Chapter 2

3168 Words
Agad akong nagmulat nang mata at tinanaw ang truck na nakalayo na sa akin. S-Sino 'yong humila sa akin? Napalunok ako ng sunod-sunod at dahan-dahang iginalaw ang ulo palingon sa likod ko. "Hindi ka pa pwedeng mamatay. " Agad akong napasigaw at napaatras nang makita ang isang babaeng mataba na nakaputi at may mahabang buhok sa likod ko. Hingal na hingal ito na parang hinabol ng asong ulol. "H-Huwag kang lumapit sa akin!" sigaw ko nang subukan niyang humakbang palapit. Huminto naman siya nang may nagtatakang tingin sa akin. Shocks! May multo rin palang nagpapakita sa umaga? Halos isaksak ko na sa bibig ko ang kamao ko dahil sa magkahalong kaba at takot na nararamdaman. "Sabing huwag kang lalapit!" sigaw ko nang magtangka na naman siyang humakbang. Jusko! Parang siya 'yong multo sa the grudge na napanood kaso mataba lang siya. Hindi ba uso sa kanila ang diet? "Fine, 'di kailangang sumigaw." inis niyang sabi at hunalukipkip pa. Hindi ko makita ang itsura niya dahil natatabunan ito ng kaniyang mahahabang buhok. Pero infairness ah, rebounded 'yong buhok."Bakit mo ko niligtas?" inis kong tanong sa kaniya at napalingon naman siya sa akin. "I told you, hindi ka pa pwedeng mamatay." maarteng sabi nito at lumunot naman ang noo ko. "Baket? Tsaka ano bang pakialam mo? Sino ka ba?" nagsimula na akong nakaramdam ng galit. Sayang 'yong effort ng pagkakamatay ko tapos hindi lang matutuloy? Bwisit na pakialamerang white lady 'to. "Ako si Diwata Ching." sabi niya at napangiwi naman ako. "Wait-- May ipapakita ako sa iyo." sabi niya at kumunot naman ang noo ko nang may kunin siya sa habagat niya na backpack. Char, may pa-promote? Nang makuha na niya ang gusto niyang ipakita ay agad niyang inabot sa akin ang isang libro. Isang lumang libro na parang nadaanan pa noong mga panahon ni Rizal dahil sa luma at maalikabok na itsura. "At anong gagawin ko rito?" taas kilay na tanong ko sa white lady na nasa harap ko. Agad naman akong kinalibutan nang tumawa siya. Jusko! Tama ba itong nakikipag-usap ako sa mga multo? Sa pagkakatanda ko naman ay wala naman kaming lahing espiritista. Ewan ko lang kung totoo ba 'yong sinabi ni Kuya na napulot lang daw ako sa basurahan noong bata pa. Psh! Lagi nalang akong tinutukso ng bwisit na iyon. "'Yan ang pangarap mo." sabi bigla nung white lady kaya muli akong napatitig sa kaniya kahit hindi ko makita ang mukha niya. "Teka lang ha?" sabi ko at inangat sa harap niya ang libro. "Wala akong maalala na nangarap ako ng lumang libro. Mahilig ako sa libro, pero 'yong ganito? Anong babasahin ko rito? Alamat ng multong mataba, ganoon?" nakangiwi kong sabi. "Hoy, ang savage mo ah!" inis niyang sabi sa akin at dinakmaan pa ako ng suntok pero hinarang ko 'yong libro. "Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil tinutulungan kita." sabi niya bigla kaya napailing ako. "White lady-- este Diwatang Baboy-- Diwata Ching, alam mo, hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Hindi rin kita maintindihan. Pero--" "Ikay, maniwala ka. Makakatulong 'yan sa iyo." hinawakan niya ang magkabilang kamay ko kung saan hawak ko ang libro. Sunod-sunod akong napalunok nang maramdaman kung gaano kalamig ang kamay niya. "Nandyan sa librong iyan ang lahat ng pangarap mo." Hindi ko maintindihan pero agad akong binalot ng matinding kaba. Napako ang titig ko sa libro at sa maputlang kamay nung white lady. Nang tanggalin niya ang kamay niya sa akin ay dahan-dahan kong binuklat ang libro. Bumungad sa akin ang unang pahina na halos mapunit na at nagkulay dilaw dahil sa nalipasan ng panahon. