~(CHANTAL LANE SY POV) "Baaal!" Bahagya kong nilayo ang cellphone sa tainga ko sa lakas ng sigaw ni Hailey sa kabilang linya. She was really always too loud. "Hindi ka na naman nakikinig, anak ng tuna naman oo." Bumuntong hininga ako at muling sinandal ang ulo ko sa swivel chair ko and closed my eyes. "Iniisip mo na naman ba 'yung annulment niyo? Don't worry, totoo talaga na nag-file siya ng annulment, no joke. Malamang pinatotohanan niya na physiologically incapacitated siya at sobrang tindi ng ebidensya baka bukas din grant na ang petition niya. Eh, 'di happy happy, hindi mo na kailangan ng insecticide to live peacefully in this universe, no." Bumuntong hininga ako. Kinukurot na naman ang dibdib ko sa tuwing maririnig ko ang tungkol sa annulment. "Pero alam mo, siguro mas mabuti

