Chapter 2 ~ Jane Airah Trinidad

1597 Words
Olivia Mae Perez NAPUTOL ang pagtitigan namin este--ang pagtitig sa akin ng babaeng talakera ng magsalita si sir. "Okay, kasisimula pa lang naman namin so next time don't be late okay?"Tumango lang naman yung isa habang si talakera naman ay walang pakialam sa paligid. Habang nagsasalita si sir sa harap ay narinig ko namang nagbulong-bulongan tong mga classmates ko tungkol sa dalawa. "Omg! Ang ganda talaga nila noh?Huhu kainggit!" "Oo nga girls hays kainis." "s**t pre ang ganda talaga ni patricia noh?" "Sinabi mo pa dude, lalo na si ms.chloe!" "Oo nga haha sana ako nalang ang jowa niya." "Asa ka pa dude haha!" Yan lang ang narinig ko sa kanilang mga sinasabi tungkol dito sa dalawang bagong dating na ipinagtaka ko. Teka--ano ba sila dito?Artista ba?Sikat?O baka naman anak ng senador?Hmm.. Naputol naman ang bulong-bulongan nila ng may ibinagsak si sir sa desk niya dahilan para magitla kaming lahat. "CLASS QUIET! ANG INGAY-INGAY NIYO FIRST DAY NA FIRST DAY, DIYOS KO!"Parang nakukunsumi na sabi ni sir, wala namang mag tangkang magsalita at ang tanging maririnig lang ay tunog ng aircon dito sa loob sa sobrang tahimik. "Okay since malapit ng mag time ay bukas nalang natin ipagpatuloy ang introduce yourself, class dismissed!" Tumayo naman agad ang lahat at agad niligpit ang kani-kanilang mga gamit habang ako naman ay nakaopo parin at tulalang nakatingin sa labas. Hinintay ko kasing magsialisan sila agad para naman makalabas ako at di na kailangang makipagsiksikan pa. Napansin ko namang wala ng maingay kaya agad naman akong lumingon sa paligid at napahinga ng maluwag ng makitang wala ng ibang tao sa loob kundi ako nalang mag-isa. Ililigpit ko sana ang mga gamit ko ng biglang may nagsalita sa likuran ko na muntik ko ng ikinagulat--"Hi..."s**t! Napahawak naman ako sa dibdib ko at lumingon sa babaeng nakangiti ngayon na abot hanggang mata habang nakatingin sa akin. "Miss--huwag ka namang manggulat hays."Sabi ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagliligpit sa mga gamit ko."I'm sorry-gusto ko lang naman sanang makipag kaibigan."Lumingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Actually maganda naman siya, mataas ang height at maputi na may kataasang ilong at buhok na hanggang bewang katulad ng sa akin with pouty lips, isama mo narin yung pananamit niya na babaeng-babae talaga at feeling ko maarte ang isang to lalo na sa mga damit, halata kasing maingat magdala na bumagay naman sa kanya. Kaya ngayon diko maiwasang di magtaka kung bakit ako ang kinakausap niya at gusto niya daw makipag kaibigan--like seriously?Sa isang nerd na tulad ko? "Bakit?"Sagot ko sa tanong niya kanina dahilan para mangunot ang noo niya, mukhang nakalimutan na yata niya yung sinabi niya kanina?Ang bilis naman. "Anong bakit?"Kunot noo niyang tanong."Bakit gusto mong makipag kaibigan sa isang tulad ko?"Mukhang nagets niya naman ang sinabi ko dahilan para mapangiti siya na ikinaganda niya lalo. "Why wouldn't i?Ehh sa pagkaka-alala ko ay pareho lang naman tayong tao at pantay ang tingin sa isa't-isa, pwera nalang kung--ALIEN ka?"Napatawa naman ako sa sinabi niya sabay iling kaya ang ending ay pareho kaming tumatawa na parang baliw. "So what's your name?"Saad ko at sabay kaming lumabas ng classroom papuntang canteen."Ohh my bad--Jane Airah Trinidad pala, and you are?"Sabi niya sabay lahad ng kamay na agad ko namang tinanggap."Olivia Mae Perez."Saad ko at tipid na ngumiti sa kanya at nagpatuloy kami sa paglalakad. "So anong order mo olivia?At ako na ang kukuha tsaka hanap ka nalang siguro ng mauupoan natin."Nabaling naman ang tingin ko sa kanya at ngumiti ng tipid sabay abot ng pera pagkatapos ko masabi ang order ko."Kagaya nalang siguro nang sa'yo, thanks."Tumango naman agad siya habang ako naman ay agad naghanap ng mauupoan sa may bandang dulo na wala masyadong tao. Nagtungo naman ako sa may bandang dulo ng makitang may bakanteng upoan at agad umopo ron sabay sandal sa upoan ng nakapikit habang hinihintay na matapos sa pag-oorder si airah. Ilang sandali pa ay naramdaman ko namang may umopo sa harap ko dahilan para magmulat ako ng mata. "Sorry for waiting, ang taas kasi ng pila."Sabay lapag ng mga pagkain sa harap namin habang ako naman ay tumango lang at tinulongan siyang maayos ang mga pagkain sa harap. "You're really silent, i mean ganyan ka ba talaga?No offend."Naramdaman niya pala?"Hmm yeah ganito na talaga ako since then, minsan kasi nakakatamad ring magsalita and i used to it anyway."Sagot ko at kumain ng masagana habang siya naman ay tumango-tango lang. Nang matapos kaming kumain na ilang minuto lang yata ang itinagal ay nagkayayaan naman kaming magpuntang soccer field at doon magpasyahang magpahinga habang hinihintay ang oras. "If you don't mind airah, can i ask some personal question to you?If kung--!"Di pa naman ako tapos sa pagsasalita ng pinutol niya agad."Oh! It's okay para narin magkakilanlan tayong dalawa."Sabi niya pagkatapos agad umopo sa ilalim ng puno kaya naman agad akong sumunod sa kanya at tumabi. "So, paano ka napadpad dito sa laguna?I mean nabanggit mo kanina diba na transferee ka din?"Tanong ko at tumingin sa kanya.Bumuntong hininga naman siya bago sumagot. "I'm from the province of MINDORO and ang mama at papa ko naman ay nagtatrabaho sa probinsya namin kasi may maliit kaming lupain dun at yun na lamang ang puhonan namin para mabuhay at the same time ay para makapag-aral ako dito sa manila and we are poor actually tsaka nag-iisa lang rin kasi akong anak, that's why."Infairness di halatang anak siya ng mahirap dahil sa ganda niya at ang friendly niya rin. "So hmm ilang taon ka ng nandito sa manila?"Tanong ko at titig na titig sa kanya."Mag-iisang taon na actually, at tsaka nagrerenta lang kasi ako diyan sa may malapit dito sa school ng dorm para tipid narin."Hmm so matagal-tagal na pala? "So ikaw?Kailan ka lang nandito?I mean bakit ka nag transfer?"Sinabi ko naman sa kanya lahat kung saan ako nanggaling pero hindi ko muna sasabihin na sinadya kung mag transfer dito dahil lang sa may sinusundan ako, i think not now tsaka ayaw ko din na madamay pa siya sa gulong pinasok ko. She's now my friend and i think i need to protect her too. "Infairness pareha tayo ng pinanggalingan ng probinsya pero malayo nga lang ang sa'yo tsaka wala na halos mga nakatira malapit dun."Ang ibig niyang sabihin ay yung tinitirhan ko dati i mean ng team ko pala nung panahong doon kami may mission kalaban ang mga lumalabag sa batas. "Yep pero maganda rin naman dun tsaka presko ang hangin at lugar."Namiss ko na nga ang lugar na yun ehh, actually mahigit dalawang taon narin pala ang nakalipas magmula nung doon kami naka assign.Hmm dadalaw kaya ako dun minsan at isama ko ang babaeng to?I think that's a good idea. "Sabagay di kita masisisi diyan."Tipid niyang sagot at tumingin sa relo niya sabay baling da akin."Let's go?5 minutes nalang magtatime na."Tumango lang naman ako sabay pagpag sa uniform kung may kaunting dumi at sabay na kaming naglakad patungong classroom. Habang naglalakad kami ay napansin ko naman ang ilang mga estudyante na tumitingin sa amin specially sa akin at nagbubulongan matapos magtawanan na hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin. "Omg siya ba yung new transferee?" "Oo siya nga yun, and look at her girls ang manang niyang mandamit ha!" "HAHAHA oo nga and look at her eyeglasses so ewww, at parang kamukaha niya pa si betty lafea." "Oo nga geez--like eww manang!" "Dude look at that nerd ohh ang sexy, witwiw!' "Shut up dude! Anong sexy ka diyan?Ang baduy nga manamit niyan ohh haha." "Pre infairness di siya tulad ng ibang nerd na may pimples ano?In short may gaganda pa siya." "I agree dude." Isa yan sa mga narinig kung nagbulong-bulongan, infairness sa mga lalaki ang ganda ng sinasabi nila. Except lang dun sa isa na ang sarap putulan ng dila sa pagka bastos. "Tsk don't mind them olivia, mga nagpapapansin lang yan."Napalingon naman ako kay airah ng bigla itong nagsalita."I used to it anyway, sanay na ako sa mga ganyan."Tss kung alam mo lang airah tsk, pasalamat nalang talaga ang mga to at mataas ang pasensya ko. Pagkarating namin sa classroom ay di sinasadyang may nabunggo naman ako dahilan para matapon sa akin ang hawak niyang i think spaghetti? Tss sa lagkit ba naman nito at amoy damn! Bago paman ako makapagsalita ay agad na niya akong inunahan sabay baling sa akin na may nanglilisik na mata.Paano ko nalaman?Ramdam ko lang. "So it's you again MANANG!" Napatunghay naman ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun at ilang linggo na rin palang di mawala-wala sa isipan ko. Napasinghap naman ako nang tuloyan at napalunok ng wala sa oras ng makita ko nanaman ang angkin nitong ganda na maging sa panaginip ay hindi ako nilulubayan. I compose myself first and cleared the lump of my throat and i also maintain my blank expression on my face before i uttered a word. "Yeah, it's me again MISS TALAKERA."Sagot ko gamit ang malamig na boses na ikinasinghap niya at ng ibang nandito sa loob ng classrom. I suddenly smirk upon seeing her priceless reaction. ~ to be continue......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD