"Uhmm.. Kuya guard, may load po ba kayo." tanong ko sa kaniya na medyo nahiya pa. "Wala po maam eh." "Sige, salamat nalang po." Sabi ko nalang. Nakita ko si Manong Richard na nagpaparada na ng kotse kaya agad ko siyang nilapitan at nagpahatid papunta kila Nixon. "Maam. Kaano-ano n'yo po ang nakatira dito?" Tanong ni Manong Richard nang makahinto na kami sa harap ng gate nina Nixon. "Sa Asawa ko po Manong." Seryoso kong sabi at bumaba ng kotse. "Umuwi na muna po kayo. Tatawag nalang ako pag magpapasundo na." Sabi ko. "Pero wala po kayong load maam." "Ay oo! Hehe! Kayo nalang pala ang tumawag." Sabi ko. "Eh wala din po akong load eh!" Sabi ni Manong at napahawak pa sa batok. "Edi hindi ako uuwi! Leche! Bumili ka pa ng cellphone wala namang load!" Inis kong singhal at pumasok na ng g

