~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) "Well, finally, pinuntahan mo rin ako. Fine, hindi na ako nagtatampo sayo." ani Sierra. "What do you need?" "What's with that question? Parang ako naman lagi ang may kailangan sa'yo," natatawang anito at sumisipsip sa juice niya. "I just have a good news for you." "May boyfriend kana?" "Oh my god!" Natatawang anito, "How did you know na wala parin?" Napailing ako sa kanya. "Then wala na pala akong ibang good news na maririnig sa'yo." "Ewan ko sa'yo, katampo-tampo ka na talaga. 'Yung ibang pinsang lalaki d'yan, ayaw magka-boyfriend 'yung pinsan nila tapos ikaw gustong gusto mong magka jowa ako." "Kasi alam kong hindi ka ligawin, walang nagkakagusto sa'yo yo kaya nag-aalala ako na tumanda kang dalaga at lagi mo akong tawagan katulad kagabi at bwisitin ang b