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang pamagat ng libro. "My Fictional Story?" napangiwi ako dahil parang ang pangit naman. Pamagat palang hindi na nakakaagaw pansin. Psh! "Sino bang nagsulat nito---" agad kong nakagat ang kamao ko nang mapansing wala na 'yong white lady sa tabi ko. Shocks Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit hindi ko siya makita. Wala akong ibang makita liban sa mga naglalakihang kahoy sa paligid ko. Pakiramdam ko ay nanlamig at nanigas ang buo kong katawan sa kabang naramdaman. Hindi ako makapaniwalang nakikipag-usap ako sa multo. Gosh! Oras na kaya para mag sideline akong ispiritista? Baka ikakayaman ko na ang trabahong iyon. Marami akong kilalang ispiritista na ngayon ay milyonarya na. Owemji, maipapakita ko na rin sa Mario na iyon na ang babaeng sinayang niya, milyonarya na. BWAHAHA! Para akong timang na napangisi sa naisip. Muli akong napatitig sa libro at napangiti. Sa ngayon ay ipagpapahinga ko muna ang isip ko. Kailangan kong mag move-on saglit. Bitbit 'yong linro ay agad akong umupo sa ilalim ng acasia. "Hmm.. Ma-try ngang basahin ito." sabi ko at muli itong binuklat sa ikalawang pahina. Muli akong napangiwi dahil bukod sa pangit ang oamagat ng lubro ay pangit rin ang pangalan ng may akda ng kwento. "MswRIGHTer?" taray lang ah? Halatang pinag-isipan ng matagal 'yong pangalan. Inilipat ko sa ikatlong pahina ang libro para simulan ang pagbabasa. Chapter 1: Fictional World Ikay's POV Agad na nanlaki ang mata ko sa nabasa kong nakasulat sa libro. What the ef! I-Ikay? Kapangalan ko ang bida sa kwento? N-Nagkataon lang naman ito d-diba? Hindi lang naman kasi ako ang may pangalang Ikay sa mundong ibabaw. Tama, nagkataon lang. Huminga ako nang malalim at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Nandito ako sa mansion, wala kasi akong magawa. Kanina pa ako paikot-ikot rito at nag-iisip kung ano bang pwedeng gawing pan-trip sa mga katulong. Taray ng mansion. Nakakasanaol naman ito. Pero infainess ah? Ang sarap pala sa pakiramdam pag kapangalan mo ang bida sa kwento. Feeling ko tuloy nasa mansion rin ako. Mukhang mag-eenjoy ako sa kwentong ito. Pero sobrang kasalungat naman ng Ikay na 'to sa Ikay na nagbabasa ngayon. Pero kunsabagay, libro nga eh.. Pwede maging posible lahat. Ngumiti ako at nagpatuloy.. Hmm.. Takutin ko kaya sila mamayang gabi? Woah! Tama! Ang talino ko. Bwahahaha! Makakapaghiganti na rin ako sa inyong mga leche kayo. Watch, listen, look and listen and learn. Masyado akong naaliw sa binabasa ko at hindi ko na namalayan na natapos ko na ang isang pahina. Nakangiti akong huminga nang malalim ngunit agad ring nawala nang mag-angat ako ng tingin--"N-Nasaan ako?!" halos mapasigaw ako sa gulat. Taranta akong napatayo sa aking kinauupuan at mas lalong nanlaki ang mata nang makita ang malaking kulay ubeng kama na nasa harap ko. Nanlaki ang mata ko at dahan-dahang inilibot ang paningin sa loob ng silid. Napakagara ng buong kwarto, halatang mamahalin ang mga gamit. Aircon pa! May lampshade sa gilid ng kama a-at-- at may picture frame ng LITRATO KO?! "A-anong nangyayari?! K-Kaninong bahay ito? B-Bakit may litrato ako?" usal ko habang kagat-kagat na ang kuko. Pakiramdam ko ay nanginig ang buo kong katawan sa mga nakikita ko. Mabilis naman akong napalingon sa pintuan nang marinig ang marahang pagkatok. Agad akong napatakip sa bibig ko at pinigilang huminga. Jusko! Makukulong pa yata ako neto! A-Ano ba kasi ang nangyari? Nag re-read walk ba ako?! Naglalakad habang nagbabasa kaya hindi ko namalayan kung sana na ako napunta?! Mabilis akong nagtago at sumiksik sa ilalim ng kama nang biglaang bumukas ang pinto. Hindi parin mawala sa dibdib ko ang malakas na kabog dahil sa takot na baka makulong nga ako ng wala sa oras. Hindi ito maaari. Lagot ako kay Nanang at Tatang. Panigurado kakasuklaman nila ako. Huhuhuhu. "Ikay, anak? Handa na ang hapunan." Agad akong natigilan sa aking narinig. T-Teka. P-Pamilyar ang boses niya. "Anak? Nasaan ka? Naliligo ka pa ba?" narinig ko ang mga yabag ng paa niya papasok sa kwarto. Si Nanang! Nandito si Nanang! Mabilis akong lumabas mula sa pagkakatago sa ilalim ng kama at niyakap ng mahigpit si Nanang. Kita ko ang gulat ang sa mga mata niya nang gawin ko iyon. "Nang, umalis na tayo rito bago pa tayo makulong!" taranta kong sabi habang inililibot ang paningin sa kwarto kung saan pwedeng makahanap ng shortcut na matatakasan. Napako ang tingin ko sa bintana at dali-daling bumitaw kay Nanang uoang dumungaw. "Nang, medyo mataas-taas pero kaya natin ito. Diba bombero ka dati?" sabi ko habang nasa ibaba parin ng bintana ang paningin. Agad kong nilingon si Nanang nang hindi siya magsalita. "Hoy, Nang!" sabi ko sa kaniya. "Gutom ka na ba talaga anak?" tanong nito sa akin. "Nang, ano ka ba! Mamaya mo na isipin ang kain-kain na iyan. Kailangan na nating umalis dito!" inis kong sabi sa kaniya. Ano ba naman ito si Nanang. Pati ba naman sa ganitong sitwasyin, kain parin ang iniisip? Gosh! Mana talaga si Kuya sa kaniya. Sumeryoso ang mukha niya na para bang hindi na natutuwa." Ikay, naghihintay na ang Tatang at Kuya mo sa baba. The dinner is ready, let's go downstairs." sabi niya at tatalikod na sana nang hawakan ko ang braso niya at muling iniharap sa akin. "Nang! Kaninong damit 'yang suot mo?! Jusko! Ginalaw mo ang mga gamit rito? Nanang naman! Hindi ko kayo pinalaking magnanakaw--" agad akong napahawak sa ulo ko nang makatanggap ng batok. "Nang.." gulat kong usal sa kaniya at kita ko seryosong mukha niya. "Hindi ka na nakakatuwa, Ikay ha. Put your jokes in place." sabi niya at napalunok nalang ako dahil sa ngayon ko lang narinig si Nanang na nag-english. Alam kong hindi marunong mag-english si Nanang. Kinder lang naitapos niya. Pero bakit parang ang diretso ng emglish niga ngayon? Bakit parang mas magaling pa siya sa akin ngayon?! Ano ba talaga ang nangyayari. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko dahil hindi ko na talaga maintindihan ang earth. Hindi naman ako nakapagsalita pa nang hilahin ako ni Nanang palabas ng kwarto. Hindi ko maiwasang hindi mapanganga sa gara ng bahay na oinasok namin. Naglalaking chandelier ang bumungad sa akin sa may hagdanan. Madaming tanong sa isip ko ngunit parang nawala bigla lahat ng iyon nang masilayan ko kung gaano kamahalin ang mga nakikita ko sa paligid ko. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakakaapak sa ganito kamamahaling bahay. Tiles lang sa mall ang naaapakan ko at natutuwa na ako sa bagay na iyon. Mabilis akong natigilan sa paglalakad nang makita si Tatang sa sofa na nagbabasa ng dyaryo. Nakasuot siya ng itim na tuxedo na may pulang necktie. Ang kaniyang mga paa ay nakapandekwatro habang prenteng naka upo sa malaking sofa. Nang maramdaman niya ang presesnya namin ni Nanang ay agad siyang lumingon. "Franchesca, Anak." nakangiting bati nito at para naman akong hihimatayin sa nakikita ko. "N-Nang, Tang.. A-Ano ba talaga ang nangyayari? Nanalo ba kayo sa lotto ng hindi ko nalalaman?" wala sa sariling usal ko at sabay naman silang napalingon sa akin. Ngunit mabilis ring dumako ang tingin nila sa entrada nang bahay nang pumasok si Kuya Anton. Nakasuot siya ng mamahaling school uniform. Kulay asul ang vest nito at pinapapalooban ng puting long sleeve polo. Naka tuck-in ang kaniyang puting polo sa itim niyang slacks. "I'm hungry." sabi niya at agad na ginulo ang buhok ko. Halata sa itsura niya napagod na pagod siya sa kung saan man siya galing. "Let's go.. Dinner is ready." sabi ni Nanang at nagpauna nang maglakad papunta sa kung saan man na hindi ko alam. "Hey, are you okay?" tanong ni Kuya Anton kaya bigla akong naoalingon sa kaniya. Bakit paramg kalmang-kalma lang sila? Bakit parang hindi sila nababahala sa nangyayari? "K-Kuya.. A-Ano bang--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang tawagain na kami ni Nanang mula sa kusina. Agad naman nagpauna sa paglalakad at iniwan ako ng pangit kong kapatid. Wala sa sarili akong naglakad pasunod sa kanila. Nananaginip ba ako? Teka.. Hindi kaya-- Nandyan sa librong iyan ang lahat ng pangarap mo. Tama! Yung libro! 