Ikay's POV "Arghhh.. Bwisit ka Nixon!" Sigaw ko habang winawalis ang mga kalat sa camp sight. "Bwisit! Bwisit! Bwisit ka!" Inis kong sabi at padabog na itinapon sa kung saan ang walis. Ako nalang ang naiwan dito. Lahat sila ay nagsiuwian na.. Yung Nixon kasi na yun eh! Kung anu-ano nalang ang iniuutos sa akin? Wala ba syang konsensya ha? Kani-kanina lang ako yung pinagligpit ng mga pinagkainan ng mga schoolmates ko. Tapos ngayon pagwawalisin niya ako? Kung alam ko lang na ganito pala ang ipaparusa niya edi sana di ko nalang sila sinundan. "May 5 minutes ka na lang para tapusin yan. Ang mga plato naghihintay na sa iyo sa lababo." Agad akong napalingon at nakita si Nixon na seryosong nakatingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko. "Ano?" Sigaw ko. Hindi niya ako sinagot at tumalikod lan

