Chapter 4

2770 Words
"Maam.. Pasensya na, ipapaayos ko muna siguro itong kotse." Biglang sabi ni Manong Richard habang nakakunot ang noo at pasilip-silip sa ilalim ng sasakyan. "S-sige." Sabi ko at bumaba ng kotse hawak-hawak parin ang libro. Imposible, Pero totoo... Ang mga nangyayari sa libro ay nangyayari ay ngayon. Paano yun? "Maam.. Maghintay nalang po muna siguro kayo ng taxi maam. Pasensya na po talaga hindi ko napansin kanina." Sinserong sabi ni Manong Richard sa akin at binalot naman ako bigla ng kaba. "O-okay lang. Mag aabang nalang ako ng taxi." Sabi ko at ngumiti ng pilit. Kung sasakay ako ng taxi. Hindi ko naman alam kung saan bababa. Hindi ko rin alam kung saang school ako pumapasok. Muli akong napatingin sa librong hawak ko-- totoo nga ba talagang may magic ito? M-Makikita ko ba talaga si Aiza sa mundong ito? Ghad what's happening! Mababaliw na yata ako jusko! Huminga nalang ako nang malalim at isinilid muli sa bag ang libro. Baka nagkataon lang diba? Baka masyado lang akong nabaliw kagabi sa sampal nung maid kaya kung anu-ano ang iniisip ko diba? Tama Ikay... Nagkataon lang yung mga nabasa mo. Hindi iyon totoo kaya kalma na. Sabi ko pa sa sarili ko. At muling dumungaw sa kalsada upang maghanap ng taxi na masasakyan. Ngunit maya-maya lang ay isang pulang sasakyan ang huminto sa harap ko. Kunot-noo kong pinagmasdan ang sasakyan at nang ibaba ng may-ari nito ang bintana ay ganoon nalang ang pagkagulat na naramdaman ko. "Hey Franchesca! Bakit ka nandiyan? W-where's your car?" Tanong niya sabay tanggal pa ng sunglasess na suot. Hindi ako nakapagsalita dahil sunod-sunod na pumasok sa isip ko ang mga nabasa ko kanina. Kung ganoon? T-Totoo nga talaga? Totoong nakasulat sa libro lahat ng galaw ko at mangyayari sa akin? Napanganga ako habang nakatitig sa kaniya at sa sasakyan na dala niya. Wow! Hindi ako makapaniwalang nakikita ko ngayon si Aiza na nasa loob ng sasakyan at nagmamaneho pa talaga. Bakit siya marunong tapos ako hindi?! Unfair ha! "Hoi! " tawag niya at napabalik naman ako sa ulirat . "O-oh? Ahh.. na f-flat yung gulong ng kotse." sagot ko sa kaniya. "Tsk! Oh s'ya. Sumakay ka nalang. We're late." Sabi niya pa sabay irap sa akin. Kahit nagtataka parin ay dali-dali nalang akong sumakay sa kotse niya. Nalilito ako kung itatanong ko ba kay Aiza ang mga nangyayari. Baka kasi may alam siya. Pero baka katulad din siya nina Nanang na mukhang wala talagang alam at oarang normal lang na nangyayari ang lahat. Bakit ako lang ang may alam sa mga nangyayaring ito? Itatanong ko ba kay Aiza? "Franchesca bilisan mo." Sabi niya sabay irap na naman. Hindi ko man lang namalayang inihinto n'ya na pala ang kotse sa tapat ng university. Teka? Ang bilis naman yata? Binalikan ko ang lugar kung saan ako nakatayo kanina at anak ng-- Ilang lakad nalang pala! Mula roon sa hinintuan namin ni Manong Richard hanggang dito. Dali-dali akong bumaba ng kotse niya at halos lumuwa ang mata ko sa mga nakikita ko sa paligid. "Wow!" Bulalas ko habang nililibot ang paningin sa nanglalakihang gusali sa harap ko. Grabe! Dito ba ako nag-aaral?! For real? Omg! Ito yun eh! Ito yung pangarap ko! "What's happening to you Ikay?! You look weird!" Inis na sabi ni Aiza at hinila na ako papasok sa loob ng campus. Habang hila-hila niya ako ay hindi ko parin maiwasang hindi mamangha sa paligid at bawat gusaling nalalagpasan namin ay binabalikan ko ng titig. Mangha ko ring tinititigan ang mga estudyanteng nakakasalubong namin, ang gaganda nilang tignan sa mga uniporme nila, para silang mga anime na napapanood ko sa mga palabas. H-Hindi ako makapaniwalang nakapasok ako sa ganitong klase ng paaralan. Pero ang nakakapagtaka ay kapag dumadaan kami ni Aiza ay tumatabi 'yung mga estudyanteng nakakasalubong namin tapos tinitignan kami hanggang sa makaalis. Mayroon pang iba na ngumingiti sa akin at kumakaway kaya sinusuklian ko rin ng ngiti at kaway. Ang babait nila hehe. Huminto kami ni Aiza sa isang classroom at agad niya akong hinila paupo sa pinakadulong bahagi ng classroom. Hindi na yata pa maubos ang pagkamangha ko sa lugar na ito. Grabeh, hindi talaga ako makapaniwala. Classroom na nila ito pero roon sa paaralan namin hindi pa yata nakakangalahati sa ganda nito yung principal's office. Agad akong hinarap ni Aiza nang may masasamang tingin. Taka ko siyang tinignan dahil sa itsura niya. "Ikay. May sakit ka ba huh?" Biglang tanong niya sa akin nang may naghuhuling mga tingin. Agad ko namang hinawakan ang leeg at noo ko para tignan kung mainit ba ako. "Wala naman bakit?" Nagtataka kong tanong sa kaniya ngunit ayaw niyang tanggalin ang titig sa akin. Ano bang problema ng babaeng ito? "Look. You're so weird today. Ano bang kinain mo ha?" tanong na naman niya. "A-anong weird?" Tanong ko. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Ako, weird? Eh yung mga nangyayari nga sa akin ngayon ang weird eh. Hindi lang weird. Sobrang weird! "Weird is an unatural, strange or bizarre act of a person." Ay waw, walking dictionary ang peg? "Kanina pa talaga kita napapansin. For the first time in forever. Nginitian mo ang mga estudyante kanina. Hindi ba yun weird ha?" sabi niya at napairap pa. "Anong weird dun?" Tanong ko pang muli sa kaniya. Aishh! Hindi ko sya maintindihan. Ang gulo ng babaeng 'to. Ako dapat ang nagtatanong sa kaniya eh! "Tsk! Ewan ko sayo!" Inis niyang sabi at umayos ng upo saka tumingin sa harap. Ewan ko rin sayo. Psh! Maya-maya ay pumasok yung professor. Nag discuss siya ng nag discuss pero wala akong naintindihan ni isa. Nalilito parin ako. Hindi ako makasabay sa topic nila. Hayy.. 'Ikay listen.. Kailangan mo munang mag go with the flow sa mga pangyayari. Ito ang pangarap mo diba? Kaya grab the oppurtunity. Isipin mo ito talaga ang buhay mo. Kalimutan mo muna ang buhay mong pangit dahil ito na ang buhay mo ngayon. Naiintindihan mo Ikay?' Pagkakausap ko pa sa sarili ko para kumalma. Bumuntong hininga ako at itinuon na ang atensyon sa prof na kung magturo ay parang mas tinatamad pa sa akin. Nakakaantok tuloy. Pagkatapos ng klase ay sabay kaming lumabas ng classroom ni Aiza. Nagulat ako nang biglang may lumapit sa amin na lalaki. R-Reyden? Agad akong natigilan at napatitig sa lalaking nasa harap ko. "Babe!" Sigaw ni Aiza sabay yakap kay Reyden nang makalapit ito. What the! Babe?! A-anong ibig sabihin nito? "Hi Babe!" Bati nito nang makalapit at humalik sa noo ni Aiza. "Hi Franchesca!" bati nito sa akin nang dumako ang tingin sa gawi ko. Hindi ako nakapagsalita. A-Ano itong nakikita ko? H-Huwag nilang sabihin na sila na?! "Okay lang ba na sumabay muna ako sa inyo?" Tanong ni Reyden at lumingon na naman sa akin. Napatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo niya pala talaga sa malapitan. Ang kinis ng mukha, ang tangos ng ilong, nakakaakit ang tingin at ang kissable ng lips! "Franchesca?" Tawag niya ulit at doon lang ako muling natauhan. "H-Ha? Ah a-anong sabi mo?" nauutal kong tanong at kumunot naman ang noo niya sa akin. Ghae Ikay, kakasabi lang na sumabay ka muna eh. "Hay, naku. Kanina pa talaga yan si Ikay. Don't mind her. Let's go." inis na sabi ni Aiza at inirapan ako. Ano bang problema ng babaeng ito at kanina pa ako iniirapan? Nauna silang maglakad ni Reyde. At magka-holding hands pa talaga ang mga walang hiya. Pero paanong nangyaring naging sila? P-Parang ang imposible naman, at the same time nakakainggit ng slight Si Aiza kasi ay super dupper crush iyang si Reyden since kinder. Magkatapat lang ang school namin at school nina Reyden. Private school sila kami public. Lagi niya akong dinadamay sa kalokohan niya , mapansin lang ni Reyden. At kahit kailan, hindi pa nagkakausap ni nagkakatabi man ang dalawang yan. Never din iyang nagkasalubong, never ding naging friends sa sss. Halos labin-limang taon nang nabubulok yunh friend request ni Aiza sa account ni Reyden tapos ngayon malalaman kong sila na?! Anak ng tokneneng talaga! Nakanguso akong naglakad pasunod sa kanila. Nakakainggit kasi talaga. Ngunit ganoon nalang ang panlalaki bigla ang mata ko nang may maalala. Wait, Kung si Aiza nakatuluyan ang crush niyang si Reyden... Posible kayang-- Waaaaa! Si Nixon my labs nandito rin? Hindi ko maiwasang hindj makaramdam ng sobrang kaba sa mga naisip. Nae-excite ako at the same time natataranta. Dito na ba magsisimula ang totoong love story ko? Si Nixon na ba ang lalaking iyon? Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog na idinulot nito sa puso ko. Parang gusto kong maiyak bigla sa tuwa. Gusto kong sumigaw at ilabas ang tuwang nararamdaman. Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Dali-daling sumunod ako kina Aiza na medyo nakakalayo na sa akin. Muli na naman akong namangha nang mapasok ang canteen. Ang laki ng canteen nila dito, ang ganda pa at ang daming pagkain na nakahilera. Gaano kaya talaga kalaki ang school na ito no? Umupo kami sa may dulong table at tulad kanina ay panay ang tingin sa amin ng mga estudyante. Bakit nga kaya? Hindi ko lang pinagtutuunan ng pansin kanina kasi akala ko normal lang iyon na ngayon lang sila nakakita ng panget-- wait, maganda na pala ako ano? So tinitignan nila ako kasi nagagandahan sila sa akin? Hindi kaya kami ni Aiza ang campus cuties? Campus hotties? Campus princess? Campus royalties? Waaaa! Omg! "Ako na ang oorder." Prisenta bigla ni Reyden kaya dumako ang tingin ko sa kaniya. Ang gwapo talaga. Tumango si Aiza at inis akong tinapunan ng tingin. Ano ba talagang problema niya?! Nang umalis si Reyden ay agad kong kinausap si Aiza na parang atat na atat. "Hoi! Paano naging kayo ni Reyden?" Tanong ko with matching taas baba pa ng kilay. Curious ako kung anong kalokohan ang ginawa niya oara makuha si Reyden. Omg! Hindi kaya kinulam niya? Binarang? Ginayuman? Grabe talaga ang babaeng ito. Kakasabi ko lang sa kaniya dati na masama ang ganoon-- "Seriously Ikay? Ano ba talagang nakain mo?" Tanong niya. Kanina tinatanong niya kung may sakit ako, ngayon tinatanong na naman kung ano ang kinain ko. Tapos ako ang aakusahan na weird? "Tsaka! Why did you not comb your hair. Ang gulong tignan." Inis niyang sabi habang nakatingin sa buhok ko na halos magliparan pa na gulo. "Nagmamadali ako kanina eh. " sabi ko sa kaniya at napairap na naman siya. Hindi ko na nga lang kukulitin yung lovestory nila. Mukhang walang planong magkwento eh! Damot talaga! Nilibot ko muli ang paningin ko sa buong canteen. Nasaan kaya si Nixon? Yiee~ Excited na akong makita siya. Boyfriend ko rin kaya siya? O baka asawa na? Omg! Hindi ako mapakali! "Uhmm.. Babe." Nagulat ako nang mapansing nandito na pala si Reyden sa table namin. Nanlaki bigla ang mata ko nang makita kung sino ang kasama niya. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang sandaling iyon. Dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Agad na nanlamig ang mga kamay at paa ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko! Nixon... "Meet my friend, Nixon Cyrus Nervaza." Sabi ni Reyden sabay pakilala sa lalaking katabi niya. "Hi Nixon, please have a sit." Nakangiting sabi ni Aiza. Ako naman ay napayuko nalang. Kung kanina ay ang lakas ng apog kong magmadali na makita siya. Parag kinain ako bigla ng hiya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Bigla akong pinagpawisan ng malaming. First time kong makita siya ng malapitan. Katulad ni Reyden, masyadong makinis ang kutis niya, ang ilong niya grabeh ang tangos, ang mga pilik mata, tapos ang labi pa niya.. Ngunit kakaiba siya. Ang lamig niya kung tumitig. Agad akong nanigas sa kinauupuan ko nang maupo siya sa tabi ko. Halos magkabuhol-buhol ang sikmura ko sa sitwasyong iyon. Dumagdag pa ito sa tarantang nararamdaman ko. T-Totoo ba talaga ito? Parang gusto kong kumanta bigla ng For The First Time in Forever. Di mo alam yun noh? Di ka kasi nanonood ng Elsa and the twelve dwarfs. Pero seryoso, sa sibrang lapit niya, nalalanghap ko ang napakabangong pabango niya. Yung klase ng pabango na maaadik ka kakasinghot. Itsura nga niya nakakaadik na. Nagsimula na silang kumain habang ako ay nakatitig parin sa itsura niya na nasa tabi ko. Hindi niya ako nililingon. Wala yata siyang balak na gawin iyon. Akala ko pa naman jowa ko rin siya sa mundong ito. Hindi naman pala psh! Napanguso nalang ako at dahil sa sama ng loob ay walang hiya hiya na akong lumamon. Lahat ng makita ko sa mesa ay kinakain ko. Wala akong pake sa kanila, basta naiinggit ako. Kinakain ako ng matinding inggit. Habang lumalamon ay naalala ko bigla yung libro. Natigilan ako sa paglamon at wala sa sariling naibaba ang kutsara. Nasa libro rin kaya ang pagdating na ito ni Nixon? Eh itong mga iniisip ko? Nakasulat rin kaya sa libro? Kung ganoon dahil sa libro maaari kong malaman ang mga susunod na mangyayari sa akin sa mundong ito? Omg! Titingnan ko mamaya. Gusto kong malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Kailangan ko malaman kung paano magsisimula ang lovestory namin ni Nixon. Kailangan kong malaman kung malaman kung paano niya magugustuhan tapos tatalon ako sa pinakahuling pahina at aalamin ko kung ilang anak ang mabubuo namin. Tama! Tama! Ang galing ko talaga hihihi. Para akong timang na napangiti bigla sa naisip. "I have to go." Napalingon kaming lahat nang magsalita si Nixon bigla. "Bakit?" Tanong ko habang nakanguso at sa unang pagkakataon ay nagtama ang mga tingin namin. Ayon na naman ang kakaibang pakiramdam na bumalot sa buong sistema ko. Hindi ko maipaliwag.. "Oo nga bakit?" Tanong ni Aiza at nakahinga naman ako nang maluwang nang inilapat na niya ang tingin niya mula sa akin. Kumalma bigla ang nag-aalburoto kong sikmura. "I have something to sign in Dean's office. My papers are not yet settled." sabi niya at napanganga nalang ako. Eh, yung kasal muna natin kaya ang isettle mo? Charrot. "Sige. Susunod nalang ako sa'yo dun pagkatapos namin dito." Sabi ni Reyden at tinanguan lang s'ya ni Nixon bago naglakad paalis. Nakita ko pa ang mga walang hiyang babae sa tabi tabi na pinagmamasdan si Nixon. Sabunutan ko sila isa-isa eh. Akin yun! Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin agad si Reyden para sundan si Nixon. Gustuhin ko mang sumama pero ayokong magpa easy to get. "2pm pa next class natin. Saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Aiza. 'Gusto ko ring pumunta ng Deans office.' sabi ko sa sarili ko habang nakanguso. "Kahit saan." Nakasimangot kong sabi kay Aiza. "Bakit mukhang nawala ka bigla sa mood mo? Tsk! Ang weird mo talaga ngayon." Sabi niya at napapaing pa akong tinignan. "Dun nalang tayo oh." Sabi ko at itinuro ang mga benches na nakahilera sa soccer field. "Sige mauna ka na, cr muna ako sandali." sabi niya sa akin. Niyayaya ako kung saan-saan tapos iiwan lang pala ako. Katulad ni Nixon.. Pinakilig lang ako sandali tas ayun naglaho na. Dapat pala talaga sumama na ako kay Reyden eh! Nagtungo naman agad ako sa soccer field upang makapagpahinga man lang kahit sandali. Sa damu ng tanong ko, pakoramdam ko full storage na ang utak ko. Inis ako akong sumalampak ng upo sa bench na nakita ko at dali-daling inilabas ang libro sa bag. Kailangan kong malaman ang susunod na mangyayari. Hmm.. Saan nga ba ako nun nahinto? Na flat ang kotse-- check. Nakita ko si Aiza-- check. Mag on si Aiza at Reyden--check. Dumating si Nixon-- check. Transferee pala si Nixon. Kaya pala pinakilala siya samin kanina ni Reyden. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa dahil feeling ko matatagalan pa naman si Aiza. Feeling ko kasi tumae yun. Di pa binanggit eh halata naman dahil amoy na amoy ko ang utot niya kanina. Magkaharap lang kaya kami sa table. Ay eto! Ito na yung part na ito. ¦ Habang nakaupo sa isang bench at hinihintay ang pagbalik ni Aiza ay nagbasa-basa muna ako sandali ng libro. Tumae siguro ang babaeng iyon. Psh. Ang tagal ah? Nasa kalagitnaan na ako ng aking binabasa nang biglang maramdaman kong may malakas na tumama sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay. ¦ Eh? Di ko gets ang part na ito. Anong tumama sa ulo? Tumingala ako upang tignan ang puno ng kahoy na sinisilungan ko ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Ano ba kasing--- Hindi ko na natapos pa ang iniisip ko nang maramdaman kong may malakas na bolang tumama sa ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD