bc

" Kailangan ko'y ikaw"

book_age18+
81
FOLLOW
1K
READ
playboy
badboy
student
drama
bxg
highschool
abuse
enimies to lovers
school
virgin
like
intro-logo
Blurb

Simula nong naging ulila na si Bea naging madilim na ang mundo niya. Naranasan niya lahat ang pang-alispusta at pang-babastos simula nong kinuha siya ng kanyang tiyahin. 6 years old palang siya nagsimulang apihin at ibenta na kahit sino hanggang naging 15 years old na si Bea.

Noong nakawala siya sa masalimoot niyang buhay? Naging palaboy siya sa kalsada. Hanggang napunta siya sa bahay ni Lure Maridos. Nag-iisa nalang sa buhay si Lure at taga-silbe ng pamilya Gomes sa loob ng sampung taon.

Makilala naman ni Bea ang lalaking hambog,mayaman,gwapo at babaero pero crush ng lahat. Mapa-school man oh hindi ay tinitingala siya ng lahat. Dahil ito ay nag-iisang anak na pinakayaman sa buong bansa ng Pilipinas.

Paano pa iibig si Bea kong may nakaraan na siya sa mga lalaking mapang-abuso? Paano pa siya magtitiwala kong hindi na buo ang tiwala niya sa kanyang sarili? Dahil sa taong nakapaligid sa kanya noon. Paano pa siya magmahal kong para sa kanya lahat ng lalaki ay pari-pariho, walang galang, walang respito at sinungaling. Mababago pa kaya ni Jhon si Bea? Mapapa-ibig ba kaya niya ang dalaga?

chap-preview
Free preview
Sunog
Umaalingaw-ngaw ang tunog ng ambulansya at bumbero papunta sa baryo Lawaan. Dahil may nakapag report sa kanila na may malaking sunog ang nangyari. Hindi makapaniwala ang mga bumbero sa nakita ang napakalaking apoy. Hindi mabilang ang mga bahay na kinain nito. Agad din naman silang umaksyon. Dali-daling pinula ng mga bumbero ang malaking apoy pati ang mga pulis ay tumutulong narin. Kanyang-kanya nag albalutan ang mga taong nakatira doon para manlang may makuhang kaunting gamit. Nagbaka sakaling may mailigtas pang gamit na pwedeng gamitin. Yong ibang tao nakalabas sa kanilang bahay at yong iba naman ay wala na. Dahil sa subrang laki ng apoy ang bubungad sa kanilang pinto. May mga putok ring maririnig mula sa loob ng labing limang bahay. Hindi naman matukoy ng mga pulis kung ano yon. Hindi pa alam ng mga taong taga roon kong ano ang pinagmulan ng sunog. Sa subrang laki ng sunog halos kalahating araw bago naapula ito ng mga bumbero. Hindi makapaniwala ang nakararami at nakakita na himalang may nakaligtas na batang babae. Ika nila dahil siguro ay may anghel na gumagabay sa kanya kaya siya nailigtas. "Ate ate ano bang nangyari? Bakit po maraming tao at bakit may sunog? " Nilapitan ni Bea ang isang reporter para tanungin kong anong nangyari sa kanyang paligid. Nakikita ng babaeng reporter ang lungkot na nararamdaman ng bata. Hinanap sa kanya ang mga magulang at kapatid nito. Pero kinalulungkot lang ni Bea ang maaring sagot ng reporter dahil pati ito ay walang alam kong buhay pa ba ang pamilya niya. Sa kabila ng malaking apoy. "Ate kausapin niyo naman po ako." Muling pakiusap niya sa babaeng reporter. Pagkatapos ang unang report huminto muna siya para kausapin si Bea. Reporter pov.. Maraming salamat panginoon, dahil sa iyang kapangyarihan ay nailigtas sa malaking apoy ang isang anghel. Mahirap man para sa kanya ang nangyari kailangan niya paring ipagpatuloy ang buhay. Bigyan niyo po siya panginoon ng lakas nang loob upang kayanin ang dagok na ito sa kanyang buhay. Alam ko nangyayari na ito madalas sa mundo. Pero para sa kanya na walang muwang napakasakit isipin na mag-iisa nalang siyang lumaban para mabuhay. Salamat at ako ang unang nilapitan niya para hanapin ang kanyang pamilya. Kahit manlang sa yakap ko ay maibsan ang kalungkutan ng puso niya ngayon. Tinanong niya sa akin ang mga magulang niya at mga kapatid. Hindi ko maisagot sa kanya ng deritso dahil awang-awa ako sa batang naghahanap sa kanyang pamilya na ngayo'y naging abo na. Tumayo ako at tumalikod sa kanya para di niya makita ang mga luha ko. Ayaw kong makita niyang umiiyak ako baka kasi mas lalo siyang masaktan. "Ate please po hindi ko po sila makita mama, papa at ate. Tulongan niyo naman po ako para hanapin sila please. Muli nanaman niyang pakiusap sa'kin. Durog na durog ang puso ko ngayon pati ako ay hindi alam kong anong pwedeng gawin. Lord kawawa naman tong batang nawalan ng pamilya. Ang bata-bata niya niya pa para maulila. Nakikiusap at nagmamakaawa siya sa akin bahang nakahawak sa kamay ko. Nag pahid ako ng luha ko bago humarap sa kanya. "Neni ikaw ba yong batang nakaligtas sa malaking apoy na 'yon.? "Opo ate diyan ako nakatira pero wala na ang bahay namin. "Bakit ikaw lang ang nakalabas? Ano ang ginawa ng pamilya mo sa loob? Bakit di nila alam na may sunog? "Umalis ako sa bahay para maglaro doon." Tinuro niya ang kinaruruonan ng mga bata na ngayon ay nag iiyakan din. "Bago po ako lumabas! Pinatulog po kami ni mama kaso lang nauna po akong gumising. Dahil po tulog na tulog pa sila kaya umalis ako para makipaglaro. Pagkalabas ko ng bahay nagtaka ako kong bakit maraming tao nag sitakbuhan 'di ko naman po alam kong bakit? Hindi ko nalang pinansin at tumuloy parin ako sa paglalaro doon. "Wala talaga siyang alam sa nangyari sa pamilya niya. Kawawang bata, Neni may tanong lang ako sayo. "Ano po yon? "Ang pagkakaalam ko bisaya ang salita niyo dito pero bakit marunong ka mag tagalog.? Iniba ko ang mga sagot ko kanya para hindi niya maisip na nag-iisa nalang siya simula ngayon. Dahil po siguro sa kanonood ko po ng pilikula. at isa pa po ate kong mag bisaya ba ako? Maintindihan niyo po ba? Oo nga pala noh nagtatanong pa ako. Sa kanyang pananalita may pagka-pilya ito na bata. "Diba ate wala kang maiintindihan kong mag bisaya ako?. "Oo nga e. Wala ka bang ibang pamilya? Oh kasama sa bahay niyo nong lumabas ka? "Samok kaayo ka ate balik balik lang ka pangutana.. ( Bisaya language) "Ay sorry neni hindi ko maintindihan ang sinabi mo. Pwede mo bang tagalugin yon? "Kita mo na ate hindi mo pala ako maiintindihan at bakit kaba tawag ka ng tawag sakin ng neni.? Hindi po neni ang pangalan ko. Ako po si Bea tresia Abalos tawagin niyo lang po akong Bea! Anim na taong gulang at nag aaral na po ako ng kindergarten. Anim po kaming magkapatid ako po yong pang lima at 2 years old palang po ang bunso naming kapatid." "Ang haba ng paliwanag niya. Masiyahin siyang bata nakikita ko sa kanyang mukha. Sana kakayanin niya ang nangyari sa buhay niya. " "Ate bakit ka malungkot? " "Bea pwede ba akong magpaka totoo sayo.? Tumango lang siya sa 'kin bilang sagot. "Wala na ang magulang mo pati kapatid mo kasama sila sa sunog na yon, buti nalang buhay kapa. "Po? Hindi po yan totoo? " May pamilya ka pa bang pupuntahan? Dili na tinuod buhe pa silang papa ug