayo sa akin."Seryoso kung sabi sa kanila at agad naman nilang itinayo si Bri na may kasamang pagpupumiglas.Napahilot naman ako sa sentido ko at agad umiling nang sumakit ang ulo ko sa kanila.
Agad ko namang inandar ang motor ko at agad pinatakbo papunta sa SA habang nakasunod sa akin ang tatlong motor na may iba't-ibang kulay.
Wala pang sampung minuto ay agad naman kaming nakarating ng matiwasay sa may kadilimang parte ng kalsada.
Ihininto ko naman ang motor ko at tinanggal ang helmet ganun rin sina Steven, agaran naman akong lumapit sa kanila at hinawakan si Bri sa kamay niya at walang pasabi-sabing hinila siya papasok sa loob.
Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay binuksan ko naman ito agad at agad tumambad sa amin ang tatlong busy sa panonood ng tv at may kanya-kanyang hawak na pagkain.
Agaran naman silang lumingon na parang gulat na gulat lalo na si Edward na naibuga pa ang pagkain, si Steff na nanlalaki ang mata at si Paula na nabilaukan.Ang epic ng itsura ng mga to sa totoo lang.
"My loves?"Basag ni Bri sa katahimikan at agad pinuntahan si Steff na parang tinuklaw nang ahas pagkakitang-pagkakita niya sa babaeng nasa harapan niya."Bakit ka nandito--wait kailan lang kayo nakarating?"Nalilito niyang tanong habang lumingon sa mga taong nasa likuran ko at si Bri naman ay yumapos sa kanya na parang ahas.
"Kanina pa mga 7:30 tsaka namasyal nalang muna kami bago namin napasyahang umuwi at sakto rin naman at nakita namin tong si cold na--!"Bago pa matuloy ni Lee ang sasabihin niya ay pinandilatan ko na siya ng mata.Agaran niya namang sinunod ang nais kung iparating at agad itinikom ang bibig niya.
Ayaw ko pa kasi na malaman nila dahil panigurado na aasarin lang ako ng tatlong to lalo na si Edward na parang bakla kung umasta tsss.
"My loves sabi ni Cold taken ka na daw."Parang bata na sabi ni Bri at agad na suminghot-singhot na parang maiiyak na naman.Nagtataka naman akong nilingon ni Steff na nakanganga parin hanggang ngayon.Nginisihan ko naman siya ng lihim na parang sinasabing 'sumakay ka nalang look'.
Mukhang na gets naman niya ang ipinarating ko kaya umubo na muna siya bago nagsalita."Yup may bago na ako since nakalimutan na akong kontakin ng isip bata kung girlfriend."Nanlaki naman ang mata ni Bri sa narinig at agad pumalahaw ng iyak habang naka opo sa sahig at pumadyak-padyak pa talaga kagaya ng ginawa niya kanina.
"Wahhhhh so totoo nga?Pero my loves naman ehh di lang kasi ako naka kontak sa'yo kasi busy kami sa mission tapos-tapos ano-muntik ng--!"Naputol naman ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Steff."You whatttt??!"Natigil naman sa pag-uusap sila Edward at sina Steven habang si Paula naman ay napatigil din sa panonood at si Alexa na parang naputol sa malalim na pag-iisip.
"Steven, Lee, Mack what does she mean??Anong nangyari?"Salubong ang kilay na tanong niya habang si Bri naman ay dahan-dahang gumapang palayo sa dragon niyang girlfriend.
Tsk-tsk ayan na nga ba ang sinasabi ko hays.Mukhang may mag-aaway yata ngayon hmm.
"Ehh-siya nalang tanungin mo tsaka kasalanan naman niya ehh ng muntik na siyang mabugbog."Kamot ulong saad ni Steven habang si Steff naman ay lalong nagsalubong ang kilay.May kapilyahan nanaman sigurong ginawa yung babaeng yun tsss.
"BRIDGET ALEXIAN CRUZ COME BACK HERE!"
Malakas niyang sigaw at agad sinundan ang isip bata niyang girlfriend na agarang tumakbo sa taas.
"Ohh ohh!"
"Mukhang may matutulog nanaman mamaya sa sofa!"
"Di pa kayo na sanay sa mga yan."
"Agree haha!"
Napatingin naman ako sa relo ko matapos ko marinig ang kanilang sari-saring reaksyon at nakita kung mag-aala una na pala ng madaling araw.
"Guys una na ako."Pagkuha ko sa atensyon nila."Dito ka nalang kaya matulog since gabi na."Saad ni Paula at bahagyang lumingon sa likuran ko pertaining to Alexa na tahimik lang na naka opo at parang malalim ang iniisip.
Ngumisi naman ako ng makahulogan sa kanya bago siya tinapik sa balikat."Di na tsaka isa pa may pasok bukas ehh."Malungkot naman siyang tumango at bahagyang ngumuso na parang bata dahil sa hindi pag pansin sa kanya ng kanyang bebe of her life.Tinapik ko naman siya sa balikat niya bago bumulong."Huwag kang mag-alala mahal ka niyan."Sabi ko pa at ang giatay umirap pa talaga tsss.
"Guys gotta go."
Tumango lang naman sila sa akin habang si Alexa naman ay nilingon ko."Mag-usap kayo."Diko na siya hinintay na sumagot at agad nagtungo sa motor kung nakaparada sa labas.
Pinaandar ko naman ito agad at pinaharurot paalis sa lugar na yun at di inalintana ang malamig na hangin.
Nakakapagod ang araw na'to pero sa kabilang banda ay nag-enjoy naman ako lalo na't nakasama ko ng buong araw si maldita.
Hays maldita, parang ginayuma mo yata ako at di ka na mawala-wala dito sa isip ko.Napailing nalang ako sa naisip ko at muling binilisan ang takbo dala sa pagka ginaw.
~ to be continue......