Prologue
TUMATAKBO ako ngayon ng mabilis sa pagtakas na baka maabutan ako ng mga gagong naka engkwentro ko diyan sa may malapit na mall dito sa amin.
Lakad takbo naman ang ginawa ko kahit na hinihingal pa at di ininda ang pawis kung kanina pa tumutulo.
Suddenly nakita ko naman ang malapit na mall mula dito sa tinatakbuhan ko kaya di na ako nagdalawang isip pa at agad tumakbo papasok roon.
Laking pasalamat ko naman ay di na ako sinita pa ni kuyang guard dahil bukod sa kilala na niya ako ay palagi rin akong dito nag go-grocery which is isa na yun ngayong araw na muntik ko pang makalimutan dahil sa mga gagong yun.
Pumasok naman ako ng di lumilingon sa dinadaanan ko at luminga-linga sa paligid.
Baka nasundan ako ng mga gagong yun noh mahirap na tsss.
Lilingon na sana ako sa harap ng biglang---
"Ochhhh/Araaaay ko po." Sabay naming sabi nang babae nang bigla nalang akong lumingon paharap.
Grabe ang sakit nang noo ko nagka bukol yata tsss.
"ARE YOU BLIND b***h?!"Sigaw nung babaeng kabangga ko, grabe naman to bulag agad?Tss yumuko yuko pa muna ako para ayusin ang salamin ko.
"Hey stupid!? Are you f*****g blind huh?!Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!!" Malakas na sigaw niya.
Grabe nakakahiya siya pinag titinginan at pinag uusapan na kami dito grrr, ang dami pa namang tao tsk, isa pa naman sa ayaw ko yung center of attention at tsaka bakit di rin kaya siya tumitingin sa dinadaanan niya?
"You b***h bingi ka ba huh?! O baka naman wala kang dila?!Aww sumosobra na talaga tong babaeng to hindi pa nga ako nakapag salita ang dami na niyang sinasabi.
Agad naman akong tumunghay sa kanya at napaawang labi ko sabay nanlaki ang mata pagkakita ko sa itsura niya.
Grabe ang ganda--niya those sexy lips, pointed nose at ang taas nang pilik mata niya and those tantalizing eyes, damn.
At yung mata niya po ang ganda talaga ng kulay huhu kainggit at tsaka ang sexy niya rin at ang tangkad siguro mga 5'10?Ang taas pa nang heels.
In short para siyang model.
"Why are you staring at me like that huh?!Huwag mo nga akong titigan nang ganyan eww!!"Sigaw niya sa akin.Grabe ang lakas nang boses niya.Lalo tuloy kami pinag bubulungan dito.
Maganda sana kaya lang masyadong talakera tsk.
"Why do you keep on shouting me ms-whoever-you-are?Ehh ikaw nga tong di tumitingin sa dinadaanan mo ehh tsss."Kalmado kung sabi sa kanya at humalukipkip.
"What the hell?Tinatanong mo pa talaga ako kung ano ang kasalanan mo huh?!MANANG?"Aba't loko to ahh?!Sumosobra na siya huh kanina nerd ngayon naman manang?Aba't susuntukin ko to ehh kahit pa maganda sya wala akong pakialam.
"Errrr--look miss?Kasalanan ko bang nabangga kita?Ba't karin kasi di tumitingin sa dinadaanan mo tapos ngayon ako agad ang sisisihin mo."Explain ko pa at pilit pinapaintindi sa kanya ang nangyari.
"So sinasabi mo ba na kasalanan ko huh?!"Grabe nakalunok ba siya nang megaphone?Ba't lagi tong nakasigaw?Tsss.
"Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako."Sabi ko sa kanya sabay poker face, hays ano ba yan di ba pwedeng palampasin nalang to?Konting bagay pinapalaki ehh.
Mag gogrocery pa ako ohh anong oras na.
"Argh-damn you! Look what you've done to my forehead b***h namamaga na dahil sa katangahan mo!"Sabi niya sabay turo sa noo niyang makinis.
Tinignan ko naman ang tinuro niya, wala naman ahh namumula lang nang konti ang arte naman niya.
Mas masakit kaya ang sa akin.
Should i say sorry to her?Hmm di talaga kasi ako ganito ehh yung nang hihingi nang paumanhin na kung sa tutuusin di ko naman talaga kasalanan grrr! sge na nga ngayon lang naman to ehh para matapos na.
"Ughh fine! i'm really sorry okey?Dahil sa katangahan ko nagkabukol ka pa tuloy MAHAL NA PRINSESA!"Sabi ko sa kanya sabay yuko at sarkastikong sinasabi ang huling salita.
"Napipilitan ka lang yata?"Sabi niya nang nakataas ang kilay at mataray na nakatingin sa akin.
"Tsss nag sorry na nga diba?Psh!"Sabi ko sa kanya na may pilit na ngiti sa labi.Kita tuloy dalawang dimples ko.
Natulala naman siya sa akin at nakanganga matapos kung makapag salita, ehh? anyare sa kanya?Nakita ko naman ang bahagyang pag kislap sa mata niya o imahinasyon ko lang yun?errrr--weird.
"Tsss okey apology accepted! Pasalamat ka at nagmamadali ako ngayon kung hindi naku ewan ko nalang!" Tinatakot niya ba ako?Hmm.
Hmm ako yata ang di niya kilala?Sabagay ngayon ko nga lang siya nakita ehh"MISS DELA CUESTA!" tawag sa kanya nung bakla na may dala dalang napaka raming damit at make up kit?
Stylest yata to or make up artist?Hmm so tama yata ang hinala ko na model tong si MALDITA?palayaw ko na sa kanya yan simula ngayon kasi totoo rin naman tsss.
"Why are you late?!"Sabi niya ron sa bakla."I apologize miss may kumausap pa po kasi sa akin dun kaya medyo late ako."Pag-eexplain ni bakla sa kanya habang hinihingal.
So total tapos nanaman akong humingi nang TAWAD sa kanya ay dahan dahan na akong naglakad palayo sa kanila, mukhang di yata ako nakita ni MALDITA kasi kausap na niya ngayon ang bakla.
Bahala na siya sa buhay niya noh tsss.
Pagdating sa grocery store ay agad na akong namili nang mga kakailanganin ko sa bahay para tipid na rin.
Mga ilang minuto lang yata ang tinagal ko bago ako natapos, pero syempre mawawala ba naman ang ice cream? Syempre hindi noh paborito ko kaya to hehe.
Tumingin naman ako dun sa lugar na pinang galingan namin kanina at di ko na nakita pa si maldita dun pati yung kausap niyang bakla.
Hmm mukhang naka alis na yata sila buti naman.
Pagkatapos ko magbayad ay agad ko nang kinuha yung pinamili ko at lumabas na nang mall sabay abang nang taxi pauwi. Actually malapit lang naman at kayang-kaya ko ngang maglakad kaya lang napagod ako kakatakbo kanina ehh hays.
Pagka sakay ko at pagkatapos ko masabi ang address kay manong ay agad na akong sumandal at tumingin sa labas nang bintana.
Naisip ko nanaman yung nagyari kanina at yung magandang mukha ni maldita.
Hays ang ganda niya talaga nakaka inggit sayang nga lang sa ugali sablay tssk!Sana di na kami magkita ulit nun.Baka masuntok ko na talaga yun promise.
Buti nga nakapag pigil pa ako kanina ehh kung hindi ewan ko nalang talaga.
Pagdating sa address na sinabi ko kay manong ay agad na akong bumaba pagkatapos ko magbayad.Pagdating ko sa loob nang bahay ay agad ko namang inayos yung pinamili ko at pagkatapos ay umakyat na ako sa taas para magbihis.
Hays parang napagod yata ako ngayon ahh?Wala naman akong ginawa kanina except dun sa banggaan session namin ni maldita.
Teka bakit ko ba yun iniisip?Tss..
Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako at agad sinimulan ang paglilinis.
Mga dalawang oras yata bago ako natapos ay sa wakas nakaopo rin ako.Grabe nakakapagod ang sakit pa ng likod ko.
Napahikab naman ako ng wala sa oras, at ilang saglit pa ay namalayan ko nalang ang sarili kung nakahiga at nakatulog sa maliit kung sofa.
~ TO BE CONTINUE......
----------------
- Edited ✓