Hindi nalang ako sumagot at pinanuod nalang si Hans na patuloy paring inaayos ang kaniyang buhok. "Ikay, ano pa ba ang type mo sa mga lalaki maliban sa hindi marunong magluto?" Biglaang tanong niya kaya napaisip naman ako. Never akong nag isip ng mga ganiyan. Wala naman akong type-type noon. Kung sino lang ang available yun na. Charrot! Sa totoo lang. Para sa akin kasi ..perfect package na si Nixon. Yung bang wala ka nang hahanapin kung physical features niya lang ang pag uusapan. Pero sa ugali hindi ko type ang ugali niya. Crush ko na si Nixon since nag highschool ako. Hindi ko siya classmate or schoolmate. Taga kabilang school kasi siya. Katapat lang ng school namin. Private siya samantalang ako public lang. "Gusto ko sa lalaki yung magaling kumanta at sumayaw." Nakita kong tumango

