Yung mata niya, yung titig nya.. Manang-mana kay Nixon. Yung titig na kahit daplis lang nakakalaglag panty na . Dahan-dahan ulit akong sumilip pero nakakagulat na nang makita ko yung kapatid nya na sa kawalan na nakatingin. Eh? Sure akong nakita nya ako eh! Sigurado talaga ako promise! Akala ko nahuli na nya ako. Pero anong nangyari? Deadma lang ganoon? Walang paki? Kahit magnakaw pa ako dito wala syang paki? Ang taray ah? Manakaw nga itong litrato ni Nixon dito. Dahan-dahan, kong hinila ang picture fram na nasa harap ko saka ito isinuksok sa ilalim ng damit ko. Maya-maya lang ay nakita kong bumalik si Nixon galing sa kusina. May dala-dala siyang maliit na plato na may lamang cake. Napalunok ako. Gutom na talaga ako. Huhuhu. "Here." Sinubuan ni Nixon ang kapatid pero hindi man lang

