~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) "May nabasag ka na namang baso?" "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kapag hindi mo ginagamit ang ilaw, patayin mo!" "Ano na naman bang ginawa mo? God, Gabe!" Those were the words na madalas kong marinig sa kanya. Bakit ganito, bakit gan'yan. Lahat pinupuna niya. Lumipas ang mga araw, mas lalong naging mainitin ang ulo niya. Parang kaunting kibot ko mali para sa kanya. "Ano yan? Jade!" Tawag ni Hailey rito nang makabasag kami ng baso. "Hays, kasi naman, tol, saang planeta ka ba galing? Ganito kasi 'yan. Dapat ganito, oh." Kinaskas nito ang baso. "Aray!" Daing nito nang kurutin siya ni Hailey. "Aw." Kagat labing anito habang nakangiwi. Natawa ako nang bahagya. "Paano matututo kung ikaw ang gagawa?" "Ehhh, kasi..." "Ang dami mo kasing daldal. Hindi ka

