~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) Ilang beses akong nag doorbell sa bahay nina Jade bago ako pagbuksan ng katulong nila na tumutulong din kay Hailey na mag-alaga kay Jaden. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay kasalukuyang nilalaro ni Hailey si Jaden sa lap niya. Jade was making face trying to make Jaden laugh. "Oh, Gabe... napadalaw ka? Magpapaturo ka na naman maglinis ng bahay?" Si Hailey. "Tamang tama, tol. Kailangan namin ng katulong ngayon. Daming kalat, oh." turo nito sa mga laruan sa sahig. "Tss. Kupal ka talaga." Binigay ni Hailey si Jaden sa yaya nito. "Kumain kana ba?" Tanong nito sa akin. "Busog pa ako, Hail." Sagot ko naman. "Ano ba 'yang dala mo?" Tanong ni Hailey sa hawak kong paper bag. "Umupo ka dito." tinanggal nito ang mga toys ni Jaden sa couch at nilagay iyon sa basket. U

