Nagseselos ka ba?" Tanong ko at hindi naman niya ako nilingon. Nagtuloy lang siya sa paglalakad kaya hinabol ko siya "Yiee~ nagseselos ka no?" Tukso ko pa sabay tusok sa tagiliran niya. "f**k Ms. Mandadaro. Watch your words." Inis niyang sabi sa akin at nagtuloy muli sa pag-akyat sa hagdanan. Eh? Diba dapat watch your steps yun? Baliw talaga tong si Nixon. Kung ano-ano pinagsasabi. Ngingiti-ngiti nalang akong sumunod sa kaniya. Okay.. tatahimik na ako. Pumasok siya sa isang kwarto at iniwan niyang nakabukas ito. Teka papasok ba ako? Omoo! Ano namang gagawin namin dyan sa loob? *dub*dub*dub*dub*dub* Paano kung may gawin syang masama sa akin? Syete! Kahit pala kilala ko si Nixon ay dapat hindi ako basta-basta nalang na sumama. Anong gagawin ko ngayon? "Ms. Mandadaro, get in." Dinig