'Ying binigay sa akin nung white lady! Sigurado akong may kinalaman iyon sa nangyayari ngayon. Kailangan kong mahanao iyon. Babalik sana ako sa kwarto na pinanggalingan ko kanina nang tawagin ako ni Nanang sa seryosong tono. Doon ko lang napamsin na nasa loob na pala ako ng kusina. Nakaupo na silang lahat sa hapag habang seryoso na nakatingin sa akin. Dumako naman agad ang paningin ko sa mesa at agad na nanlaki ang mata nang makita kung gaano karaming pagkain ang nakalatag sa harap. Halatang msasarap ang mga ito at sigurado akong wala pa akong natitikman ni isa sa mga ito. "Kumain ka na, Franchesca." seryoso muling sabi ni Nanang kaya lutang akong naglakad papunta sa table at nang makaupo ay agad kong nilantakan ang mga pagkainna nasa harap. Inalis ko muna sa isip ko yung mga bagay na magugulo at itinuon sa mga pagkain. Wala nang atrasan 'to! Kung panaginip man ito, wala akong pake. Wag n'yo muna akong gisingin. Kakain lang ako. Parang hindi ko na nginunguya pa ang mga pagkain at todo lunok langang ginagawa ko sa tuwing may sinusubo. Kahit mabigat at puno na ang tyan ko ay patuloy parin ako sa pagkain at walang pinapalampas na putahe sa mesang hindi matikman. Kailangan kong sulitin ito, minsan lang akong managinip ng ganito. Ilang minuto pa bago ako sumandal sa upuan ko at dumighay ng pagkalalas-lakas. Nakapikit kong hinmas ang tiyan ko at nang magmulat ng mata ay doon ko lang napagtanto na nakatingin parin sa akin sina Nanang. Kita ko sa itsura ni Kuya Anton ang paglagulat sa nasaksihan. Tinignan ko isa-isa ang mga plato nila at wala pa pala silang nakakain. Halos maubos ko na ang lahat ng putahe na nakahanda sa mesa. "You look like, you haven't eaten for years." sabi niya habang wala parin sa sarilu at nakatitig sa akin. Agad akong nakaramdam ng hiya. "Anak, wala ka bang sakit?" tanong naman ni Tatang halatang lutang rin. Agad na naagaw ang atensyon namin kay Mom nang bigla itong matawa. "Go on, Franchesca. Kumain ka pa." sabi niya at agad naman akong umiling. "H-Hindu na po hehe. N-Naubos ko na ang pagkain ninyo." sabi ko sa kaniya. Tae, ngayon lang yata ako nahiya sa pamilya ko. Baket?! "You don't have to worry. The maids had cooked enough." sabi ni Mom at sumenyas. Nanlaki naman ang mata ko nang lumapit ang isang made na nakausuot ng pink na apron. Saka kinuha yung mga plato sa mesa uoang sandukan muli. Jusko! Bakit pakiramdam ko totoo ang mga nangyayari? Matapos nilang kumain ay iniwan na namin yung mesa para ligpitin ng mga maids. Hindi ako sanay kasi nakasanayan ko nang nagbabangayan pa kami ni Kuya kung sino ang maghuhugas ng plato. Hanggang sa masermonan kami ni Nanang at sa huli ay ako parin ang maghuhugas dahil sa dami ng palusot ni Kuya Anton. Pero ngayon, shocks! May maid na taga hugas at tagalinis ng bahay. Grabeh, sobrang saya ng ganiting panaginip. Mukhang totoo ang mga pangyayari. Busog na busog ako at ramdam ko ang kakaibang saya sa puso ko. Matagal kong pinangarao ang bagay na ito at masaya akong kahit sa panaginip ay natupad ito kahit papaano. Imbes na dumerecho sa kwarto ay napag-isip isip kong maglibot-libot muna. Para naman masulit ko ang pagkakatong ito habang nasa panaginip pa. Kasi pag nagising ako, paniguradong hindi ko na ito mapapanaginipan pa ulit. Nakangiti