~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) "I can't. I don't have much money. Isa pa, hindi ko naman kailangan ng bagong sasakyan. Sky is enough for me." Bumuntong hininga ako at uminom ng alak. "What about my unit?" Binigyan niya ako ng matamlay na tingin, "I have my own unit." Tss, bakit ba ang hirap bentahan ng babaeng 'to? "Do you really need money?" She asked. I nodded. "Okay, I'll try to ask someone about your offer." Kinuha nito ang phone mula sa pouch niya. Hangga't maaari ayokong isangla iyon sa ibang tao dahil wala akong planong ibenta nang tuluyan ang sasakyan at unit ko. Marami akong memories sa dalawang bagay na iyon. "Hello?" Napaingin ako kay Sierra na may kausap sa kabilang linya. "Are you busy?" Sumenyas sa akin si Sierra to wait pagkatapos ay tumayo at lumayo sa akin. Mataga