mama nako. Mama, papa asan na kayo bumalik na po kayo. Andito lang ako maghihintay sa inyo. Mga ate puntahan niyo ko dito sige na po parang awa niyo na po ako nalang mag isa ngayon bumalik na kayo mama, papa please. *** Kawawang Bea sa mora niyang idad ay maagang naulila sa pamilya dahil lang sa di inaasahang sunog. Sino kaya ang makakatulong sa kanya? Para makabangon sa nangyari? Saan nga kaya siya pupunta para ipagpatuloy ang buhay? Habang nadapa ang Baryo Lawaan sa bayan ng Leyte dahil sa sunog. Samantalang sa kabilang banda naman sa lugar ng Makati City may isang pamilyang ubod ng yaman lahat na ata ng business sa pilipinas ay pag aari na nila. Hindi naman sila binayayaan ng anak na mabait at magalang. Dahil may anak lang naman silang puno na kapilyuhan suplado at kasamaan ng ugali. Ang pamilya Gomes at ang anak nilang si John Mark Gomes. Ang kilalang kilala sa buong Makati dahil sa angking yaman nito. Dahil narin sa magulang ni John na ubon ng bait at sipag sa pagtratrabaho sa kanilang sariling kompanya. Kaya siguro hindi sila nilalayuan ng grasya. Paano nalang kaya kong pagtagpuin sila ng tadahana? Isang bektima sa nakaraan at isang taong parewara ang buhay. Magkakasundo kaya ang dalawa? mababago ba ang landas ni Bea at ang buhay na kinasadlakan ni John? Dahil puro kaibigan, lakwatsa, babae at gala lang ang tanging alam niya. Kapag ba makilala niya ang isang babaeng tulad ng mommy niya mababago nga kaya ang ugali ng binata? Hindi nga ba niya ito susukoan kahit ano pa ang nakaraan ni Bea. Ang malaking tanong? May pag ibig bang mabubuo sa dalawang nilalang kong tadhana na ang gumawa ng dahilan para pagtagpuin sila. Sa buwan ng Marso 29, 2010 umaga iyon. Kinuha si Bea ng tiyahin niyang si Janette at dinala sa Laguna. Dito sa bahay ng tiyahin niya sa Laguna kahit alam niyang maging impyerno ang buhay niya dito. Wala siyang magawa dahil wala na siyang mapuntahan pa. " Bea simula ngayon dito kana sa bahay ko at alam mo na ang ayaw ko di ba? Paninimula nito sa pamangkin. "At hindi kana mag aaral isipin mo nalang nakikitira ka dito tapos may ambisyon ka pang mag-aral? Palamunin kalang dito naiintindihan mo? "Naiintindihan ko po tiya. " Kong ano ang i-utos at ipagawa namin sayo. Dapat sundin mo para hindi ako magalit sayo. Maliwanag? At siguro naman ay naiintindihan mo ang mga sinabi ko? Sumagot ka. "Opo, wag po kayong magalala tiya susundin ko ang inyong utos. "Ano pa bang hinihintay mo? kumilos kana ayaw kong ba-bagal bagal sa pamamahay ko. "Opo tiya aalis na po ako para mag trabaho kailangan. "Good. Mabuti nalang at may katulong na ako. Hindi na ako masyadong mapagod sa trabaho. Para naman may silbe ang batang yon dito hindi pwedeng lalamun lang. "Kailangan kong pag butihin ang trabho ko para di ako magalitan ni tiya. Para pa namang siyang lion kong magalit. kaya mo ito Bea basta isipin mo lang sila mama at papa. Hindi pa siya nakatapos sa isang gawain bigla siyang tinawag ni Janette para ipakilala sa kanyang pinsan at tiyuhin. "Bea halika mo na dito ipakilala kita sa anak ko at sa tiyuhin mo.. "Opo tiya andyan na po.' "Kakasabi ko lang diba? Bilisan mo dapat ang kilos mo sa pamamahay ko para hindi ako mairita sayo. " "Pasensya na po." "Halika ipapakilala ko si Vince sa'yo. Siya ang nag iisa kong anak at si Roland naman ang tiyu mo. "Hello po kuya sa inyo rin tiyu. "Simula ngayon siya na ang gagawa ng gawaing bahay dito at kayong dalawa pwede niyo ng gawin kong anong gusto niyo. 'Di ba Bea? "Opo tiya.' "At Kong may iutos kayo. Siya lang ang tawagin niyo wag na ako dahil busy ako maliwanag ba sa inyong dalawa? "Mama bakit nandito yan? Ayaw ko sa kanya ang dungis niya at ang pangit pa. Yak.. "Vince anak pinsan mo siya at ayaw mo ba nun may libangan ka. Wag kanang mag inarte anak buti pa nga andito yan. Ayaw mo pa non pwede kanang maglakwatsa kong gusto mo dahil may katulong na tayo. "Ok mama salamat kong ganon may libangan nanaman ako! "Oh ikaw ba Bea ilang taon kana? "6 years old po tiyu, bakit po? "Aba akalain mong anim na taon ka palang maganda at sexy kang bata maputi ka pa. Mag kakapera ako dito..! "Po? Ano pong mag kakapera kayo tiyu? "Wala kana don at wag kang tanong ng tanong kong ayaw mong sapakin kita. "Opo, pasensya na po kayo tiyu. "Hoyy sampid mag igib ka ng tubig at nang makaligo na ako dali. Bilisan mo ang bagal mong kumilos. "Pero kuya hindi ko po kayang bitbitin ang isang balde maliit pa po ako para sa bagay na yan. Hindi ko po kaya kuya ang bigat po kasi niyan. "Wala akong pakialam kong mabigat man oh hindi? Ang gusto ko mag igib ka dahil naiinitan na ako. Gusto mo talagang sapakin kita kabago bago mo palang dito sumosuway ka na. "Wag po kuya mag iigib na po ako." "Susunod naman pala eh nag iinarte pa." Pagkatapos niyang mag iigib ng tubig. Naglaba naman siya sa mga damit ng tatlo. Umpisa na ang delubyo sa buhay ni Bea dahil sa pamilya niyang puro masasamang ugali. "Bilisan mong maglaba diyan alam mo na ngang marami pang trabaho dito at may i-utos pa ako sayo. "Malapit na po ako tiya. "Mamaya kailangan malinis na yang nilalabhan mo kong Hindi? Nako lagot ka sa akin. "Opo tiya. Mama tulongan niyo po ako bigyan niyo po ng lakas para gawin ang trabaho. Palagi nalang po akong sinasaktan ni tiya ginawa ko naman po ang mga utos nila. ABANGAN..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook