Chapter 3

2821 Words
"Maam? Gising na po. May pasok pa po kayo." Kumunot ang noo ko nang may narinig na hindi pamilyar na boses mula sa labas ng kwarto ko. S-sino yun? Taka kong tanong sa sarili kahit antok na antok pa. Tinakpan ko naman ang ulo ko ng unan at muling natulog. "Maam, hindi po ba kayo papasok sa school?" muli na naman akong nakarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto. Aish! Sino ba kasi yun?! Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga sa kama nang mapagtanto ang mga nangyayari. "S-sino ka?" utal ang boses na tanong ko habang nakatitig sa pinto. Agad na gumapang ang kaba sa buo kong katawan. "M-magnanakaw ka noh?" Kinakabahang dagdag ko. "P-po?" tanong nito kaya napahawak ako nang mahigpit sa unan ko. Muling kumunot ang noo at napatitig sa unan na hawak ko. Nanlaki ang mata ko at dali-daling inilibot ang paningin sa kwarto. Lah! N-na-nasaan ako?! Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kama habang patuloy parin na inililibot ang paningin sa loob ng silid. Mabilis akong dumungaw sa binata at may nakita akong gwardiya na nagbabantay sa gate. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" Sigaw ko sa may bintana. Inaagaw ang mga atensyon ng mga taong napapadaan sa may kalsada ngunit hindi yata nila ako naririnig. Nataranta muli ako nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto ko. A-Anong gagawin ko? Halos magpaikot-ikot na ako sa dahil sa tarantang naramdaman. Mas lalo naman itong tumindi nang marinig ko ang kaluskos ng door knob. Waaaa jusko! Ano ba kasing nangyari? Kinidnap ba ako habang tulog? Pero bakit naman ako kikidnapin? Wala naman akong pera, tapos pangit pa! Anong mapapakinabangan nila sa aki--- shocks! Hindi kaya ibebenta nila ang mga lamang loob ko? Noooo! Mabilis akong pumatong sa bintana nang tuluyan nang bumukas ang pinto. Kita ko naman ang gulat sa mukha ng babaeng naka uniporme ng pink. "Hala Ma'am! Anong ginagawa mo riyan?!" sigaw no'ng babae. "Huwag mo akong lalapitan!" sigaw ko habang nakahawak ng mahigpit ang magkabilang kamay sa bintana. "tatalon ako dito!" sigaw ko. Nanginig ang mga tuhod ko at napalunok nang makita kung gaano kataas ang palapag. "Ma'am ano ba kasing nangyayari sa inyo?" halata sa mukha niya ang pag-aalala na ipinagtaka ko naman. "Hala ma'am--" bigla ay tinakpan niya ang bibig niya na animo'y gulat na gulat. "Jusko… Napalakas nga yata 'yong sampal ko kagabi." mahinang bulong niya habang kagat pa ang kuko. 'Sampalin mo ako.' Nanlaki ang mata ko nang sunod-sunod na pumasok sa isip ko ang mga nangyari. Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong silid at dito ko lang napamilyaran ang lahat. K-Kung ganoon, h-hindi nga panaginip ang nangyari kagabi? T-totoong nakatira nga ako sa bahay na ito? Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko habang nakatitig sa katulong na nasa harap ko. Alalang-alala parin ang mukha niya na animo'y nag-iisip ng gagawin. Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumuhod at dumapa sa sahig. "Waaa! Sorry po Ma'am. Sorry po talaga! Hindi ko naman sinasadya na napalakas 'yon eh.." halos maiyak na siya. Gumapang siya palapit sa akin at niyapos ang mga paa ko dahilan upang muntik pa akong mahulog sa bintana. "Ano ba!" inis na singhal ko at mabilis naman siyang napabitaw. Agad akong bumaba mula sa pagkakapatong sa bintana at dali-daling kinuha ang nakapatong na frame sa table na nasa gilid ng kama. Natigilan ako at muling napatitig sa litrato. B-Bakit wala akong mga peklat sa litratong ito? B-Bakit ang kinis ng kutis ko rito. B-Bakit ang ganda ko?! Muli kong nilingon ang katulong na hanggang ngayon ay nakaupo parin sa sahig. Napaatras siya nang tumama ang titig ko sa kaniya. "Ma'am sorry talaga. Pakiusap, huwag n'yo po akong tanggalin sa trabaho, maawa po kayo sa'kin." Naglakad ako papalapit sa kaniya at napaatras na naman siya. Pinag-krus niya pa ang mga daliri niya na para ba akong demonyong gustong sumapi sa kaniya. Nang makalapit ay umupo ako sa harap niya." Ilang peklat ang nakikita mo.?" tanong ko sa kaniya at natigilan naman siya. Tumitig siya sa mukha ko at mabilis na napailing. Sa pagkakaalala ko kasi nung hiuli ko itong binilang, nasa mga 54. "Eh, Ma'am wala naman kayong peklat eh." sabi niya sa akin dahilan upang mas lalo akong kinabahan. "Kahit kalmot ng pusa, kagat ng daga, kagat ng langgam, wala?" tanong ko sa kaniya at mabilis naman siyang tumango. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo at dali-daling pinasok sa isang maliit na pintuan. Dali-dali akong natungo papunta sa salamin at muling natigilan. Oh my! A-Anong nangyayari sa mukha ko. W-Wala na nga ang mga peklat ko. W-Wala na ang kalmot ko. M-Makinis na ang kutis ko. Marahan kong hinaplos ang mukha ko at paulit-ulit na kumurap. T-Totoo ba itong nakikita ko? "A-Ang ganda-ganda ko.. " wala sa sariling usal ko. "Sobrang ganda ko!" bulalas ko pa habang hawak na ang magkabilang pisngi. Inilapit ko pa ang mukha ko sa salamin upang masigurong tama nga ang nakikita ko. Totoo nga! Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko nang sandaling iyon. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ere at nakahiga sa ulap dahil sa magkahalong saya at sarap na bumabalot sa buong katawan ko. Agad akong napalingon sa pintuan nang marinig muli ang sunod-sunod na katok. "Ma'am.. Papasok pa ba kayo? O baka gusto ninyong magpa check up muna?" dinig kong tanong ng katulong. B-Bakit ako magpapacheck up? "Pasensya na po talaga Ma'am. Di ko naman alam na maaalog ang utak ninyo dun sa ginawa ko. H-Hindi ko rin kasi alam na may ilalala pa 'yang saltik sa utak na meron kayo." mabilis na umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha. Mabilis akong nagtungo sa may pintuan at nang buksan ko ang pinto ay sinamaan ko ng tingin yung katulong." Umalis ka na.. " seryosong sabi ko. "Waaaa! Ma' am naman huhuhu! Hindi po ako pwedeng mawalan ng trabaho, may mga biik po akong binubuhay--" "Bumaba ka na at maliligo na ako." seryoso paring sabi ko at naiilang naman siyang napangiti with matching kamot pa sa batok. "Ay hehe, sabi ko nga po." sabi niya. "B-Bababa na po ako." dagdag pa niya at hinintay ko namang tuluyan siyang makalabas bago ko isinara ang pinto ng banyo. Mabilis akong humarap ulit sa salamin at napatalon-talon sa saya ng nararamdaman. Ghad! Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang bagay na ito ngayon. Nakangiti akong tumalikod at inilibot ang paningin sa loob ng banyo. Muli na naman akong namangha nang makita ang iba't ibang klase ng shampoo at sabon na halatang mamahalin. Sobrang bango ng mga ito at halatang sa ibang bansa pa binili dahil hindi ko maintindihan ang mga nakasulat. Inaamoy ko pa ang isang sabon nang dumako ang tingin ko sa isang maliit na glass cubicle. Mabilis ko itong binitawan at patakbong binuksan ang kulay violet na kurtinang nakatakip rito at agad na bumungad sa akin ang malaking bathtub. May mga kulay pulang rosas pa na nagkalat sa ibabaw ng tubig nito. Sa gilid naman ng buthtub ay mga pulang kandila na nakapaloob sa isang maliit rin na glass. Hindi ko maiwasang mapanganga habang pinagmamasdan ang kabuuan ng banyo. Mas malaki pa ito sa kubo namin. Banyo lang ito pero pwede nang pagkasyahin ang limampung katao. Ilang minuto pa akong nagpaikot-ikot sa loob ng banyo hanggang sa may kumatok na naman sa akin mula sa labas ng banyo kaya inis ko itong nilingon. "Maam pasensya na po pero kailangan niyo na talagang magmadali. Late na kayo. Yung kuya niyo nauna nang umalis." Eh ano naman kung nauna ang pangit na 'yon-- teka nauna?! Nanlaki ang mata ko at mabilis na lumabas ng banyo. "Magbibihis na ako." sabi ko sa katulong at alam kong nagtataka siya dahil akala niya naliligo ako sa loob kaya napatagal. Tumango naman siya at agaran ring lumabas ng kwarto. Bwisit talaga ang pangit na iyon. Wala man lang pinagbago. Grr! Naisipan kong huwag nalang maligo tutal sa ganda kong ito hindi na siguro nila mahahalatang hindi ako naligo. Next time ko nalang susulitin ang pagligo sa napakaganda kong banyo. Agad akong lumabas ng banyo at lumapit sa isang malaking cabinet. Nakanganga parin akong nilapitan ito. Halos lahat ng gamit na nakikita ko ay napapanganga ako. Ang taray nito may pa closet-closet pang nalalaman. Sa real world nga sa mga kahon ko lang nilalagay ang mga gamit ko kaya minsan 'di na ako nagtataka pag may kagat ng mga daga ang damit ko. Dali-dali kong binuksan ang cabinet at tumambad sa akin ang mga mamahalin at nag gagandahang damit. Grabeh na talaga...feeling ko hindi ako masasanay sa ganito. Kung araw-araw ba namang ganito ang bubungad sa akin. Araw-araw rin siguro akong ignorante. Napailing nalang ako at ngingiti-ngiting tinignan ang mga damit na nakahilera at nakaayos depende sa kulay. Nakita ko naman agad ang isang napakagandang uniporme na nakalagay sa loob ng isang glass cabinet. 'Yong uniporme na mala Maxwell's ang dating,'yong suot nina Marga at Cassie sa Kadenang Ginto. Hindi mo 'yon alam no? Kapuso ka kasi. Tuwang-tuwa naman ako kasi feeling ko bagay na bagay sa itsura ko ang unipormeng ito. Maganda ako tas maganda pa ang uniporme. Oh diba! Mainggit kayo. Charret. Dali-dali ko iyong sinuot at lumabas na ng kwarto. Nang makababa ay agad akong dumerecho ng kusina. Ang laki-laking bahay naman nito. Kung hindi lang siguro ako magaling mag memorize feeling ko maliligaw ako eh. Hindi tulad sa totoong bahay namin na paglabas mo ng kwarto kusina na agad. Minsan pa nga sa kusina na ako natutulog para paggising kain agad. Tas si kuya naman sa may banyo para paggising niya ligo rin siya agad. Ganyan talaga kami ka organize sa bahay. Pagkarating ko ng kusina ay agad akong naupo sa hapagkainan nang makitang may mga nakahain na rito. Takam na takam naman ako at napapalunok pa habang kaharap ang mga pagkain. Napagkiskis ko ang dalawang palad ko nang mapansin na bago sa paningin ko angbiilang nakalatag rito. Agad akong inasikaso ng mga maids, mula sa sa paglalapag ng plato at kutsara hanggang sa pagsandok ng kanin at ulam. Ngumanga pa ako kasi akala ko susubuan din nila ako, psh! Paasa. Tinimplahan nila ako ng gatas at hinandaan ng mga hiniwang prutas sa isang maliit na tray. "Sina Nanang at Tatang? Nasaan sila?" Tanong ko habang isa-isang tinutusok ng tinidor ang mga pagkain. "Umalis po ng maaga, Ma'am, pumuntang Hongkong dahil may problema raw po sa kompanya ninyo roon." Sabi nung maid na halos ikaluwa na ng mata ko sa gulat. Teka... Tama ba itong naririnig ko? "Hongkong?!" sigaw ko habang nanlalaki pa ang mga mata. "Opo maam." "T-teka nga, a-anong kompanya? May kompanya kami? I mean, amin talaga? Tsaka seryoso kayo, Hongkong? Yung may disneyland?" sunod-sunod na tanong ko. Napakamot naman ng ulo yung maid at yung iba ay nagbulungan pa. Pero-- Anak ng! Pumunta sila ng Hongkong ng hindi man lang ako sinasama? Eh wala ngang passport ang dalawang yun tas may pa hongkong-hongkong pang nalalaman? How come?! "Kailan sila uuwi?" Tanong ko habang nakanguso. Ang daya nila ah. Dati ko pa kaya gustong-gusto makita si Mickey tsaka yung ibang disney characters. "Wala pong sinabi maam eh." sabi niya at tumahimik nalang ako. Pero sa loob-loob ko ay gusto kong magwala sa narinig ko. Gusto kong magprotesta at magreklamo. Nakakainis talaga! Ba't hindi nila kami isinama ni Kuya? Binilisan ko nalang ang pagkain ko dahil dada nang dada yung maid na late na raw ako sa school. Pagkatapos kumain ay ibinigay naman agad ni Maid sa akin ang bag ko. Hindi ko parin maiwasang hindi mamangha kasi simula kinder ako hanggang sa nag high school iisang bag lang ang gamit ko. Sira-sira na nga pero nagagamit ko pa naman. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng bagong gamit. "Ito na po ang susi ng kotse ninyo maam." Halos malaglag ang mata ko sa gulat nang may iabot itong susi sa akin. K-kotse ko?! 'Yong nakita ko kagabi? Totoo, akin talaga 'yon? P-pero hindi naman ako marunong magmaneho! Di pa nga ako nakakasakay ng kotse eh amp. "W-wala bang d-driver?" Tanong ko at napakamot pa sa noo. "Nasa garahe po si Manong Richard. Nililinis ang ibang sasakyan." Sabi niya. "Magpapahatid nalang ako. Baka kasi magasgasan yung kotse ko. Mamahalin pa naman yun." Sabi ko sa kaniya at napapailing pa pero ang totoo ay gusto ko lang magpalusot. Napakamot na muli sa ulo yung maid. Seryos, may kuto ba ang babaeng ito? Kanina pa ito kamot ng kamot ah? Tas nasa harap pa ng hapag. Grr! "Sige po maam. Sasabihin ko kay Manong Richard." Sabi niya at umalis sa harap ko na mukhang napipilitan pa. Habang naghihintay kay Manong Richard ay tiningnan ko muna ang laman ng mamahalin kong bag. Baka kasi may ginto dito na pwede kong maisanla. Para pag nakabalik man ako ng real world may pera akong dala kahit papaano. Kasi sabi nga nila diba?walang kasiyahan na nagtatagal habang buhay. Malay ko diba? Isang kurap lang, balik realidad na ako. Nanlaki bigla ang mata ko matapos makita ang isang iphone20x+2y. Woah! Ang ganda! Hindi ko maitago ang tuwa sa mukha ko nang makita ang panibago kong cellphone. Naalala ko tuloy bigla yung keypad ko. Medyo sira na yun eh. Six years na 'yun sa akin. Nilagyan ko na nga lang ng scatch tape yung battery para hindi mahulog. Tas yung keypad niya pa sira na yung number 3, hindi ko na mapindot. Yung space naman nasa kritikal na kondisyon na rin kaya hindi ko na masyadong ginagamit sa tuwing nagta-type ako. Maingat kong ibinalik sa loob ng bag yung cellphone at baka maihulog ko pa nang may makapa akong matigas na bagay sa loob ng bag-- Ano ito? Sinilip ko ang bag ko at nagulat nang makita yung libro ni White Lady. Hala! "Bakit to nandito?" Sabi ko sa sarili ko. Maingat ko itong inilabas sa bag. Binuksan ko ang laman ng libro para masigurado kung ito ba talaga yung binigay ni White lady. Bakit kaya nandito ito? Sino ang naglagay? Si maid kaya? Alam kaya ni maid na hindi talaga ako taga rito? Alam kaya nila ang totoo? Gusto kong makita ulit si white lady at itanong ang mga nangyayaring ito. Alam kong siya lang ang tanging makakasagot ng lahat. Alam kong siya ang may kagagawan ng nga nangyayari ngayon. Kung bakit ako nandito.. I mean kung paano akong nakapasok sa mundong ito. Ang dami kong gustong itanong. "Fictional World Chapter 2." pagbabasa ko sa pahina na nabuklat ko. Teka? Ba't chapter 2 agad? Nasaan na yung binasa kong chapter 1? Bakit nawawala? Bakit blanko na? Hala, nabura ko kaya? Itinuon ko ang pansin ko sa pahinang iyon at sinimulang basahin. ¦ Papunta ako ng school ngunit biglang na flat ang gulong ng sinasakyan ko-- ¦ Muntik ko nang maitapon sa ere ang libro nang biglang bumusina nang sunod-sunod si Manong Richardsa harap ko. Inis ko siyang tinignan at agad naman siyang humingi ng paumanhin sa akin. Dali-dali kong nilagay ulit sa bag ko ang libro at sumakay sa back seat na pinagbuksan ni Manong Richard para sa akin. Habang nasa likod ng kotse ay hindi ako mapakali. Gusto kong buklatin na naman yung libro at ipagpatuloy ang pagbabasa. Baka mamaya pag buklat ko na naman ay biglang chapter 3 na. Pero nakakatakot din ah? Ano nga kaya ang purpose ng librong iyon? Parang masama ang kutob ko. Ang creepy ng mga pinag-iisip ko gosh! Totoo nga kayang may magic? Kasi kung hindi, edi wala sana ako rito ngayon. Tsaka sabi nung teacher ko dati, hindi totoo ang magic, walang magic. Katulad daw ng forever, walang forever. Kunsabagay matandang dalaga na iyon kaya bitter na bitter. Habang nag iisip ng mga bagay na posibleng makasagot sa mga nangyayari sa akin ay nagulat ako nang biglang ihinto ni Manong Richard ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bumaba siya ng sasakyan at parang may tiningnan sa mga gulong. Maya-maya ay dumungaw siya sa bintana ko na mas ikinagulat ko. "Jusko naman manong Richard. Akala ko may aswang!" inis kong sabi at tumawa naman siya. "Naku! Paumanhin po maam. Na flat yung gulong eh." Sabi niya at agad namang kumunot ang noo ko. F-flat? T-Teka-- Dali-dali kong ilibas ang. Libro sa bag ko at binuklat yung libro sa pahina na binasa ko kanina, ngunit nawala na bigla yung binasa ko. Iba na ang nakasulat sa chapter 3. ¦ Bumaba ako ng kotse upang magtaxi nalang papuntang school, but thank God, nakita ko si Aiza. She's driving her own Ferrari Car. ¦ A-Aiza? Teka? Bakit nandito sa libro si Aiza?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD