~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) Mukhang marami itong alam na pasikot-sikot at mukhang nakabisado na ang lugar. May abandonadong bahay sa katabing lote at sa matagal na habulan nahablot ko rin ang suot niyang backpack na sa tingin ko ay siyang pinaglagyan niya ng mga ninakaw niya. Mabilis ko itong sinuntok. Kahit madilim ang kapaligiran ay hindi ko hinayaang makawala ito. Susuntukin ko sana ulit ito pero nakailag ito at nasuntok ako sa sikmura. Damn. Akmang tatakbo na ito pero nasipa ko siya. Mabilis kong sinakal ang leeg niya gamit ang braso ko. "Matagal mo nang minamanmanan ang bahay hindi ba?" Pilit itong nagpumiglas. "Gabe!" Narinig kong sigaw ni Chantal. Tumingin ako sa direksyon niya. Hindi ko siya masyadong makita. Ang liwanag lang ng flashlight na hawak niya ang nakikita ko. H

