bc

Secret To Hide

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
heir/heiress
drama
tragedy
serious
small town
like
intro-logo
Blurb

‎Si Cora Dela Cruz kilala sakanilang lugar bilang isang tahimik na babae at mahinhin. Lumaki siya sakanyang lola dahil ulila na siya, iniwan siya ng kanyang magulang at may mga bagong pamilya na ito. Ang kanyang lola Esmeralda na lang ang kanyang kasama sa buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Cora POV “Cora! Ang tagal mo naman. Kanina pa kita hinihintay!” Paglabas ko ng bahay, agad kong nakita si Jomar na nakasandal sa lumang motorsiklo niya. Nakabusangot ito habang nakatingin sa akin na para bang ako pa ang may kasalanan kung bakit halos maubusan siya ng pasensya sa kakahintay. “’Naka-busangot ka na naman. Kaya pumapangit ka,” pang-aasar ko. “Ang dami mong alam. Tara na nga,” iritadong sagot niya. Napangiti ako bago sumakay sa likod ng motorsiklo niya. Habang umaandar kami, hindi ko pa rin maiwasang isipin kung saan ba talaga niya ako dadalhin. Kanina pa niya sinasabing may raket siyang nahanap para sa akin, pero kahit isang detalye ay ayaw niyang sabihin. “Sigurado ka bang malaki ang kita rito?” tanong ko. “Paulit-ulit ka naman, Cora. Oo nga. Malaki.” “Eh, baka naman mamaya kung saan mo ako dalhin.” “Hindi kita ipapahamak.” “Sigurado?” “Sigurado!” Tahimik akong sandali bago muling magsalita. “Basta huwag mong kalimutan na may lola akong naghihintay sa akin sa bahay. Kapag may nangyari sa akin, ikaw ang unang hahanapin ni Nanay Esmeralda.” “Ang drama mo.” “Hindi drama. Paalala lang.” Tumawa siya nang mahina. Maya-maya, huminto ang motorsiklo sa harap ng isang malaking bahay. Napatingala ako. Malaki ang bahay. May mataas na gate, malawak na bakuran at ilang sasakyang nakaparada sa loob. Kahit mula sa labas, halatang ibang-iba ito sa simpleng bahay na kinagisnan ko. Napakunot-noo ako at tumingin kay Jomar. “Dito?” Tumango siya. “Dito.” “Anong gagawin natin dito?” “May trabaho para sa'yo.” Napatingin ako sa malaking bahay at saka kay Jomar. “Jomar…” “Ano?” “Sigurado ka bang trabaho ang pakay natin dito?” “Oo naman.” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago muling tumingin sa bahay. “Baka mamaya magnanakaw pala tayo.” Napahalakhak si Jomar. “Baliw ka talaga!” “Malay ko ba! Ang laki ng bahay. Baka mamaya sabihin mong trabaho tapos pagpasok natin, kukunin na pala natin mga gamit nila.” “Kung magnanakaw tayo, bakit kita isinama?” “Para may kang tumakbo kapag nahuli tayo.” “Cora!” Natawa ako sa mukha niya. “Joke lang.” Umiling siya at napabuntong-hininga. “Katulong ang trabaho mo rito. Hindi magnanakaw.” “Sigurado?” “Sigurado!” “Baka ikaw ang magnanakaw.” “Tumahimik ka na nga.” Ngumiti ako. Kahit papaano, nabawasan ang kaba ko. Kilala ko si Jomar mula pagkabata. Kababata ko siya at halos sabay kaming lumaki sa maliit na bayan ng Partido. Pero kung tutuusin, mas kilala siya ng mga tao rito bilang tambay sa kanto kaysa isang taong maaasahan. Kaya hindi ko rin alam kung bakit ko siya pinaniniwalaan. Ang alam ko lang, kailangan ko ng trabaho. Malapit na ang pasukan at kailangan kong bumili ng mga gamit para sa pag-aaral. Ayokong dagdagan pa ang problema ni Lola Esmeralda. Kahit kailan, hindi niya ako hinayaang maramdaman na pabigat ako, pero alam kong hindi na rin ganoon kalakas ang katawan niya para magtrabaho nang todo. “Magkano ang sahod?” tanong ko. Ngumisi si Jomar. “Mas malaki kaysa sa inaasahan mo.” Iyon lang ang kailangan kong marinig. “Kung gano'n, pasok tayo.” “Ngayon ka lang naniwala?” “Hindi naman ako mahirap kausap. Pera lang pala ang kailangan.” “Pera talaga ang gusto mo.” “Eh ano bang gusto mo? Pagmamahal?” Tumawa siya. “Wala ka talagang pinagbago.” Napailing ako sa sarili kong sinabi. Pagmamahal? Wala iyon sa isip ko. Hindi dahil ayaw kong maranasan ang ganoong bagay. Siguro, hindi ko lang kayang isipin iyon sa ngayon. Sa dami ng problema namin ni Lola Esmeralda, parang napakalayo ng bagay na tinatawag na pag-ibig sa buhay ko. Gusto kong makapagtapos, magkaroon ng maayos na trabaho at masuklian kahit kaunti ang lahat ng sakripisyo ni Lola para sa akin. Siya na lang ang mayroon ako, kaya ayokong dumating ang araw na pagsisisihan kong hindi ko sinubukang abutin ang mga pangarap ko. Simula nang mawala ang mga magulang ko sa buhay ko, si Lola na ang tumayong pamilya ko. Hindi man siya mayaman, ginawa niya ang lahat para mabigyan ako ng maayos na buhay. Kahit minsan ay kapos kami, lagi niyang sinisikap na may maihain sa mesa. Kaya wala akong oras para sa mga bagay na hindi makatutulong sa amin. Lalo na ang pag-ibig. Hindi ko kailangan ng taong magpapakilig sa akin o magpapadala ng bulaklak. Hindi ko kailangan ng nobyo na hahawak sa kamay ko habang naglalakad. Ang kailangan ko ay pera para sa matrikula. Kailangan ko ng trabaho para makatulong kay Lola. At higit sa lahat, kailangan kong makapagtapos. “Bakit ka biglang natahimik?” tanong ni Jomar. “Wala.” “Iniisip mo na naman siguro kung magnanakaw talaga tayo.” Napatawa ako. “Hindi. Iniisip ko lang kung gaano ka kaswerte at libre ka lang sa buhay.” “Libre?” “Oo. Wala kang iniisip na matrikula.” Napakamot siya sa ulo. “May punto ka.” Huminga ako nang malalim at muling tumingin sa malaking bahay sa harapan namin. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa loob.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
198.0K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
70.7K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
67.2K
bc

Wife For A Year

read
74.4K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
290.7K
bc

Daddy Granpa

read
313.7K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
498.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook