Francine NAPAHINGA ako nang malalim habang nakaupo sa sofa. Bwisit na lalaking iyon, talaga bang wala nang matinong gagawin iyon? Napapikit na lang ako sabay napasandal ang ulo sa pader dahil sa stress na naiisip ko. “Hey, you want coffee?” Napadilat ako sabay napatingin kay Kevin. Napatingin ako sa kape na inabot niya sa akin. Napangiti naman ako sabay kinuha ang kape na iyon. Umupo siya sa tabi ko habang hawak ang sarili niyang kape. “Kanina ka pa tulala dito ah, mukhang nag-aalala ka talaga kay Axel,” mahinahon niyang sabi. Napahinga naman ako nang malalim sabay napatingin sa kaniya. “Syempre, wala naman kasi ito sa pinag-usapan namin. Isa pa ako yung nagha-handle ng mga schedule niya at the same time yung mga dapat niyang gawin at ano ang hindi dapat kapag may interview. Per