kong sinuyod ang buong bahay mula sala hanggang sa labas. Doon ko lang napagtanto na mansion pala talaga ang kintatayuan ko ngayon. Sobrang laki at pakiramdam ko ay pwede akong maligaw anumang oras. Lumabas ako at doon tumambad sa akin ang napakalaking fountain na pinalilibutan ng samot-saring bulaklak. Kahit gabi na ay parang kumikintab ang mga kulay nito. Dahil sa katamtamang liwanag na binibigay ng buwan ay parang nagmukhang paraiso ang paligid ng bahay. Ang ganda. Agad akong napayakap sa braso ko nng umihip ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Naoakasarap sa pakiramdam. Totoong-totoo. Ipinagpatuloy ko ang paglilibot hanggang sa makarating ako bugl sa garahe ng mga sasakyan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang limang mamahaling sasakyan na nakaparada. 'Woah!' Hindi ko mapigilang mapanganga sa mga nakikita. Agad akong lumapit at hinaplos gamit ang daliri ko ang kulay ube na sasakyan. Paboritong kulay ko. Palihim akong napangiti sa isiping akin nga ang kotseng iyon. Ako lang naman kasi ang may kulay ubeng paborito sa pamilya. Muli akong nag-ikot ikot sa labas ng bahay at napadpad na naman ako sa pool area. Napakaganda nito dahil sa kulay bughaw na ilaw na nasa ilalim ng pool ay tila umiilaw rin ng kulay bughaw ang tubig. Mabilis kong isinawsaw ang paa ko rito at parang tanga na tatawa-tawa mag-isa. Ang sarap talaga sa pakiramdam. Parang ayoko nang magising pa kait kailan. G-Gusto ko ganito nalang. Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinapakiramdaman ang maligamgam na tubig sa pool ngunit agad akong nakaramdam ng matinding lungkot. Matinding lungkot dahil sa isiping hanhlggang panaginip lang ako pwedeng magkaroon ng ganito kasayang buhay. Alam kong malabo kaming magkaroon ng ganito kasi mahirap lang kami. Pumatak ang luha ko sa pisngi na mabilis ko namang pinahiran. Agad kong tinanggal ang paa ko sa tubig at babalik na sana sa loob nang makasalubong ko ang isang maid. Ngmiti siya sa akin at binati ako na hindi ko naman natugunan agad dahil sa lutang na pag-iisip. Lalampasan na niya sana ako nang bigla ko siyang hawakan sa braso. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. "Ma'am… W-Wag po." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "May ipapagawa lang ako." nakangiwi kong sabi sa kaniya at mas lalo namang kumurbada sa takot ang mukha niya. Ano bang iniisip ng lecheng ito? Napairap nalang ako sa kawalan at seryoso siyang tinignan. " Ano po bang ipapagawa n'yo ma'am?" tanong niya sa akin at tumindig naman ako ng maayos. Huminga ako nang malalim at inilapit ang mukha ko sa kaniya. "Sampalin mo ko." derecho kong sabi at nanlaki agad ang mata niya "P-po?" gulat niyang tanong. "Sampalin mo ako." sabi ko ulit at mas inilapit ang mukha sa kaniya. "E-eh ma'am b-baka--" "Sasampalin mo ko o mawawalan ka ng trabaho." pinandilatan siya ng mata. "S-sasampalin po." sabi niya at napangiti naman ako. Pumikit ulit ako nang sabihin niya iyon. "Lakasan mo." dagdag ko pa habang nakapikit na. "Ma'am baka magsisi kayo?" sabi niya sa akin pero hindi na ako sumagot pa at hinintay nalang ang kamay niyang dumapo sa pisngi ko. Narinig ko siyang huminga nang malalim at maya-maya pa ay isang napakakakas na sampal ang natanggap ko dahilan para tumilapon na ako sa sahig. Ramdam ko ang bigat ng palad niya nang dumapo ito sa akin. Nakaramdam ako bigla ng hilo. Napahawak ako sa bibig ko at laking gulat nang makitang dumudugo ito. Pakiramdam ko ay natanggal ang buong bagang ko sa lakas niyon. Ngunit imbes na mapaaray sa sakit, ngiti ang kumawala sa labi ko. "H-Hindi ako nananaginip." usa ko bago nawalan ng malay. Author's Note: Start of Daily Update is on November 1, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD