Nakaraang ilang araw simula nung nakulong ang tiya at tiyo ni Bea. Paulit-ulit siyang nagpasalamat sa pulis na yon lalong-lalo na sa panginoon. Dahil sa kanyang kalayaan. Pero ika niya " nakalaya nga ako sa impiyernong bahay na yon wala naman akong silid na matutoloyan ngayon." Mahirap para sa kanya pero tanggap niya kong saan at kong ano man siya ngayon. Hindi man niya alam kong saan siya dadalhin ng tadhana sa hirap ng buhay. Ang mahalaga nakakulong na ang taong nagpahirap sa pagkatao niya.. Hanggang umabot ng isang buwan nag palaboy-laboy si Bea sa kalsada. Hindi alam kong saan patungo, hindi alam kong saan hihingi ng tulong, lalong hindi alam kong sino sa mga taong dumadaan sa kalsada ang maging anghel niya. Naniniwala parin siyang may plano ang diyos para sa kanya. At alam niya mas higit pa sa hinihiling niya ang ibibigay ng diyos para sa kanya. Nakita niyang kaunti nalang ang pera niya hindi na ito makakabili ng pagkain. Hindi parin siya huminto sa paglalakad at sa pagkatok ng tahanan na mapupuntahan. Nagbakasakali tulongan siya kahit pagkain lang ay sapat na.
"Paano na to' kaunti nalang ang pera ko wala pa akong nahanap na bahay. Gutom narin ako. ( lord tabangi ko be makakita na unta ko ug balay kapoy na kayo ko Lord. )
Pagmamakaawa niya sa panginoon gamit ang bisayang lenggwahe. Tila ba may nakita siyang liwanag sa bahay na iyon na di kalayuan sa kanya. Kakaibang liwanag ang nakita niya dito kaya hindi siya nagdalawang isip na puntahan ito. Baka ito na ang pinadala ng panginoon para sa kanya.
"Nakita ko may kakaiba sa bahay na ito baka ito na ang hiniling ko. Susubokan ko kayang katukin mukhang may tao naman sa loob. Nagugutom na ako kanina pa ako naglalakad sa walang katapusang kalsada dito.
Agad nag doorbell si Bea sa lumang gate na pagmamay-ari ni Lure Maridos limang pot limang taong gulang. At 10 years na naging katulong ng pamilyang Gomes. No'ng nainip si Bea sakaka-doorbel sumigaw nanaman ito para marinig ng may-ari.
"Tao po, may tao po ba? Tao po.
Pagsisigaw niya sa labas ng gate. Hindi kasi nakalabas agad si Lure dahil naghanda na ito para makapasok na agad sa trabaho.
"Sino naman kaya tong kumatok? Wala naman akong bisita ngayon. Possible naman kung si sir John ito! Kailan man hindi yon pupunta dito sa lugar ng mahihirap.
"Tao po may tao po ba? Muli niyang tawag mula sa labas ng gate.
"Taika lang ito na. Ang lakas pa naman ng sigaw niya nakakabinging boses.
"Manang magandang umaga po, parang awa n'yo na mag iisang buwan na po akung naghahanap na matirhan. Wala po akong makita eh gutom narin po ako.
Pagbukas palang ni Lure ng gate nakita niya agad ang namutla at pagod na mukha ni Bea. Hindi pa siya nagtanong kong anong kailangan niya rito. Sinabi na agad ni Bea lahat sa kanya para lang tulongan siya ng ginang. Pero tila binabasa pa ni Lure ang isip ng dalaga kaya nakatitig lang ito kay Bea.
"Manang pwede bang magtanong? May kwarto po ba kayo pwedeng upahan? Sige na po manang baka may bakanteng kwarto kayo d'yan. Parang awa n'yo na oh.
Labis labis ang Pagmamakaawa n'ya sa ginang na nakatira sa maliit na bahay. Sa tingin naman ni Bea ay mabait ito nakikita n'ya sa reaksyon ng ginang. Malaki ang pasalamat n'ya dahil napunta s'ya sa taong may malasakit sa tulad n'yang palaboy.
"Halika pumasok ka muna ija, bilisan mo namumutla kana sa gutom. Saan kaba galing ha? Halika dito sa loob bilisan mo.
"E manang ok lang po bang dalhin ko ang gamit ko?
"Oo naman pwede baka mawala pa yan d'yan.
Nagpapasalamat ni Bea dahil mabait ang ginang pinatuloy s'ya nito at pinakain pa sa kanyang tahanan.
"Maraming salamat po manang hulog po kayo ng langit sa akin. Pasensya na po kayo kung ganito ako kumain. Talagang gutom lang po ako pasensya na po.
"Sige lang kumain ka walang problema sa 'kin. Kumain kalang ng kumain d'yan. Taika lang dahan-dahan naman baka mabilaokan ka! ito anak tubig.
"Salamat po, muntik na nga akung mabilaokan manang.
Napatawa na lamang si Bea sa kanyang inasal sa harap ng ginang.
"Kawawa naman itong batang to. Panginoon hindi ko po alam anong plano n'yo sa akin! Kong bakit pinadala mo sa akin ang batang kasing ganda ng angel. Kung ito po ay binigay mo sa akin bilang makakasama ko sa buhay? Maraming salamat po panginoon subrang subra na po ang kabaitan mo sa akin.
"Tapos na po ako manang maraming salamat po sa pagkain. Talagang ang bait n'yo po sa akin. Bigyan pa sana kayo ng malusog na pangangatawan at palagi po sana kayong ligtas.
"Maraming salamat din sa'yo. Pwede ko ba malaman ang pangalan mo ija at saan ka galing? Saan din ang mga magulang mo? Bakit ka naging palaboy-laboy sa kalsada?
"Bea Tresia Abalos po' 15 years old pero Bea nalang itawag n'yo sa akin. Galing po akung Leyte at ulila na po ako manang dahil sa sunog nawala ang buong pamilya ko.
"Nako pasensya ka na ija, naitanong ko pa sa'yo ang bagay na yan! Ok kalang ba? Paano ka napunta dito sa Makati?
"Ok lang po manang wag po kayong mag sorry. Sa totoo nga po nag pasalamat ako sa inyo ang bait n'yo po sa akin.
"Ang layo naman yata ang pinang-galingan mo ija. Paano ka napunta dito? Sorry ulit kung naitanong ko sayo ang tungkol sa magulang mo.
"May tiyahin po ako doon sa Laguna kaso po hindi po maganda ang trato nila sa akin. Palagi lang po nila akung sinasaktan at binababoy nila ako ng paulit ulit. Napaka sama nila akala ko po kapag pamilya natin mamahalin at alagaan nila tayo. Pero ang 'di natin alam sila din pala ang sisira sa buhay natin.
"Napaka walang hiyang mga tao yan. Pati ba naman batang walang ka mowang-mowang dinadamay pa nila.
"Masaya na po ako kasi nakulong na po sila dahil don malaya na ako sa pagmamalupit nila sa 'kin lalo na po yong pamba-baboy nila sa akin. Pero!
"Kawawa ka naman, bakit may taong gan'yan? Pero kalimutan mo nalang yon ang mahalaga nakaalis kana sa kanila. Bakit umiiyak ka?
"Sa paglaya ko kasi sa kamay nila manang naging palaboy-laboy naman ako sa kalsada. Walang matirhan at walang makain hindi ko na po alam kung saan ako pupunta. Napakalupit po ng tadhana sa 'kin mabait at magalang naman po akung bata pero bakit ganito ang buhay ko?
"Wag kang mag alala simula ngayon dito kana sa akin tumira, tahan na anak masisira ang ganda mo kapag umiiyak ka. Wag kang mag alala ako lang naman ang mag-isa dito at wala akong anak o kahit asawa wala.
"Talaga po? Totoo po ba yan manang? Hindi po kayo nag bibiro? Hindi n'yo po ako kilala manang, hindi manlang ba kayo natakot sa 'kin? Tulad ng ibang tao!
"Bakit naman ako natatakot? bata ka at kailangan ng kalinga hindi ka kriminal para katakutan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo kaya kung gusto mo dito? Walang problema sa akin, yun kung gusto mo rin dito'?
"Gusto ko po, gustong gusto ko po manang maraming salamat po. Deninig ni lord ang panalangin ko sa kanya kanina. Kasi po sa inyo ako napunta isang taong mabait at may tiwala sa tulad ko.
"Nako salamat sa yakap mo ija. Kawawa ka naman kung magpalaboy-laboy ka sa kalsada. Total wala naman akung kasama dito at lagi din akung wala dahil sa trabaho. Dito ka nalang para may kasama narin ako.
"Salamat po ulit, pwede ko po ba kayong tawaging nanay.?
"Yan lang ba ija? Walang problema gusto ko rin yan. Nanay Lure nalang ang itawag mo sa akin simula ngayon. Ako si Lure Maridos 55 year's old na ako at walang kasama sa bahay na to.
"Salamat po talaga nanay Lure, ang sarap sa pakiramdam may nanay na ako ulit. Maraming salamat po talaga pati narin po sa inyo Lord salamat po. Nay asaan po pala ang asawa n'yo?
"Wala na akung asawa anak iniwan na n'ya ako sampong taon na s'yang patay. Kaya ako nalang ang mag isa sa buhay.
"Pariho lang din po pala tayo nay, kawawa rin po pala kayo nag iisa din kayo dito.
"Ok lang naman anak, sanay na ako at hindi rin ako namamalagi sa bahay ko. May trabaho ako kaya walang tao ang bahay ko. Uuwi lang ako kapag gabi.
"Saan po at ano po ang trabho n'yo nay.?
"Sa pamilya Gomes matagal na ako doon mabait sila sa akin bilang katulong kaya nagtagal ako sa kamay nila.
"Nanay Lure maraming salamat po dahil tinanggap n'yo po ako. Kahit hindi n'yo po ako kaano-ano at lalong hindi n'yo po ako kilala. Hindi ko lubos akalain na may tao pa palang busilak ang puso.
"Anak alam mo ba nung nag asawa ako. Subrang excited ako kasi gusto ko mag kaanak na kami. Pero sa loob ng dalawangpong taon hindi kami binayayan ng supling dahil yong mister ko may sakit s'ya at kailan man hindi kami magkakaanak. Ginawa na namin lahat para lang magkaanak kami. Pero talagang wala e hanggang tinanggap nalang namin' pariho na kami lang dalawa. Pero noong iniwan n'ya ako mas lalo akung nalungkot dahil nag-iisa nalang ako sa buhay.
"Hindi na po kayo nag asawa ulit? Simula nung namatay asawa n'yo po?
"Hindi na pinangako ko kasi sa kanya nung nawala s'ya. Wala na akong ibang mamahalin kundi s'ya lang.
"Wow ang sweet n'yo naman po ang swerte pala niya nay Lure kahit wala na s'ya mahal mo pa din yong asawa niyo.
"Oo naman gano'n talaga pag nag mamahalan kayo. Ikaw ba ija may nobyo kana?
"Nako nay wala pang nadapa at naligaw papunta sa akin para manligaw. Wala pong lalapit sa akin nay sa hitsura kung to? May maglakas loob kayang magtapat sa naramdaman nila'?
"Nakakatawa ka naman bata ka, ikaw talaga sa ganda mong yan walang nagka gusto sa'yo? Bata ka pa at malayo pa ang marating mo. Kung dimo pa s'ya nahanap? Malay mo malapit na 'di ba?
"Nay Lure walang magka gusto sa akin at lalong walang magmamahal dahil sa madilim na nakaraan ko. Isa pa hindi po ako maganda kumpara sa ibang babae.
"Wag mong sabihin yan kasi lahat tayo may nakalaan bawat isa. Para makasama natin habang buhay at laging katuwang sa lahat ng bagay.
"Nanay Lure pasensya na po. Siguro hindi ko nalang iisipin yan baka masasktan lang ako sa huli. Dahil alam ko naman hindi na buo ang pagkatao ko. Wala na po ang iniingatan ko nay kaya malabo nang may magmahal sa akin. Sabihin n'yo po kung may lalaki pa kaya magmahal sa akin kahit alam niyang mas madumi pa ako sa basura.
"Anak wag mong tapusin agad ang pag asa mo bata kapa at hindi lahat ng lalaki ay namimili ng makakasama. Basta mahal ka tatanggap niya kong ano ang totoo. Wag kana umiyak anak isipin mo nalang may dios palagi ka n'yang babantayan.
"Salamat po nay Lure ngayon hindi na ako malungkot dahil narito ka na. Akala ko bahang buhay na akong palaboy-laboy sa kalsada pwede po bang payakap nay?
"Oo naman anak' halika nga nako ang sarap ng yakap mo anak sige na mag pahinga kana. Dito ang kwarto mo at maiwan mo na kita may trabaho pa ako. Baka kasi hinanap na ako ni sir John suplado pa naman yun.
"Sabi n'yo po kanina nay mabait sila.
"Oo yong mga magulang niya pero yong anak nila ang hindi. Nag iisa kasi s'yang anak kaya pilyo at suplado.
"Ok po nay" sige na po para hindi kayo pagalitan ng pilyo at suplado mong amo.
Malaking tulong ang ginawa ni Lure kay Bea. Dahil sa kanya muling nabuhayan ang dalaga. At dahil din sa kanya muli ay nagtitiwala siya sa mga taong nasa paligid niya. Napakahirap para kay Bea ang mabuhay mag isa lalo na't wala s'yang pinag aralan. Nang dahil sa maaga nawala ang pamilya nito hanggang grade 5 lang ang napasukan n'ya. Pero matalino s'ya at hindi mahiyain sa klase. Si Lure na kaya ang tulay para magtagpo ang dalawang magkaiba ang ginagisnang buhay? Si Jhon nga ba ang bibihag sa inosenteng puso ni Bea Abalos?
ABANGAN...