FRANCINE MAYA-MAYA ay narinig ko ang iba na nanjaan na daw si Axel. Pagbaba ko doon nakita ko naman si Axel na kababa lang sa kaniyang sasakyan. Napatigil ako sa aking paglalakad at tinignan lang siya. “He’s here,” napatingin ako sa tabi ko at nakita ko doon si Kevin. Nanumbalik naman ang tingin ko kay Axel. He’s serious parang walang ginawa na mali kaninang umaga. Napahinga na lang ako nang malalim at tinitigan lang siya kung ano ang susunod na gagawin niya lalo na’t papalapit na din sa kaniya si Maine. Kung sa akin naman, wala namang mali sa ginawa niya, but he’s in a group. Alam niyang madadamay ang reputation and career ng mga kasama niya dahil sa ginawa niya at alam ko kung bakit magagalit si Maine sa bagay na iyon. Being his PA and Manager for a year made me realized na mero

