Olivia Mae Perez
NAGISING ako sa mahihinang tilaok ng manok sa paligid kasabay nun ang mga kapitbahay namin na ke aga-aga nagti-tsismisan na.
Paano ko nalaman?Secret lang yun kaya wala kayong paki, charot xD.
So yun nga talaga nagising na ako ng tuloyan dahil sa napakaingay na paligid kahit alas singko imedya palang.
Ang aga-aga sira nanaman tuloy ang araw ko tsk, agad ko namang niligpit ang hinihigaan ko, pagkatapos nagtungo agad sa banyo.
Opps, before i forgot magpapakilala nalang muna ako sa inyo my dear fellas! Olivia Mae Perez, 17 years old and the ulilang lubos dahil hindi ko alam kung sino ang mga taong pumaslang sa mga magulang ko at yun na yun ang gagawin ko, gusto ko makuha ang hustisya sa kanila kaya ako nag transfer sa ibang paaralan dahil balita ko ay doon daw nag-aaral ang isa sa kanila.
Ako po pala ay isang nerd na may makapal na salamin pero, naiiba po ako sa nerd na iniisip niyo.
Di naman talaga malabo ang mata ko tsaka disguise ko lang to kumbaga in case na may makakakilala sa akin dito.
You know safety first at ika nga nila, prevention is better than cure.
Kung talino ang pag-uusapan?Ay siyempre pasado ako diyan dahil may kaunting talino naman ako, yun nga lang di ako taong library o tinatawag nilang bookworm na kulang nalang tumira sa libro.
Nope, i'm not like that, simple lang po ako at medyo palagi akong naka pokerface lalo na sa mga hindi ko kakilala.
We are trained to be like that in our SECRET AGENCY o mas kilalang SIKRETONG AHENSYA kung saan ako nagtatrabaho hanggang ngayon.
Those people who currently working on secret agency ay mga taong matatapang lang at may lakas na loob.
Kasi kung ikaw ay mahina at mabilis sumuko ay di ka talaga pupwede dun baka kasi madali ka at mahirap na, baka kargo de konsensya pa ng boss namin.
Kaya nga ako nagpasyang magtrabaho dun para daw magamit tong angking kakayahan ko sabi ng naging kaibigan ko na rin dun.
Naputol naman ako sa malalim na pag-iisip ng tumunog ang maliit kung alarm clock dito sa aking kwarto.
Mag-isa lang kasi akong nakatira dito ngayon sa LAGUNA and basically bagong lipat lang po ako dito mga 2 years ago simula nung wala na ang parents ko at ginamit ko ang kanilang kaunting pera bago sila nawala, at ipinambili ko ng bahay na may kaliitan lang pero mukhang bagong pagawa pa.
Nakita ko naman ang orasan na six am na pala kaya naman di na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad pumasok sa banyo at naligo ng mga kinse minutos lang yata ang itinagal.
May klase kasi ako ngayon ng 6:50 am at isa pa transferee student ako, kasi nga ngayon lang rin ako bumalik sa pag-aaral simula nung sa probinsya ako tumira sa pagkawala ng parents ko.
Pagkatapos kung magbihis ay agad naman akong pumunta sa salamin at agad sinipat ang sarili ko kung mukha ba akong tao.
Nakita ko naman ang sarili ko sa salamin na mukhang maayos na, napangiti naman ako at agad sinuklay ang buhok kung may kahabaan na hanggang bewang.
Bukod sa medyo mataas rin ang height ko ay may kataasan naman akong ilong at simpleng mapupulang labi na di na kinailangan pang lagyan ng lipstick, pero siyempre may secret asset din ako, at yun ay ang aking dalawang napakalalim na dimples sa magkabilang pisngi ko.
Marami ang nagsabi sa akin na minsan daw ay ngingiti ako para gumanda ako lalo, which is i won't highly agree dude!
Hindi kasi talaga ako palangiti na klaseng tao, maybe sometimes?I don't know either kung bakit ako ganito.
Pero diba kung ano ka ay dapat di mo binabago ang sarili mo para sa ibang tao?Why would i change myself for the sake of others?Ehh buhay ko naman to.
Pagkatapos kung magsuklay ay agad ko namang dinampot ang salamin ko at isinuot ito para takpan ang mata kung brown eyes na namana ko pa kay mommy sabi ng tita ko nung time na sa kanila pa ako nakatira.
Lumabas naman ako agad sa kwarto matapos mag-ayos at dali-daling lumabas sa bahay.
Matapos kung malock ang gate ay agad na akong nag-abang ng tricycle sa labas.Actually malapit lang naman ang bahay ko dito sa skwelahan, kaya lang malelate na kasi talaga ako ehh at tsaka ang init pa tsss.Edi ako na ang maarte.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay sa wakas nakasakay narin ako at agad ko namang sinabi kay kuya ang lokasyon ng skwelahan.
Sampung minuto ang nakalipas at agad naman kaming nakarating, nagbayad naman ako agad kay kuya sabay baba at tingala sa malaking pangalan ng skwelahan na nasa harap ko ngayon.
WELCOME TO ALEXIS UNIVERSITY, yan mismo ang nakalagay sa harap ng malaking gate.Aaminin ko hindi palang ako pumapasok pero feeling ko ang laki-laki na ng skwelahang ito.
Paano ba naman kasi, may dalawang daan for entrance and exit, isama mo narin yung mga guard na kung di ako nagkakamali ay lima yata sila mismo ang nagbabantay.
Parang mahigpit yata dito ahh.Naglakad naman ako sa may malapit nila kuyang guard at agad nila akong tinanong sabay tingin mula ulo hanggang paa.
"I.D mo miss?" Sabi nung magandang babae na guard, mukha po siyang artista at kung hindi ako nagkakamali ay nasa early 30's palang siya.
Agad ko namang kinuha ang i.d ko sa loob ng bag at agad ibinigay sa kanya, iniscan niya naman ito at kinapkapan ako, pagkatapos agad niya ring ibinalik ang i.d ko at pinapasok na ako sa loob sabay tango.Tanging ngiti lang na tipid ang iginanti ko sa kanya at agad pumasok sa malaking campus na'to.
Napanganga naman ako ng tuloyan akong makapasok sa loob at kuminang ang mata ko pagkakitang-pagkakita sa mga nagtataasang building sa lugar at may mga fountain sa gilid na ang gandang pagmasdan.
Inilibot ko naman ang tingin ko habang naglalakad ng lumilingon-lingon sa palaigid.May nakita naman akong kapwa ko estudyanteng kakapasok lang rin habang yung iba naman ay nagmamadaling tumakbo dahil panigurado ay malelate na sila.
Teka--speaking of late ay agad naman akong napatingin sa relo ko at agad napamura ng makitang sampung minuto nalang bago mag bell kaya lakad takbo naman ang ginawa ko papasok sa AU-Building at di lumilingong tumatakbo papasok.
Bwesit! Malelate na ako nito grrr, ayan kasi olivia may oras ka pa kasing pumuri sa lugar samantalang may mamaya pa naman para gawin yun.
Pagkalipas ng ilang minutong pagtakbo ko ay sa wakas nakarating naman ako sa section na papasukan ko which is S1-A Building, buti nalang talaga at memorya ko ang section ko tsss.
Napasandal naman ako ng ilang minuto sa pader para sumagap ng hangin dala ng pagkahingal dahil sa pagtakbo ko papunta dito.
Laking pasalamat ko narin dahil wala akong hika o kung ano pa man.
Matapos ko makapag relax ng ilang sandali ay agad naman akong sumilip sa nakaawang na pinto at tinignan ang loob kung may prof na ba.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kung wala pa.Agad naman akong pumasok sa loob na blangko ang mukha not minding the stares of my classmates.
May nakita naman akong upuan sa may hulihan kaya di na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad nagtungo roon.
Umupo naman ako agad at tumingin sa labas ng bintana na blangko ang mukha.
Matapos ang kinse minutos na paghihintay ay dumating naman agad ang prof namin na mukhang bakla.Paano ko nasabi?Sa lambot ba naman nitong kumilos so sinong di manghihinala?Tsss.
"Good Morning Class!"Pagsisimula ni sir na agad naman naming tinugon."Good Morning Sir."Tumalikod naman siya at agad nagsulat sa white board gamit ang marker niya.
"I'm Sir Johnny Fernandez 38 years old and i am your HISTORY teacher from now on." Infairness kay sir lalaking-lalaki ang pangalan hmm.
"So since kilala niyo na ako at kayo ay hindi ko pa kilala, isa-isa ko kayong tawagin dito sa harap upang magpakilala gets ba?"Nagsitanguan naman kaming lahat sa sinabi niya at agad niya ng sinimulan mula dito sa likuran, so isa lang ang ibig sabihin nun na ako ang muuna tsss.
Ako lang naman kasi ang nakaopo dito sa may dulo.
Agad naman akong tumayo at pumunta sa harap na may blangkong tingin sa mga kaklase ko.Tss this is what i hate the most, ATTENTION!
"Olivia Mae Perez, 17 years old."Tipid kung sabi at agad tumingin kay sir senyales na tapos na akong magpakilala."Ohh thank you Ms.Perez, you may now sit down."Naglakad naman ako pabalik sa kinauupoan ko kanina.
Magsasalita na sana si sir ng biglang--"Sorry sir were late."Saad ng babaeng medyo hinihingal katabi ng isang babaeng kahit kailan man ay diko makakalimutan ang mukha niyang maypagka maldita at diretsong nakatingin sa akin.
Wait--nakilala niya kaya ako?
~ to be continue......
-----------------
A/N: Pasensya na guys kung binago ko ang buong chapters hihi, actually babaguhin ko po talaga lahat kaya huwag na kayong magtaka pa xD.
I hope u can read this kahit maraming nagbago lels!
-mis_shyghurl♥︎