~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) Nagtatangis ang bagang ko nang makita ko si Ram na pasakay sa loob ng sasakyan niya. Tumutulong ng maghanap ang mga pulis pero hindi pa rin nakikita si Chantal. Bubuksan niya sana ang pinto ng driver's seat pero kinuha ko ang kuhelyo niya. "Kuya!" Sigaw ng isang babae. "Nasaan si Chantal?" Nagtatangis ang mga bagang na tanong ko sa kanya. Lalo kong hinigpitan ang kapit sa kanya. "Wag sa harap ng mga kapatid ko, Gabe." Matalim na tinging anito. Saglit akong tumingin sa dalawang kapatid niya na hindi natuloy sa pagpasok sa sasakyan at mukhang nabalot ng takot ang mga mata. Muli kong binaling ang masamang tingin sa kanya, "Saan mo dinala si Chantal?" "I don't know. I don't even know kung bakit dumaan siya sa R-co. Umalis din siya kaagad. Pwede ba." Tinulak a

